VDS 1: Perfect Strangers (Taglish)

ArgineLib
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 18.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Margareth Pov

Nang umulan ng mga kagawapohan sa sanlibutan nasalo na ata lahat ng lalabs ko na si Lance.

Hindi pa kami, pero malapit na, haha. Madalas kasi sa panaginip ko lang to nakakasama. Saklap diba?

"Ahem girl! ano yan? Tulo laway na naman?" saad ng beke kong kaibigan na si alex pero nagiging alexa pag gabi. Sayang ang isang ito ang gwapo pa naman!

Nakasuut ito ng pang gym niya, kilos lalaki kunoh ito para maka tsansing lang sa mga lalaki sa gym.

Pero wag kayo, kahit ganyan yan, loyal bestfriend ko yan, hindi nang aagaw sa mahal ko.

"Tulo laway agad? Saan? Pahinging pamunas." sabi ko sa kanya at inilahad ang aking kamay sa harap niya.

Im wearing my pink gym outfit at nakapangko lahat ng buhok ko na bumagay naman na sa katawan ko.

Nasa gilid ako pumwesto, para malaya ko itong mapagmasdan. Nakaupo lang naman ako habang hawak ang dalawang tuhod ko. Hindi naman siguro ako halata nito.

Hindi kasi siya nakatingin sa akin. hahaha.

Pero ang loka na si Alex, inikotan din ako sa mata. "Hmp! Hindi ba? Halata naman na ah--naku girl! Kung nakakatunaw lang yang titig mo sa kanya? Abah kanina pa nalusaw yan day! Wag ka namang pahalata, medyo pakipot naman, baka isipin, easy girl ka!" May pakumpas kumpas pa ito sa pilantik ng kanyang mga daliri.

Saan ngaba kami ngayon?

Halat namang nasa gym lang naman na kami, at madalas dito na ako pumupunta, abah! Malay ko bang dito din pala siya pumupunta?

Ang lugar na talaga ang gumagawa ng paraan para makita ko siya ng bongga.

"My Lab, wag ka munang umalis!" nasabi ko bigla ng tapos na ito sa kanyang ginagawa at umalis. Nakakadismaya talaga.

Umakting pa akong pilit ko siyang inaabot sa aking mga kamay. Pero wala eh. Nakaalis parin siya.

"Ay naku, naloka na!" aniya at nagsimulang naglakad paalis sa pwesto ko with matching kembot sa kanyang pwet.

"Saan ka pupunta!" sigaw ko sa kanya at tumayo sa pag kaka upo.

Tinuro nito ang lalaking kadarating lang sa gym. Well gwapo siya.

Pero potek lang! Di niya masasapawan ang mahal kong si Lance.

Napatingin ito sa pwesto ko at ngumiti sa akin pero iniripan ko agad ng naka ekes pa ang aking braso.

Baka kasi mahulog siya sa kagandahan ko at ligawan ako. FYI lang!

No entry na to!