Chereads / Qarly Meets Syre / Chapter 16 - Kabanata 16

Chapter 16 - Kabanata 16

Sa theater room madalas mag-hang out si Qarly tuwing gusto niya manuod ng mga movies at serye na gusto niya panuorin.

At her early age, nanunuod na rin siya ng mga kdramas at cdramas. Usually yung mga Fantasy and Historical dramas. Nahilig kasi siya sa out of this world na themes na ganun.

"Wow! Para tayong nasa sinehan talaga."

Qarly pressed a button gamit ang isang remote para bumaba yung screen ng projector.

"What do you want to watch Ate Nella?" yiiee! ang polite naman.

"Ano ba meron ka dyan?" Qarly turned on the laptop and moments later, she opened a folder with many movies.

Nakatago somewhere sa main window ang mga dramas niya. She just opened a folder with Kids' shows and movies.

"Uy itong Dumbo live action, hindi pa namin napapanuod ni Syre." Tumango naman si Qarly at dinouble click ang icon ng Dumbo.

"Do you want to eat while watching?"

Nella nodded, while Syre and Rijo, just acted like statues.

"Kuha na lang kayo dito sa may cabinet." Kumuha si Nella ng candies, and inabot niya ang isa kay Syre.

"I'm not really into sweets." Qarly can't help but smile. "Okay, upo na kayo wherever you want." Nagpeplay na kanina pa ang opening credits nung movie kaya naman, halos madapa si Nella sa excitement.

"Careful!" sigaw ni Rijo nang matapilok si Nella. "Hehe, pasensya na."

Nang makaupo na silang lahat. A dog suddenly came into the room and placed it's head at Qarly's leg.

"Hi Coral!" she almost half-whispered and half-shouted. Coral seems to really have strong bond with her and Qarly appreciates that.

Pagkatapos ng movie, parang lahat sila na-drain. "5 pm na, papasundo na kami ni Syre," si Nella na nag-inat pa ng arms bago kinuha ang cellphone.

"Ay nga pala, what's your phone numbers?"

Binigay ni Rijo ang phone number niya and si Qarly naman, "Why do you need it for?"

Ngumiwi si Nella. "Para close na tayo as textmates?" Qarly shrugged and took her cellphone.

"Wow! Sosyalera ka talaga! Inggit is me!"

May sarili kasing QR code si Qarly kaya naman, kailangan lang niya ipa-scan yun sa ibang cellphone na may QR code scanner app.

"Lucky, you have installed a QR code scanner already." Binalik na nito ang cellphone kay Nella. "Nice!" Nang tignan ni Nella ang na-scan ng phone niya, mala-business card ang lumabas na image.

"Makagawa nga ng ganito, para feeling pro-earth protector." Umiling si Rijo at tumingin kay Qarly. She was biting her lips inwards.

"Ano feeling ng magkaroon ng friends?" Qarly looked at Rijo like he was an idiot.

"Ito friend ko, si Coral, hello!" reyna talaga ng sarcasm si Queen Renue.

Hinatid nila Rijo at Qarly ang magkapatid hanggang sa entry way ng mansyon.

"Hanggang sa uulitin, Qarls!" kumaway si Nella sa kanya, hanggang sa makaalis na ang sasakyan mula sa mansyon.

"First and last na ito." Balik sa pagiging strikta si Qarly. "Hindi mo ba sila feel?"

She inhaled and exhaled, "Nope."

For all we know, Qarly is a quiet yet shrewd girl. Ramdam niya agad ang vibes ng mga tao na nasa paligid niya.

"Nella Dane is going to be a pain in the ass, while Syre is somewhat unpredictable."

Palakad na sila pabalik sa loob ng mansyon.

"So, I have decided na lumipat na ng tinitirhan and never let them see me again."

Kumunot ang noo ni Rijo sa sinabi nito. "What do you mean?"

Qarly smirked. "I am going to be away for a long time and no one will be able to stop me."