Chereads / His Concubine / Chapter 39 - Chapter 37

Chapter 39 - Chapter 37

Mahigit isang oras na ang lumipas mula nang magka-ayos sila ni Lithana. Alois cried like a river and kept on hugging Lithana. Sobrang emosyonal niya sa mga oras na 'yon, siguro dahil na rin sa buntis siya at sa sobrang miss na niya ang kaibigan. Hanggang ngayon nga'y mugto pa rin ang mata ni Alois, which made Lithana smile. Nakikita niya kasi ang Alois na binantayan niya noon, ang Alois na kaibigan niya.

Sa loob ng isang oras na 'yon ay wala ring ibang ginawa si Alois kundi ang makipagkwentuhan sa kaibigan, just like what they do in the past. Of course, Lithana is still the same, tahimik ngunit nakikinig ito sa mga kwento niya.

Kasalukuyang nakaupo sa sofa si Alois, nasa tabi naman niya si Lithana.

"Thana, when I saw that dagger." Tukoy ni Alois sa dagger na inilabas noon ni Lithana nang may bumunggo sa kaniya. "It feels like I saw a ghost, that i'm trapped again. Natakot ako kasi babalik nanaman ako sa lugar na kinasusuklaman ko."

"I was scared. Natakot ako kasi baka katulad ka rin niya— ni Ismael." dagdag ni Alois sa malungkot na boses.

Pinaglaruan ni Alois ang mga daliri at nanatili roon ang tingin niya. 'yon ang naramdamam niya nang makita niya ang patalim na may simbolo ng emperyo. Nang makita niya 'yon, naramdaman niya na nakatali pa rin siya sa kaharian, na kahit na anong gawin niya ay babalik at babalik pa rin siya doon.

Ngunit mas natakot si Alois na maulit ang dati, ang mapagtaksilan ng pinagkakatiwalaan niya. Ilang taon siyang namuha ng parang normal na tao, masaya siya kahit na kapos siya noon para tustusan ang sariling pangangailangan. Masaya siya dahil may kaibigan siya na nandiyan para sa kaniya at handang umalalay sa kaniya, but it turns out that her friends will also betray her, nilinlang siya ng nga ito.

Nang marinig niya ang sinabi ni Lithana na hindi nila gustong sundin ang utos ni Ignis, ginawa lang nila 'yon dahil kaibigan siya ng mga ito. Lithana and Rilen protected her because she's their precious friend. Doon ay nalinawan na siya, na eversincet they met, hindi prinsesa ang tingin ng dalawa sa kaniya, they see her as a friend.

"I also felt the same, princess—"

"Alois, call me Alois." Hinawakan ni Alois ang kamay ni Lithana. "We 're friends right? kaya tawagin mo ulit ako sa pangalan ko katulad ng dati."

Sumilay ang ngiti sa labi ni Lithana. Matagal na niyang gustong gawin 'yon at ngayon mangyayari na. Nakangiting tumango si Lithana.

"Me and Rilen also felt the same, Alois." Pagtuloy ni Lithana sa sinasabi. "Natakot kami na ibalik ka sa kaharian. Natakot kami na baka makita ka namin na nahihirapan— ulit. We hate seeing you suffering and we can't stand seeing fear in your eyes."

"We can reject the crown princes orders at mawalan ng posisyon bilang Knight. I am the only daughter of one of the Marquis, Rilen is also a son of a Marquis so we can still live our life without being a Knight. But when we saw you, doon namin napagtanto na gusto naming manatili sa tabi mo. Gusto ka naming protektahan."

Humigpit ang pagkakahawak ni Lithana sa kamay ni Alois. Ang dating walang emosyon na mukha nito ay nakikitaan na ngayon ng pinaghalo-halong emosyon. Na para bang matagal na nitong tinatago ang totoong nararamdaman.

"Hindi ka namin nagawang protektahan sa kaniya. You ended up being held captive by the crowned prince, you ended up coming back in this empire. Hindi namin nagawa na ilayo sa sakit ang kaibigan namin. That's why when you told us that you'll never forgive us, tinanggap na lang namin kahit na nasasaktan kami. 'yon ang parusa sa ginawa namin, ang kamuhian ng taong pinakaiingatan namin." Madamdaming aniya Lithana. Humihina ang boses nito, senyales na malapit na itong umiyak.

