Mike pov
Pagkatapos naming nag gym, dumeretso agad kami ng pinsan ko sa bahay nila. Napagkasunduan kasi namin na mag movie marathon kasama ang sampu pa naming mga pinsan.
Lahat kami ay may kanya kanyang mga trabaho sa sariling kumpanya ng aming mga pamilya at negosyo. So yeah, easy go lucky minsan.
"Bro," sabi ko at inilapag ang pulutan sa mesa na medyo may kalakihan. Naka upo narin sila sa couch at nonood ng palabas. May inumin narin sa mesa na inihanda ni Lance.
"So, kailangan ka pa nag simulang mag gym sa lugar na iyon Lance?" Tanong ko sa kanya habang nakatuun ang tingin sa pinapanood.
Kakarating ko lang galing america, at ng puntahan ko ito sa paborito niyang gym ay wala na siya. Kung di pa ako nagtanong sa pinsan namin di ko pa nalaman.
Hirap hanapin ng isang ito, di kasi mahilig mag inform sa amin kung saan ito pumunpunta, kung di mo pa tatanungin di ka pa kakausapin.
Idagdag pa na nag palit pala ito ng simcard dahil daw sa stalker na nag tetext sa kanya na halos mapuno na ang messages nya.
Tinanong ko ito baka kilala niya, na baka nasa gym lang. Pero wala talaga siyang clue kung sino.
"Well, mag iisang buwan palang naman. Tsaka maganda kasi ang lugar at maluwang." sagot nito.
"Anong bang pangalan ng gym na yan bro? Madami bang chicks dyan?" tanong ng playboy naming pinsan.
"Loko ka talaga, puro babae lang lahat laman ng utak mo," saad ng isa naming pinsan.
"Sakit mo namam magsalita, malay ko bang mga lahi tayo ng mga gwapo? At isa pa bat ba napunta sa akin ang usapan?"
"Wag niyo namang ganyanin ang pinsan natin. Baka umiyak yan. "
"Tama na yan, manood nalang tayo ng movie. Baka saan pa mapunta ang kantyawan na yan."
"Tsanga pala Mike, akala ko ba wala kang balak mag gym sa lugar na iyon? Bat nagbago ang isip mo?" tanong ni Lance sa akin.
"Nakita ko kasi doon si Margareth yung tinatanggol ko nung high school--" pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Correction bro, binubully mo rin diba?" pangbabara ni Rafael sa akin kaya naman tinapon ko sa mukha niya ang isang unan na nasa tabi ko.
Sapol sa mukha!
Same school din kasi kami nito nag aaral kaya naman alam niya ang ginagawa ko.
"Lance, nakilala mo naba si Margareth? Same lang kayo ng gym," tanong ko sa kanya pero umiling ito.
"Hindi eh."
Naalala ko, hindi pala to mahilig sa mga babae kahit habulin ng mga iyon.