Chereads / Paint Me Red / Chapter 45 - CHAPTER 44

Chapter 45 - CHAPTER 44

SAPO ng mga palad ni Aegen ang ulo niya. Naramdaman niya ang pagdapo ng kamay sa balikat niya pero hindi niya nilingon ang katabi niya. Si Tatiana.

"I really am so sorry, Aegen," anito.

Pang-ilang ulit na itong nag-apologize pero ni hindi nagsi-sink in sa kanya ang sinasabi nito. Ni hindi niya mapaniwalaan ang kuwento nito. It is so incredible, actually.

"Aegen, please." Inilapit nito ang sarili sa kanya.

Noon na siya nag-angat ng tingin. Pero nang makita niya ang itsura ng dalaga ay nailang na naman siya.

"It's me," giit nito. "It's really me. Hannah."

That is what shocked the hell out of him. Ang madiskubre na ang taong inakala niyang patay na ay buhay na buhay pala. He even suffered deep depression over her death. He was overcome with guilt at the thought that not only was he not able to save her, he even indirectly caused her to commit suicide. Hanggang ngayon nga, kapag pumipikit siya ay ang dali-dali niyang nakikita sa isipan ang tagpong lumabas sa balita...

"Isang babae ang pinaghihinalaang tumalon mula sa roof deck ng isang gusali," pauna ng news anchor. "May balita diyan ang ating reporter na si Jess Lacanilao. Jess..."

"Ayon sa mga awtoridad, dinatnan daw ito na nakahandusay at wala ng buhay sa sidewalk na nasa ibaba ng PVG Building, isang gusali na kakatapos pa lang ang konstruksiyon. Nag-alala raw ang kaibigan ng babae dahil tumawag dito ang babae, naghihisterikal at sinabing magpapakamatay ito. Sinubukan daw niya itong kalmahin at nagawa ring hingin ang lokasyon nito. Buo umano ang paniniwala nito na nakumbinsi niya ang kaibigan na huwag nang ituloy ang balak at sa halip ay hihintayin siya nito. Pero pagdating daw niya sa lugar na sinabi nito ay nadatnan niyang nasa sidewalk na ang kaibigan." Kasabay ng video clip ang pagsasalaysay ng reporter sa mga pangyayari. "Problema sa puso ang pinaghihinalaang dahilan ng pagpapatiwakal ng babae dahil may nakita raw na suicide note na ipinadala nito sa cellphone sa isang ipinapalagay nila na kasintahan nito.

Sa video ay ipinakita ang walang buhay na umanong katawan ni Hannah. Hindi na sinabi sa news report ang laman ng suicide note na iniwan nito pero nasa inbox ni Aegen ang kopya niyon. "I will forever love you. I am just so sorry you cannot return my feelings anymore. That to you I am already just a nuisance. I am setting you free, and myself as well, the best way I know how."

Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak namin. Iyon naman ang banta sa kanya ng daddy nito na ipinadala rin sa telepono.

Nasundan iyon ng mga nakakabahalang pangyayari. Some days he would feel someone is watching him, stalking him. May isang pagkakataon pa na may nagtangkang sagasaan siya pagkagaling niya sa isang nadaanang convenience store para bumili ng tubig habang papunta siya sa isang appointment. Nakailag lang siya sa huling sandali. Ipinalagay lang na drunk driver iyon dahil malapit sa isang beer joint ang pinangyarihan ng insidente.

He was on a downward spiral by then. Hindi niya nagagawa nang maayos ang trabaho niya dahil kung hindi man siya lasing ay wala naman siya sa mood. Noon niya nakasalubong ulit sa isang event si Doňa Henrie. They got to talking and that was when the old woman extended her invitation to him to stay in her island...

"I know it's you," sagot ni Aegen kahit pa hindi niya maaninag sa itsura ni Tatiana si Hannah. "Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mo ako pinaniwala na patay ka na. Na nagpakamatay ka. Because of me."

"Hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad sa iyo. My only excuse is that I was a mess back then. A really sorry mess. I wasn't thinking straight and I was so hurt by what you did. I...I also have my excuse for making people believe I'm dead. I wanted Hannah to disappear from the face of the earth and short of really killing myself, that's the only way. Pinili ko rin talaga na sensational ang magiging pagkawala ko para mas malaki ang posibilidad na maging laman iyon ng balita. Legally Hannah is gone. In her place is a new person. Tatiana."

