Chereads / Paint Me Red / Chapter 52 - CHAPTER 51

Chapter 52 - CHAPTER 51

CHAPTER 51

"SAAN tayo pupunta?" Not back to the island. Ayaw na muna niyang makita ang lugar na iyon.

"Diyan lang sa malapit," anang lalaki.

Ilang sandali nga lang ay may natanaw na siyang kalupaan. Sa baybayin ng isang isla na di hamak na mas maliit kesa doon sa pag-aari ng lola niya ang sila dumaong. Pero mababaw raw ang tubig kaya hindi makakalapit sa mismong dalampasigan ang lantsa. Aegen didn't want her to wade in the water. Binuhat siya nito. Awtomatiko namang napakapit sa leeg nito si Ruby.

She realized how much she missed him, his scent that is unique to him, the solid feel of his body, its warmth and the wonderful way she can mold her softness against it. Lihim niyang nilanghap ang amoy nito, pasimple niyang isiniksik pang lalo ang sarili niya rito. Nakaramdam nga siya ng kakulangan nang ibaba na siya ng lalaki sa buhangin.

"Nasaan tayo?" tanong niya.

"My island. Maliit lang ito pero natutuwa akong isipin na akin ito. Kailan ko lang nabili. This would be my haven. Pero hindi na pagtatago sa mundo, at sa mga taong naghahanap sa akin, ang pakay ko. I would come here when I need peace and quiet. This would also be a perfect place to paint. In fact, I have done a lot of that. Noong nagre-recuperate ako ay dito ako nag-stay. Naintindihan ko na kung bakit kahit nang may sakit na si Doňa Henrie ay ayaw pa rin niyang manatili sa kabihasnan kung saan mas malapit siya sa ospital at mga doktor. A peaceful place like this can mend the psyche, if not the body.

"Kasama mo si...Tatiana or Hannah?" She didn't want to ask the question but she felt the desperate need to find out.

"She is now Tatiana. Hindi lang ang pangalan niya ang napalitan kung hindi ang maraming aspeto ng pagkatao niya. Nakaipon na siya ng bagong mga alaala, nakagawa ng bagong mga...connections sa buhay niya. We shared a past. I admit, I loved her then. Mahal ko pa rin siya but in a different way." Nagkuwento ang lalaki. His story filled in the gaps left by what Ted told her. Marami-rami rin ang sinabi nito pero isa ang pinakatumatak sa isip ni Ruby.

"W-wala na kayo? I-ipinalagay ko kasi na...itinuloy niyo ang nakaraan niyo," nasabi niya.

"What I once shared with her, it's in the past. I did love her back then but I love another woman. Siya ang pangkasalukuyan ko. She is also the one I want to face the future with. You are that woman."

That took her breath away. Literally. Parang hindi makahugot ng hininga si Ruby. She was just so filled with awe and wonder and happiness that her instinct to take in air must have temporarily failed.

"S-seryoso?" tanging nasabi niya matapos ang mahaba-habang paghahagilap sa isipan niya ng mga salita.

"Mukha ba 'kong nagbibiro?" Aegen looked at her intently. She could see the intensity of his emotions in his eyes. "Your grandmother had been keeping tabs on you long before she died. At hindi tutoong wala siyang ipinamana sa iyo."

"W-what are you saying? At kung pinapasubaybayan naman pala niya ako, ibig sabihin alam niya kung nasaan ako, kami ni mommy. Bakit hindi niya ako kinontak?"

"Dahil siguro sa rason na nabanggit ko na. She didn't want to saddle you with the grief of her leaving. But she didn't want you to suffer the safe fate as your mom. You were spiralling out of control and she told me she wanted someone she could trust to take care of you. Kahit pa hanggang doon lang sa punto na maayos na ang direksiyong tinatahak mo. Then, and only then, will your inheritance be turned over to you. Nag-aalala siguro siya na baka maging daan lang iyon para lalo kang mapariwara." Natahimik ito. "May gusto pa akong sabihin sa iyo. I want everything out in the open. In the event..." Kinakitaan niya ng pag-aalangan ang itsura ng lalaki. Tumingin pa muna ito sa karagatan.

"In the event that you cannot be turned, the inheritance that was supposed to be yours would stay in my name. Nasa last will and testament niya iyon. I didn't want that, Ruby. I swear. But she insisted."

"Sino...sino ang magde-decide kung karapat-dapat ko nang makuha ang mana ko?" She was curious to find out.

Hindi agad umimik si Aegen. "A-ako," anito pagkatapos. "May say din iyong abogado niya pero mas ako ang pinagtiwalaan niya."

"She must have trusted you a lot."

"I don't know why but yes, she did."

"You were worthy. Ginawa mo ang responsibilidad na iniwan niya sa iyo."

"Malaki ang incentive ko. I fell for her granddaughter. Even during that time when I hardly knew you, I already felt something for you. Something I can't define but which struck me real hard."

"Sigurado ka ba diyan?" Hirap pa rin si Ruby na paniwalaan ang lalaki. "Pagkatapos ng lahat ng nalaman mo tungkol sa 'kin..."

"Ay mahal pa rin kita," sabad nito. "Come, I'll show you something."

Sa isang nipa-hut-like structure sila humantong. Parang nipa hut lang ang pagkakagawa niyon pero ang size, ilang ulit na beses ang laki. Nang makapasok sila ay natukoy ni Ruby na parang art gallery slash studio iyon ni Aegen. May parte ng lugar kung saan nandoon ang tapos na nitong mga obra. May bahagi naman, iyong nakaharap sa karagatan sa kung saan maganda ang liwanag, na nagsisilbi sigurong studio nito. May naka-set-up na easel doon. Nandoon din ang iba pang gamit nito sa pagpipinta.

She glanced around, looking at his works. Sensuality oozed out of his paintings. But one thing struck her after seeing several of them. Siya ang tema ng lahat ng mga ito. One depicts her as a wood nymph, another one as a mermaid. Meron din kung saan nakahiga siya sa isang blanket na napapaligiran ng luntiang mga halaman at makukulay na mga bulaklak. It is a better rendition of the one he made of her while in the island. Pero kung doon sa mga nagawa nito sa isla na drawing o painting niya ay may suot siya laging piring, wala na iyon sa mga ito. Kita ang mga mata niya. Her eyes that smoulder with desire. Iyon ba ang nakikita ni Aegen sa mga iyon kapag tumitingin siya rito? Malamang.

"I couldn't be with you so I spent the time capturing the images of you that keep flitting in my mind. So that I can feel you're near me. May ilan sa mga iyan ang nakita na ng agent ko. He was thrilled. Gusto niyang mag-exhibit ako. Iyong publishing house naman na ginagawan ko ng covers ang mga inilalabas nilang libro, guston1g-gusto ring makipag-usap sa akin. You have ignited my passion to paint. You are my muse and more importantly, you brought me back to life again," hayag nito. "Say you'll be mine. Forever."

Hindi alam ni Ruby kung ano ang mararamdaman. She was flattered. She was thrilled. She was touched. And she felt...loved. So loved.

Bilang tugon sa mga sinabi nito ay lumapit sa lalaki si Ruby. Ipaparating niya kay Aegen ang nararamdaman niya para rito, hindi sa salita kung hindi sa gawa. When her hand touched his chest, she heard him gasp. He pulled her to him and she felt his ready arousal. Isang pilyang ngiti ang lumabas sa labi. Oh, how she would enjoy showing him how she feels about him.

W A K A S

Thanks for reading!