Chereads / MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 7 - CHAPTER 06

Chapter 7 - CHAPTER 06

PARKER POV.

MAINGAT kong ipinarada ang sasakyan sa tabi distansya sa bahay namin. Sinadya ko ito para makausap ko ng masinsinan ang anak ko.

" Honey, Speak up !," agad kong sabi sa kanya. Nanatili parin siyang tikom at nasa labas ng bintana ang paningin.

" Parker, Hindi ko iyon sinadya okay? Im sorry if you feel insulted ," tugon nito na di manlang tumingin sa akin.

" Im speaking up with you as your Father not a Friend Honey , kaya humarap ka sa akin at mag usap tayo ng maayos ," mahinahon kong sabi.

Humarap naman ito sa akin pero nakayuko habang nilalaro ang keypad phone niya pinaikot ikot iyon sa kamay niya.

" What's the problem Honey? Tell me ,".

" I want you to stay with me again Parker, I hate being alone , i feel neglected!, " malungkot nitong saad. Para namang dinurog ang puso ko sa sinabi niyang iyon.

Napabuntong hininga ako saka napatingin sa labas ng bintana.

Naglalaban ang isip ako at puso ngayon , She really growing up to fast.

Mulat na siya sa mga nangyari sa paligid niya ngayon. At alam kong nasaktan ko siya dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanya sa ibang tao.

" Hindi ka pa ba sanay sa klase ng trabaho ko Honey? , "

" Ayaw kong masanay, Ayaw ko ring sanayin mo ako Parker, " seryuso nitong saad.

Napabuntong hininga naman ako. Ang lalim ng mga salitang binitiwan ng anak ko. Sa lalim hindi kona kayang sisirin.

Natatahimik ako pag ganito ka seryuso ang usapan namin. Hindi ko kase ramdam na bata pa siya dahil pakiramdam ko dalaga na ang anak ko.

" Konting pag titiis nalang muna Honey, konte pa darating din ang araw na titigil din ako sa pagtatrabaho ko sa ngayon hindi pa sapat ang naipon ko para sa pag aaral mo ,"

" Bumalik nalang tayo sa Isla Paraiso mas gusto ko dun , tahimik tayong nabubuhay dun ,"

" Hindi pa pwede tapusin mo muna ang pag aaral mo at pagtapos kana saka pa ako magreresign sa trabaho ko bilang Bodyguard ng mga kilalang tao ,"

" And then? Babalik ka naman sa pagiging Killer mo?,"

Natigilan ako sa sinabi ng anak ko at napatingin sa direksyon niya. Wala akong tinatago sa anak ko kaya lahat ng ginagawa ko ay alam niya maliban sa trabaho ko noon.

" Where did you get that?, " tanong ko sa kanya.

" No one told me Parker , but i remember everything when you came home late and bleeding , i accidentally heard you and mom arguing about your Job and i found out that you are hired to kill some bad guys ." Walang emosyong sagot nito.

Nanlamig ang buo kong katawan matagal ko nang itinago ang parte ng pagkatao kong yan hindi ko alam na matalino pala tong anak ko.

Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko rin alam kong ano ang sasabihin nahihiya ako.

" Don't worry Parker I'm not saying this to Judge you alam ko namang hindi ka nagpapabayad That's the reason why kong bakit ka palaging pinapagalitan ni momy ,"

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya. Naagaw ang atensyon naming dalawa ng tumunog ang cellphone ko.

Kinuha ko iyon at sinagot agad.

" Parker!,"

" Don ,"

" Si Summer , Nawawala tinakasan ako Parker at hindi ko alam kong ilang oras na siya wala dito sa bahay ngayon lang namin napansin pagabi na ,"

' Lintik na babae to! Kahit kailan napaka tigas ng talaga ng ulo '

" Pupunta na ako jan Don ,"

" Make it quick Parker ," pinutol kona ang linya at agad inistart ang sasakyan.

" Ihahatid na kita sa bahay mag uusap nalang tayo pagkabalik ko, ,".

Pagkasabi kona yun ay bumaba na siya ng itigil kona ang sasakyan saka walang lingon na pumasok sa loob.

Napatanaw nalang ako sa likod niya at napailing.

Hindi pweding may malalaman ang anak ko dahil manganganib ang buhay niya pag nagkataon.

Mabilis kong pinapaharurut ang saskyan pabalik sa maynila. At tumuloy sa Mansyon ng mga Hamilton.

" Wag na kayong magpanic Don , may inilagay akong tracking device sa cellphone niya kaya malalaman natin kong san siya ngayon ,"

Nawala agad ang pag aaalala ng matanda sa sinabi ko at agad ko ring kinulikot ang cellphone ko at tinrace ang location ni Summer.

Natigilan ako ng makita ang location ng dalaga.

At saka nagmamadali akong umalis.

' Ano na naman ang pumasok sa kokote niya at nagpunta siya sa ganitong klaseng lugar?'

Mabilis akong nakarating sa bar. Hindi ako pinapapasok ng mga bouncer kaya kilangan ko pang takotin ang mga ito.

Halos mabingi ako sa lakas ng tugtug at sa patay sinding mga ilaw sa loob. Puno ng usok ang paligid at maraming babae at lalaki ang nagsasayawan.

Papahirapan pa ako sa paglusot tumigil ang pulang dot sa phone ko ng matapat ako sa isang saradong pinto.

Agad ko itong itinulak ako tumambad sa akin ang apat na armadong lalaki hinanap ng mga mata ko si Summer at nakita ko siya sa isang kama na payapang natutulog.

" Hey? Who are? What are you doing here?," anang ng isang lalaki na nakachicken hair ang buhok.

" Kukunin ko ang babae ," matigas na saad ko.

Nagtawanan ang mga ito. Na ikina inis ko.

Hindi ko sila pinansin at patuloy na naglakad patungo sa kinaroronan ni Summer Ngunit hindi paman ako nakalapit ay naramdaman kona ang malamig na bagay na itinutok sa isang lalaking andito sa loob sa sentido ko.

" Mukhang hindi mo yata kami kilala tatang , pag aari na namin ang babaeng yan at hindi namin siya ibibigay sayo ,".

Umayos ako ng tindig.

Mapapalaban ako dito.

Mabilis kong kinabig ang kamay niya dahilan na mabitawan ang baril saka ko ito sinalo at binaril siya sa tuhod.

" Easy tatang baka nakalimutan mo tatlo kami dito ," anang ng isang andun na mukhang siya ang. Leader.

" Ibigay niyo sa akin ang babae kong gusto niyo pang masikatan ng araw bukas ,".

Napailag ako ng pinaputukan na ako ng sunod sunod. Natawa nalang ako dahil ni isa walang dumama sa akin hindi sila marunong humawak nang baril.

Nakita ko ang pag galaw ni Summer mukhang gising na siya. Binaril ko sa tuhod at hita ang tatlo saka kalmadong naglakad palapit kay Summer.

" P - Parker Y - You C - Came ,". Mahina nitong sabi sabay pikit ng mga mata nito.

Mabilis ko siyang binuhat at inilabas sa bar saka isinugod sa ospital.

Alala din ang ama niya ng sumugod dito.

" Anong nangyari Parker ?,"

" Mukhang drinoga ang anak ninyo Don, Kong hindi ko siya naabotan dun baka hindi na siya sisikatan ng araw bukas , aalis muna ako kailangan kong balikan ang mga taong gumawa nito sa kanya. ,"

Gusto ko nang makialam ngayon dahil hindi kona gusto ang mga nangayayari. Hindi kona ito kayang palampasin ngayon.