Ibinaling ni Lithana ang tingin kay Alois na ngayon ay nangingilid na ulit ang nga luha sa mga mata nito.

"Masaya ako kasi masaya na kayo ng prinsipe. Masaya ako dahil hindi niyo na sinasaktan ang isa't-isa. Sinabi ko noon sa sarili ko na kontento na akong makita kayong masaya, hindi na ako nag-aasam pa na mapatawad mo kami basta maging masaya ka lang."

Nagsimula ulit na umagos ang luha sa mga mata ni Alois. Nasasaktan siya dahil sa nakikita niyang sakit sa mga mata ni Lithana.

"Pinapatawad ko na kayo ni Rilen. I want to start a new life. I want my friends back."

Pinunasan ni Lithana ang luha sa pisngi ni Alois.

"Don't cry, Alois. Makakasama sa bata 'yan, baka pagkalabas niya ay awayin ako dahil pinaiyak kita."

"Don't worry, little bean will never do that. My bean will treasure you too." Nakangiting hinaplos ni Alois ang umbok na tiyan.

Habang ginagawa 'yon ni Alois ay bigla siyang nakaramdam ng antok. Hindi niya napigilan na mapahikab. Inaantok nanaman siya, siguro dahil sa pag-iyak niya kaya mas lalo siyang nakaramdam ng antok.

"Iaakyat na kita sa kwarto niyo. You should rest, gigisingin na lang kita kapag nandiyan na ang prinsipe." Alok ni Lithana. Akamang tatayo sana ito nang hawakan siya ni Alois sa sleeves ng unipormeng suot niya.

"I'll rest here." Sumandal si Alois sa kinauupuan habang si Lithana naman ay nanatili sa tabi niya.

Nakangiting pumikit si Alois. Komportable siya sa sofa dahil malambot 'yon at hindi masakit sa likod.

Agad na napadilat si Alois nang marinig ang pagbukas. Tila ba nawala ang antok na nararamdaman niya, lalo na nang makita kung sino ang iniluwa ng pinto. It's Ignis and Rilen. Alois was supposed to feel happy pero nagulat siya nang makita ang labi ni Ignis na may bahid ng dugo at kaunting pasa. Namumula din ang pisngi nito. Dali-daling tumayo si Alois, kamuntik pa siyang mawalan ng balanse, mabuti na lang at agad siyang nasalo ni Ignis.

"Be careful!" Nag-aalalang aniya Ignis.

"What happened?!" Alois asked before she cupped Ignis' face. Napangiwi ito sa sakit.

"It's nothing. Don't worry." Ngumiti si Ignis para kahit papaano ay mabawasan ang pag-aalala nito.

Mariing naikagat ni Alois ang ibabang labi. Naiinis siya. Huwag mag-alala? paanong hindi mag-aalala si Alois kung ang bubungad sa kaniya ay ang mukha nitong may mga pasa. Hinila ni Alois si Ignis atsaka ito pinaupo sa sofa. Tinabihan niya rin ito kaagad.

"Huwag mong sabihin sa akin na wala lang 'yan, Ignis! you freakin' have a bruise and bloody lips! Ano bang nangyari?"

"I told you, it's nothin—" hindi na natuloy ni Ignis ang sinasabi nang putulin 'yon ni Alois.

"Ignis, akala ko ba simula ngayon wala na tayong sikreto na itatago sa isa't-isa?" Malungkot na aniya Alois. Akala niya magiging open na ulit sila sa isa't-isa, pero mali pala siya.

Ibinaba ni Alois ang tingin. Muli siyang nabalot ng emosyon. Nalulungkot at naiinis siya sa mga oras na 'to. Ignis' hidding something that's why he doesn't want to tell the reason behind those bruises.

"Ayaw ko lang na mag-alala ka. Ayaw kong masaktan ka."

