Chereads / Paint Me Red / Chapter 48 - CHAPTER 47

Chapter 48 - CHAPTER 47

HE WAS tied up when he regained consciousness. Tied up on the bed, with his own restraints. Mag-isa lang siya. Mukhang confident ang nagtali sa kanya na hindi siya makakawala roon kaya ni hindi na niya kailangan ng bantay.

Malabo ang isip ni Aegen sa simula. His head hurt that he had trouble thinking straight. Pero maya maya lang ay naalala na niya ang pangyayari. Dumating sa isla ang ama ni Tatiana at pinalo siya ng baril sa ulo. Malamang na sinasaliksik ngayon ng lalaki, at ng mga kasama nito, ang kabahayan, hinahanap ang dalaga. Hindi niya alam kung paano nalaman ng mga ito na nandoon si Tatiana. Puwedeng may sumubaybay sa kilos nito na tauhan ng senador. Puwede ring may nag-tip dito. Saka na niya aalamin. Mas mahalaga na mailigtas niya ang dalaga. That is his chance to redeem himself and make good on the promise he made to her back then. A promise he thought he would no longer be able to fulfill.

He tugged at his hands and feet. They were tightly bound to the bed. The restraints they used on him are the ones he brought with him to the island on the off chance that he would be able to indulge his sexual fantasies. Nagamit din niya ang mga iyon sa wakas nang dumating si Ruby. On one of their sessions he used the handcuffs on her.

Suwerte niya na ang mga iyon ang ginamit sa kanya. Because he knows how to get them off. They were not really meant to tie up someone after all. Pang-sexual fantasy lang ang mga iyon. He worked his right hand into the cuff that was circling his wrist. Hindi niya mailalabas ang kamay doon pero alam niya ang sikreto ng handcuffs niya. When the metal ring is in the area of his knuckle, he gave the cuff and quick, sharp tug. Bumuka ang cuff. Ganoon din ang ginawa niya sa restraint na nasa kaliwang kamay niya. Pagkatapos ay iyong sa mga paa naman niya ang pinag-abalahan niya. Ilang sandali pa ay nakawala na siya.

Agad na siyang umalis sa kama, tinungo ang pinto at maingat na binuksan iyon. Matapos masiguro na walang tao sa labas ay tahimik pero nagmamadali na siyang lumabas. He just hopes that Tatiana would do what he told her and stay inside her hiding place.

May narinig na mga tinig si Aegen. Mukhang nanggagaling ang mga iyon sa labas. Patago-tago siya sa kahit saang puwedeng pagkublihan, maingat siyang nagpunta sa may bintana saka lumabas. What he saw chilled him to the bones. He had hoped in vain. Hindi sinunod ni Tatiana ang bilin niya na manatili sa taguan nito. Dahil hayun ito ngayon, nakaharap sa ama at nakatutok sa lalaki ang hawak nitong baril.

It was not the sight of the woman holding a gun to her adoptive father that made his blood run cold. It was the fact that the two men with him had guns of obviously high caliber trained on her, too. Dehadong-dehado si Tatiana lalo pa at kitang-kita naman na nakahanda na ang mga kasama ng ama nito na samantalahin ang masisilip na pagkakataon para dis-armahan ang dalaga.

"You are a monster. A lunatic. A...a devil!" Bakas ang pagkasuklam sa itsura ni Tatiana. "You should get yourself admitted to a psychiatric facility because obviously, you are sick."

"Ikaw lang ang nagsasabi niyan, Hannah. Or should I call you Tatiana now?" Pumatalak ang senador. "I have to hand it to you. You pulled a neat trick, staging your own death. Inakala ko talaga na wala ka na. It is painful to me, you know."

"Painful, my ass!" singhal dito ni Tatiana.

"Oo naman. I loved you, my baby girl."

"Don't call me that. Nadidiri ako!" sigaw ng dalaga. "Sana pala eh tutoo na lang akong nagpakamatay para hindi ko na makita ulit ang pagmumukha mo. How...how did you find this place anyway?"

"It's your fault because you couldn't stay away from you no-good boyfriend. Someone looking for clues about his whereabouts is one of the red flags my people had been watching out for. Noon ko pa gustong mahanap ang Aegen na iyon. To make him pay for what he did to you. No one hurts my baby girl ad gets away with it. Thanks to your nosy friend, Ted, I was able to do so. My people simply followed the trail he left when he went searching for Aegen. And surprise, surprise, we found you, too. You can have your looks changed but not your mannerisms. Pagkatapos kong panoorin ang video na kinuha ng tao ko sa babaeng sabi niya ay laging kasama ni Ted ay nagduda ako. I could hardly believe my own suspicions. Masyadong extreme ang ideyang nagkunwari kang nagpakamatay. I didn't think you had it in you to pull such a thing off. But then, I thought of Ted and how clever he is. Kaya naging bukas ako sa posibilidad na buhay ka pa at nag-iba lang ng itsura. At nang sundan namin kayo sa islang ito ay hayun na nga, nakumpira ang duda ko. Put that gun away, baby girl. You know you don't stand a chance with my men. Well-trained ang mga 'yan, as you are fully aware."

