After a few more years, isang ganap na teenager na sila Qarly at Syre. Yung panliligaw ni Syre kay Queen Aurora Ly, patuloy pero natigil lang noong sinabi ng dalaga kay Syre, "Saka na ako makikipag-relasyon sayo kapagka break na kami ni Rijo."
Tumango naman si Syre. Naghintay siya hanggang sa mag-16 sila pareho, doon na nagdecide si Qarly na makipag-break kay Rijo.
Yun ang alam ng karamihan, pero si Rijo talaga ang nag-initiate ng break up.
"I need to save my pride, kaya ipaalam natin sa lahat na ako ang na-fall out sayo, not the other way around."
Yun na nga ang nangyari, Still! Lihim ang relasyon nila Syre at Qarly. Kasi ayaw ni Mrs. Renue kay Syre as his future son-in-law.
Magkumare man ang nanay ni Syre at ang Madam Renue, sadyang gusto na nito si Richard John Watson para kay Qarly.
"Bakit naman hindi niyo ginawan ng paraan? Akala ko pa naman kayo na talaga." Qarly licked her lips and said, "Mommy, mahal na ni Rijo si Nella Dane, alangan naman na pigilan ko pa sila." Parang walang narinig ang kanyang ina. "Ah basta, huwag kang makikipagrelasyon dun sa Syre na yun ah? Kahit na close kami nung nanay niya,"
Kunwaring nakikinig pa ang dalaga sa ina, pero ka-text niya si Syre. "Ikaw rin, mahihirapan ka i-manage mag-isa ang kumpanya natin." Umalis na ang ina niya sa kwarto at napabuntung-hininga siya.
"Sana talaga, naging normal na tao na lang ako tulad nila Syre." Sobra na siyang nabibigatan sa responsibilidad na ibibigay sa kanya ng kanyang mga magulang.
"My dearest Aurora!" Bati ni Miyaka Ribbons.
After ng kanilang highschool graduation, nag-iba na sila ng mga landas. Si Miya ay
nag-aaral na ng Business Ad like what her parents told her. While Qarly is now an aspiring actress in a drama school. Gusto pa rin talaga ni Qarly maging artista.
She even started a Youtube channel after the death of her dearest Coral. May iniwang anak si Coral na kineep niya from her other bros and sis.
"Coral 2.0, come here!" lumapit naman ang aso. Four years old pa lang noong yumao si Coral, napabayaan niya kasi, nag-aaral at nagdodorm siya sa ibang lugar.
Nanghina ang aso at namatay rin after mag-one year old sila Coral 2.0 at ang mga kapatid nito. Nagbreed si Coral at yung golden retriever ni Rijo, kaya ang labas ng mga tuta ay half-breeds. Si Coral 2.0 ang napili ni Qarly ikeep, tapos yung iba binenta nila ni Rijo.
Hawig kasi ni Coral 2.0 si Coral. Kaya naman siya ang pinili niya. "Awww! Ilang taon na yang aso mo?" Qarly head bump Coral.
"Four na siya, pina-fix ko na rin kasi ayoko na muna mag-alaga ng mga tuta."
Stressed out siya nung mag-alaga siya ng seven puppies. She almost left Hyrule Academy para alagaan ang mga tuta ni Coral.
"Mommy, can't I just transfer to a nearby school? Dito na ulit ako titira." Hindi pumayag ang kanyang Mommy. "Umalis ka na lang sa dorm mo, hahanap ako ng condominium or bungalow type na bahay para doon kayo and your puppies."
Yun nga ang nangyari, may sumama na dalawang maid kay Qarly sa bungalow na pansamantala niyang tinirhan for her highschool years.
Muntik na siya ma-depress nang mamatay si Coral kaya naman, she decided to do a Youtube channel to release her pains and possible suicidal thoughts. Sinabihan rin naman niya ang kanyang parents tungkol doon.
"I just need to build up more confidence para hindi ako mailang sa mga tao, you know future business meetings and such."
Okay she lied about the reason. Still, making Youtube vids with her puppies, made her more confident and more expressive.
She's a very timid person and it's difficult to socialize with her sometimes.
"Grabe! Nakikita ko ang future mo na magkakaroon ka ng maraming aso!" Qarly just laughed. "Tsk! Magkakaroon ako ng mga anak, hindi ako magiging dog lady no!"
Nagtawanan sila. "Oh sige, see you sa weekend, ipapakilala ko sayo ang boyfriend ko, later!" Nag-end na ang video call nila.
"Yung date natin sa Sunday after niyo umattend ng morning mass, wag mo kalimutan ah?" Yan ang text ni Syre sa kanya.
"Tsk! Atat lang eh." It was their first official date as a couple. Hindi niya nga alam kung bakit siya nagkagusto kay Syre and slowly became love. "Oh Coral 2.0, shall I just marry him and elope?" Hinimas niya ang aso.