Chapter 3 - Chapter 3

Margareth pov

"Girl, si Mike. Mike si Margareth Tuazon na bff ko." pagpapakilala ni Alex ng makapasok ako sa gym.

Ang bruha, kararating ko lang hinila agad ako ng makita niya.

Ano ito? Magkaibigan na agad sila? Eh ito yung inirapan ko kahapon eh! Dahil wala naman ako sa mood na makipagreklamohan sa kanya inilahad ko nalang ang kamay ko. "Nice to meet you," sabi ko sa kanya at tinanggap naman niya ang kamay ko at nakipag shake hands kaya binawi ko na agad.

Baka makita kasi ito ni Lance at magselos sa kanya. Alam kong advance akong mag isip, pasasaan ba't paroroon din kami!

Bakas sa mukha nito ang gulat ng marinig ang pangalan ko.

"Ang sungit mo kahapon. Inirapan mo pa ako. Hindi mo ba ako natatandaan. " Tsk, akala mo lang iyon.

Matandaan? Kilala ko ba ang mokong na ito? Nginitian ko siya, pero alam kong di yun umabot sa mata ko. "Ahm sorry? Pero kilala ba kita?" medyo napagiwi pa ako dun ah.

Napatawa ito. "Mike Gonzales, yung ka classmate mo na palaging nang aasar sa iyo? Sa Mabuhay High School? Yung palaging top 1 sa room? Yung Matangkad at gwapo?"

Ang hangin, buti di ito natangay.

Wait? Mike Gonzales? Top 1 sa room nung high school? Halos namilog ang dalawa kong mata kahit pa singkit iyon. Sinong bang makakalimot? Kung ang taong nang agaw sa korona ko. Top 2 lang naman na ako PALAGI! Karibal ko to eh!

"Anak ng! Ikaw ang classmate ko sa section A, first-fourth year highschool?! Ang liit nga talaga ng mundo o-oh! Kaya pala unang tingin ko palang sayo kahapon na sira na ang araw ko!" sabi ko sa kanya, again kung wala lang si Lance papatayin ko talaga ang lalaking ito!

Nung high school kasi ako mataba ako! As in sobrang taba! At that time itong si Mike ang pangalan ay inililigtas ako sa mga nambubully sa akin pero langya lang siya naman ang nambubully sa akin. Na kesyo siya lang daw ang may karapatan na bulihin ako? Siga din kasi ang isang ito dati. Pero kita ko namang ang laki ng pinagbago ng mokong!

Kaya heto ako ngayon nagpapapayat. Sexy na ako ngayon.

"Wa-wait girl! Mag cla-clasmate kayo nung high school?" aniya ni Alex tinuro kaming dalawa.

Yung mukha ng bakla na pagkakasabi parang inagawan ko ng jowa.

"Oo," sabay pa naming nasabi ni Mike.

"Ang tagal na nating di nagkita Mar, at ang laki narin ng pinagbago mo. Ang ganda mo na ngayon ah, halos di na kita makilala."

Sinuklay ko ng aking mga daliri ang aking buhok. " Matagal ko ng alam, and fyi maganda na ako dati nung classmate pa tayo, at tenfold na ang ganda ko ngayon. Sige ha? Aalis na kami ng kaibigan ko, maghanap ka ng magiging kaibigan mo, wag ang bff ko," saad ko at hinila ang braso ni Alex at iniwan si Mike.

Tinawag niya ako pero di ko pinansin.

Baka maging hadlang pa siya sa pagmamahalan namin ni Lance.