Chapter 5 - Chapter 5

Alex pov

"Ahhhhhhh!" isang malakas na sigaw ang nagpataranta sa akin upang puntahan sa sala si Margareth, baka napano na?

Yung plato na sinuhugasan ko nabitawan ko pa tuloy, ayun basag na basag. Napunasan ko rin agad sa damit ko ang ang aking mga kamay. Kadiri na me!

"Girl anong nangyari?" tanong ko sa kanya baka na pano na eh.

Kinakabahan ako baka may nakapasok na magnanakaw sa bahay niya.

Pero nadatnan ko itong nag tatatalon at tumatakbo na para bang sinilihan ang pwet!

Napahawak ako sa noo, maloloka na ata ako sa babaeng ito. Kung may sakit lang ako sa puso baka namatay na ako. Pambihira!

Nilapitan ko ito, hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyug. "Girl! Maghunusdili ka naman por pabor! Wag kang sisigaw bigla at baka atakihin ako ng puso sa iyo! kaloka kang babae ka!" sabi ko at binitiwan siya.

"Bakla!" aniya na di maipinta ang mukha! Para itong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Anong itsura yan? Girl?"

Niyakap niya ako bigla at umiyak? Totoo lang girl ha? "Ahhh! Si Lance ko bakla diko ma kontak! Baka may nangyari ng masama sa kanya!"

May nangyari agad ng masama? Baka napuno na yung tao sa kakatext niya at kakatawag. "FYI lang girl ha? Walang kayo at di ka niya kilala. Naku, baka nagpalit na ng simcard iyan. " sabi ko sa kanya at umupo sa sofa.

"Anong gagawin ko bakla?!" aniya na binitiwan ako.

Tingnan mo tong babae na ito. Mukha kailangan ng bonggang payo. "Magtapat ka nalang kasi sa kanya. Abah matagal mo na yang inistalk ah. "

Hindi ito nakasagot ng ilang minuto na parang pinag iisipan pa ang sinabi ko. "Pero kinakabahan ako bakla, baka mataba pa ako sa paningin niya." sabi nito sa akin.

"Wow lang ha? Sexy ka na girl, wag mo namang gawing sungkit ang katawan mo. Maawa ka naman. Basta magtapat ka na sa kanya nang hindi ka na ng i-stalk. Ako ang nahihirapan sa pinanggagawa mo eh." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Umupo ito sa tabi ko. "Tama ka bakla! Panahon na upang malaman ng aking my labs na andito ako, handang ibigay lahat mapasa akin lamang siya. "

"Ay girl! wag O.A, magtatapat kalang hindi ka mag bibigay ng bataan mo. " pangongorek ko sa kanya. "Pag binasted ka, let go na girl ha? Marami pa namang lalaki dyan hehe" dagdag ko pa.

Pero ang loka, biglang tumayo. "No way!" protesta niya.

"Yes way!" sabi ko at,tiningala siya.

Ngumiti ito ng nakaloloko. Ay! May masamang plano ang bruha!

"Nakita ko na ang destiny ko bakla. Bakit ko pa papakawalan?"

Sabi ko na ngaba eh yan na naman ang sasabihin niya. Hindi talaga papatalo ang isang ito pag dating sa lalabs niyang si Lance.