Chereads / Love To The Destiny / Chapter 27 - 27 We're indanger Now

Chapter 27 - 27 We're indanger Now

" Hayden..." ang mga luha ko ay nagsimula na umiyak.

" Putangina mo talaga! " sigaw ko.

" Kung hindi sana nakialam ka dito. Hindi ka nagkakaganyan. Napakapakialamero mo kasi" Sabi ni Ramos.

" Sige pasok na ninyo ulit ito sa Van saka itong kapatid ni Celine " kinaladkad pa sakay sa Van. Pero nanlaban si Kuya. Pinagsusuntok, sinipa sabay saksak sa tiyan.

" Aba-Aba may talent pala ikaw sa taekwondo. Dapat sumali ka sa championship competition. Ang galing " nagpalakpak pa pagkatapos.

" Lagyan ng tali ang dalawang yan! Sapat na ang duck tape para tumikom ang bibig. Ipasok na yan sa Van. Bilis!!! " agad na sumunod ang mga tauhan nito.

" Kung sasaktan mo sila. Patayin mo nalang ako! " Umiling ito.

" Hoy mga tanga isama itali nyo nga ito. Wag nyong takpan ang bibig. Hayaan natin syang magdadakdak wala akong pakialaman " mahigpit na pagkakatali dahilan para hindi makagalaw ang kamay ko sa likod.

" Dalhin nyo ang mga yan sa pribadong lugar. Bantayan nyo mga yan. Pamaya ang sahod nyo. Ingat see you later hahaha " umalis na ang van.

" Kuya!!!John!!!!Hayden!!! " sigaw ko sa kanila hinabol ko ang van. Kahit nakatali ang mga kamay ko. Wala akong pakialaman kung madapa man ako. Biglang may sumipa sa akin.

" Tatakas ka pa ha. Dalhin nyo nga dito yan napakagaslaw! " utos nito.

" San mo ba ako dadalhin?!!! " tumawa pa ito ng saglit na lalong ikinagalit ko.

" Masaya dun. Wait. Liligaya ka pa....." nagtawanan pa ang mga tauhan nito.

" Ano mga inutil! paandarin nyo na ang kotse. Mga letche! Gawin nyo ang mga trabaho! wag nakatangla " pinasok ako nito patulak sa loob ng kotse.

" Alam mo kung hindi ka tumakas, saka sumama ng maayos, hindi sana magkakaganto. Ang TigaS kasi ng ulo mo!!! " napaluha na lang ako sa mga sigaw nya. Pinilit kong labanan ang takot pero nabigo ako. Takot na takot ako. Baka kung anong gawin nya sa akin.

" Oh wag ka nang umiyak. Masama yan sa bata " sumakay na ito sa loob ng kotse. Sabay sara ng malakas.

" Putangina mo talaga!!! " napatawa ito pati narin ang kanyang tauhan.

" Dali! umalis na tayo dito! Gusto na ng prinsesa magpahinga " napahikbi ako.

" Ramos pwede ba? Tigilan mo na ako. Gusto ko ng mabuhay ng malaya " pagpapakiusap ko sa kanya.

" Hindi!!! Magiging masaya kayo tapos ako magdudusa! hindi, Hindi ako papayag! " nagitla pa ako sa lakas ng boses nya.

" Ano ba ang gusto mo? " pagod na ang kamay ko sa gapos sobrang higpit.

" Basta malalaman mo " ang bagal ng takbo ng pagmamaneho feeling ko gusto kong tumulog pero hindi pwede baka pagmulat ko ano na ang ginawa nya sa akin.

" Pwede bang alsin mo na ang tali, please " umiling ito.

" Pwede bang tumahimik kahit saglit. Binging-bingi na ako! " Humikbi ako pilit kong inaalis ang tali pero hindi talaga. Napasandal na lang ako sa bintana. Ano ang gagawin ko ngayon. We're indanger Now.

©Love To The Destiny