Nagtatakang ibinalik ni Alois ang tingin rito. "It wont hurt me, Ignis. Ayaw mo lang talagang sabihin." Saglit na natahimik si Alois bago tuluyang tumayo. "It's fine, if you don't want to then don't. I won't force you." Alois said before she walked towards Lithana's direction.

"Thana, let's go outside. Magpapahangin tayo." Akmang hahawakan na sana ni Alois ang kamay ni Lithana nang may pumigil sa kaniya. Hinawakan ni Ignis ang palapulsuhan niya na siyang naging dahilan para mapalingon si Alois.

"Ismael."

Hindi alam ni Alois kung ano ang mararamdaman niya nang marinig ang pangalan na 'yon. She kinda miss seeing his face. Ilang buwan din niya itong hindi nakita, sa pagkakatanda niya ay ipinakulong ito ni Ignis nang walang rason. 'yon na lang ang naaalala niya.

"Si Ismael ang may gawa nito." tukoy ni Ignis sa pasa at putok na labi.

Pinaghalong inis at galit ang nararamdaman ni Alois sa mga oras na 'to. Biglang nawala ang pangungulila na nararamdaman niya at napalitan na 'to ng galit.

"Bakit niya nagawa 'yan sa 'yo?!"

"I don't know. I was about to say sorry for what I did when he suddenly attacked me." Pagpapaliwanag nito.

Napahilamos sa sarili si Alois. Hindi inaakala ni Alois na magagawa 'yon ni Ismael, pero kung nagawa nga siyang pagtrayduran nito magagawa rin nitong saktan si Ignis.

Habang malalim ang iniisip ni Alois, hindi niya namamalayan ang kakaibang tingin na ibinigay ni Ignis kay Rilen na tahimik na nakatayo sa gilid at nakatago ang kamay sa likuran.

Ignis gave him an emotionless stare na naging dahilan para mapabuntong hininga si Rilen. Hindi nito magawang tingnan ang gawi nila Alois.

Ang hindi nila alam, napapansin ni Lithana ang walang emosyon ngunit may kahulugan na tingin na ibinibigay ni Ignis kay Rilen. She knows that they are hidding something, that the crowned prince is lying.

"Rilen, ano ang naging ugat ng away nila?" Tanong ni Alois sa nananahimik na Rilen.

Ilang segundo ang tinagal bago tuluyang nakasagot si Rilen.

"His majesty was about to say sorry pero ipinagyabang nito na malaya na siya, that the King set him free and will guard you while his Majesty's in the boarder— fighting for war. Sinabi na babawiin ka niya sa prinsipe."

Napasinghap si Alois. Babawiin siya nito? Bakit anong dahilan? Sisirain nanaman ba nito ang masaya niyang buhay?

Hinawakan ni Ignis ang magkabilang balikat ni Alois. Ngayon ay magkaharap na ulit sila. Kitang-kita sa mga mata ni Alois ang pinaghalong pagtataka at galit.

"Hindi ka lalapit sa kaniya. Huwag mong ibabalik ang tiwala mo sa kaniya. He'll do anything to ruin our new life. Promise me, Alois."

"I promise." Lutang na sagot ni Alois kay Ignis. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya.

"Don't trust him, huwag kang maniniwala sa kaniya. Huwag mong hayaan na malinlang ka niya at maulit ang nangyari dati."

Naiyukom ni Alois ang kamay. Mas lalong umusbong ang galit niya kay Ismael. Tama si Ignis, hindi niya dapat pagkatiwalaan at paniwalaan si Ismael. Hindi niya dapat ibalik ang tiwala sa taong pinagtraydoran siya.

"Don't worry, Ignis." Marahang hinawakan ni Alois ang pisngi ni Ignis. "I promise, I won't trust him."

Niyakap siya ni Ignis. Ang klase ng yakap na nababakasan ng lungkot at takot. Iyan ang nararamdaman ni Alois sa mga yakap nito. Ibinaon din ni Ignis ang mukha sa pagitan ng balikat at leeg ni Alois na siyang naging dahilan para hindi nito makita ang pagsilay ng ngisi sa labi niya.