Alex pov
"Girl saan kana? Andito na ako sa gym," saad ko sa kabilang linya at pumunta sa boy's locker.
Ako naman papogi syempre, ayaw kong mahalata na sirena ako mga besh! Naku, baka magtakbuhan ito at di ko mahawakan ang mga naglalakihang braso nila kunwari! Hahaha.
It's sunday, kaya maghapon akong magbababad sa gym, bubusogin ko ang aking mga mata sa matcho nilang mga body! At yung muscles nila? Kaloka! Ang yummy! Gusto ko tuloy kagatin.
"Saglit lang bakla, tinatapos ko pang pirmahan ang binigay sa akin ng secretary ko about doon sa business," aniya sa kabilang linya.
Bilib din ako sa isang ito eh, kahit busy, abay may panahon pang pumunta sa gym araw araw, basta't masilayan lang ang mahal niyang si Lance.
Pag si Lance na ang pinag uusapan, wala na atang papantay sa babaeng ito. "Okay, bilisan mo girl, si Lance andito na baka maunahan ka pa ng mga babae di---"
"Tapos na, 3 minutes andyan na ako. *toot*"
Anak ng! Pinatayan agad ko ng cellphone? Pambihira talaga.
Tingnan niyo na? Bigla nalang naging kidlat ang kilos. Mailagay na nga lang ang mga gamit ko sa loob ng locker. "Hi! Your Alex right? Yung nakilala ko kahapon?" aniya ng boses na lumapit sa locker ko.
Napalunok ako ng kaunti, ang sarap hawakan ng muscle niya, ng nagpahatid ito ng tuwalya sa kanyang leeg. Oh my! Pawis palang kape na besh!
"Ahm yah. Mabuti na alala mo pa ako. And your? Nakalimutan ko kasi pangalan mo kahapon," sabi ko, pero biro lang yun.
Gusto ko kasi humaba pa ang usapan namin ni Mr. Handsome.
"I'm Mike."
"Ahm ano? Whatsup? Magpapatulong kaba? Kahapon lang kasi kita nakita dito sa gym," sabi ko sa kanya, pero boses lalaki, dahil ayaw ko na mahalata niya ako.
"Actually may itatanong lang ako."
"Ahm, ano yun?"
Napahawak pa ito sa batok, bago nagsalita. Kumbaga eh para itong nagdadalawang isip. "Dahil bago naman na ako sa gym na ito, pwede ba kitang maging kaibigan?--are you okay?"
Bigla akong napaubo sa sinabi niya kahit wala naman akong ininom.
Pakipot pa ba ako? No Way na day!
Ang haba na nga talaga ng hair ko. "Sure pare!" sabay lahad ko sa aking kamay na kinuha naman niya at naki pag shake hand!
Pero langay! Di napigilan ng lola niyo, napisil ko ang kamay niya besh! Sana di siya nakahalata! ililibing ko na talaga ang sarili ko! "Ay sorry! Ang tigas pala ng kamay mo," palusot ko.