"I really don't care if I live or die. Isa lang ang gusto kong mangyari. Ang burahin ka sa mundo." Pagkasabi niyon ay basta na lang kinalabit ni Tatiana ang gatilyo. The sound of gunfire rang in the air. Pero ni hindi pala nagkaroon ng kahit konting tsansa man lang ang bala na makalapit sa target niyon.

Bago pa maiputok ng dalaga ang hawak na baril ay dinamba na ito ng isa sa mga tao ng senador. The woman is splayed on the ground with a man on top of her. Pigil-pigil niyon ang pagpalag niya.

"I told you you don't stand a chance," sabi ng ama nito. "Let her up, Luis," utos nito.

Umalis na sa pagkubabaw dito ang lalaki at inalalayan pa sa pagtayo si Tatiana. Pero sinukol nito mula sa likuran ang dalawang braso ng dalaga.

"I want you back," anang ama nito.

"I'd rather die," ganti ng dalaga.

"I won't let that happen again. I missed you so much, baby girl."

"You're sick. Nakakadiri ka! Pervert."

"Paano naging perversion ang ginagawa ko sa iyo? We're not really related biologically."

"Nakakadiri ka pa rin."

Mula sa pinagtataguan niya ay hindi makali si Aegen. His instinct is urging him to rush to the woman's rescue. But he also knows that is not the right thing to do at the moment. Hindi niya ito matutulungan kung mapapatay din siya.

Tatiana is struggling against her captor. Lumapit naman dito ang nakilalang ama. Hinawakan nito ang mukha ng dalaga saka ito hinalikan na lang basta sa labi. Napaatras din agad ito, napabulalas. May dugong tumatagas sa gilid ng bibig nito. Kinagat yata ito ng dalaga.

"Halika na, baby girl. Uuwi na tayo. We'd take a nice vacation someplace far and secluded."

Sinimulang itulak ng may hawak kay Tatiana ang dalaga. Noon naman ito kumilos. Siniko ni Tatiana ang sumusukol dito kabasay ang pagsipa patalikod. Lulod ng lalaki ang nasapol nito. Dahil sa naramdamang sakit ay nabitawan nito ang dalaga. Mabilis na itong tumakbo pabalik ng bahay. Iniumang ng mga tao ng senador ang mga baril.

"No," pigil sa mga ito ng lalaki.

Iminuwestra nito na sundan ang dalaga. Narating na noon ni Tatiana ang front door. Itinulak iyon papasok saka isinara. Hinila ito ni Aegen saka tinakpan ang bibig para pigilan ang posibleng pagsigaw nito dala ng pagkagulat. Hinila na agad niya ito papunta sa secret tunnel. Sakto lang na naibalik niya ang shelf para takpan ang lagusan nang marinig niyang pumasok sa library ang mga humahabol kay Tatiana.

Inudyukan niya ang dalaga na kumilos na. Nagmamadali nilang binaybay ang landas na maghahatid sa kanila sa dulo ng hidden tunnel. Pero pagdating doon ay hindi agad binuksan ni Aegen ang daanan. Nakinig muna siya para matantiya kung may tao sa labas. Pwera sa tunog ng kalikasan ay wala siyang marinig. Nangahas na siyang buksan ang daanan. Isang lalaking nakatalikod sa kanya ang nakita niya. He rushed the guy, pushing him to the ground.

"What the hell..."

Nakilala niya ang boses nito. Pumihit din ito paharap sa kanya. Si Ted.

"Ba't nandito ka? Akala ko umalis na kayo. Wait, kasabwat ka nila?" Sinaklot ni Aegen ang kuwelyuhan nito.

"Of course not. Bumalik kami dahil nakita ko ang chopper. Nag-alala ako na baka kung sino ang dumating. And I was right. Si Gov. at mga tao niya..."

"Nasaan si Ruby?" tanong ni Aegen. Hindi niya namalayan na inii-scan niya ang paligid at nag-alala siya nang hindi makita ang dalaga.

The look on Ted's face warned him that he wouldn't like his answer.