Nang makita ni Qarly si Syre, bigla siyang nagtago sa isang pillar. "Tara Qarling! Nandoon sila oh!" Napakurap-kurap ng mata si Nella dahil biglang nawala ang kasama niya.
"Saan na yun?" nagpatuloy siya sa paglalakad. "Oh! Kain ka." Maligayang sabi ni Rijo kay Nella. "Nakita niyo kung saan nagpunta si Qarls?" Umiling si Rijo, samantalang si Syre ay napangiti.
"Nasaan siya Senyor Dane?" tanong ni Nella sa kapatid. Agad namang sumimangot si Syre. "Ate, huwag na Senyor ang tawag mo sa akin, nakakahiya ang pangalan na yan, mas gusto ko ang Syre." Nag-crossed arms ang Ate niya at nag-roll eyes. "Taray! Just my type."
Kikiligin sana si Nella pero may tumapik sa kanya. "Si Aurora, nasaan?"
Nakasunod na pala si Miyaka sa kanila sa cafeteria. "Ewan ko dun, bigla na lang nawala, I'm starvation na, kuha na ako ng foods."
Samantala, si Qarling na nagtatago pa rin sa may pillar ay nagdadalawang-isip kung pupuntahan niya o hindi ang kinaroroonan nila Rijo.
"It was just a dream, why am I like this?!" sabi niya sa sarili. "Crush mo ako?"
Halos lumundag ang puso ni Qarly sa nagsalita. "Hindi no! I have a boyfriend, remember?" She walked away from the sight of him. "Gusto kita ligawan, kahit na may bf ka na." Napatingin with wide eyes si Qarly kay Syre. "I won't cheat on Rijo, with you."
Naglakad na muli siya palayo kay Syre. "Basta! Kahit abutin tayo ng maraming pasko, liligawan pa rin kita." Tinakpan ni Qarly ang kanyang mga tenga at tinanggal niya lang nang makita niya si Rijo.
"Hunny! Dito ka na rin mag-aral kaya?" naglean siya sa chest ng kanyang Rijo. "Ayoko, masaya ako sa eskwelahan ko, and besides, being apart with you makes my heart grow fonder." Napakagat ng mga labi si Qarly.
"Corny pero okay na rin, mahilig naman ako minsan sa sweet corn." Natawa si Rijo.
"Break up now or I'll tell Tita Renue that you're just charading with him para hindi sayo ipasa ang responsibilidad ng business mo sayo."
Tumingin nang masama si Queen Aurora Ly kay Senyor Dane. "Hmm? Kaya mo? Gawin mo, tingin ko sa akin maniniwala ang mga yun kaysa sayo." They were now having a staring contest. "Halaaa! Dyan nagkakatuluyan ang dalawang taong may away sa simula, yieee!" Qarly looked at Miya.
"Ano number ng Kuya Hotohori mo? I think I need a new bf, cause my current is smitten with someone else." Nang makarating kasi ulit si Nella Dane na may dalang pagkain na, napasulyap siya kay Rijo. "Ayoo! This is so hot!"