She told him how, with Ted's help she was able to stage her fake death. Na hindi siya ang babaeng natagpuang nakahandusay sa ibaba ng building. The woman's face is badly bruised and swollen as to be almost unrecognizable. Suwerte rin na madaling ihanap si Tatiana ng babaeng halos kasing katawan nito dahil average ang tangkad at bigat nito. Si Ted na ang nag-asikaso para maisuot sa babae ang mga gamit na makikilala ng mga magulang nito na pag-aari nito. Kasama na roon ang necklace na bigay pa sa kanya noong 18th birthday nito. Magkakagulo lang siguro kung mag-i-insist ang mga magulang ng dalaga na ipa-DNA test ang natagpuang katawan. But she and Ted were hoping it would not come to that. Na ipapalagay na lang ng mga ito na siya ang babaeng tumalon mula sa building. And luckily, ganoon nga ang nangyari.

Kaibigan nila si Ted. Doon din sa bayang pinanggalingan nila tumira dati ang lalaki. Nauna nga lang itong magpunta ng Maynila dahil doon na tumira ang pamilya nito. Dumadalaw-dalaw na lang sa bayan nila ang lalaki at kalaunan, noong based na rin sila ni Hannah sa Metro Manila ay nagkikita-kita sila. Until he lost touch with him, too, after Hannah's death.

Ted used to work with some government agency that deals with security and intelligence work. Dahil doon kaya may mga kuneksiyon ito. Isa itong psychologist na nalinya sa profiling work, o iyong nag-a-analyze sa posibleng pagkatao ng mga taong involved sa malalaki o sensational na krimen. Nasangkot raw ito sa isang anomalya kaya nagpasya na lang itong mag-resign. Kalaunan ay kinuha ang serbisyo nito ng isang private company bilang consultant.

Laking gulat ni Aegen kanina nang mamukhaan niya ang isa sa dalawang taong dumating sa isla. Lalo nang ipakilala ng lalaki kung sino ang kasama nito.

"I wanted to see you. I needed to see you," hayag ng dalaga. "Kaya lang ay hindi na kita mahanap."

Hindi na niya tinanong si Hannah, rather si Tatiana, as she now insists she be called, kung paano siya natunton nito. With Ted's connections, that would be so easy to do. Nagawa nga nitong pekein ang pagkamatay ni Hannah kaya sisiw na lang dito ang hanapin ang isang taong nagtatago. There would always be traces to follow if one knows where to look.

"Do you know what I went through when I learned about your so-called death? May mga araw na gusto ko na ring gayahin ka. How could you do that to me? Hindi mo man lang ipinaalam sa 'kin na buhay ka at nagpapanggap lang na patay. Why would you do that anyway? And why would you show yourself to me now?" Bakit ngayon kung kelan pakiramdam ko ay may pag-asa na akong maka-move on? Muntik na iyong maidugtong ni Aegen. Napigilan lang niyang ibulalas. The thought just entered his mind and it surprised him to discover that is what he feels. Indeed, his world is not as dark and dreary as it was before.

Maybe time heals all wounds after all.

"Is that why you got yourself a fuck buddy?" May bahid ng pagseselos ang tono ni Tatiana.

Hindi agad nakasagot si Aegen. Thinking of Ruby made his heart clench. Alam niyang umalis na ito. Nakita niya ito kanina, tinanaw habang naglalakad papunta sa nakadaong na motorboat. He let her go just like that. He wanted her to go. Because of Tatiana. Hindi siya makapaniwala na buhay ito. Noong una nga ay inakala niyang niloloko lang siya ni Ted at ng babaeng kasama nito. Pero ilang minuto pa lang niyang kaharap ang babae ay nakita na agad niya rito ang mannerisms ni Hannah. Sa tagal ng pagkakakilala nila ng dalaga ay napakadali niyon para sa kanya. He also asked her many questions the answer to which can only be known by Hannah. So finally, he was convinced that she is the woman he had presumed dead.