Chereads / Paint Me Red / Chapter 25 - CHAPTER 24

Chapter 25 - CHAPTER 24

"ANO ang problema, Hannah?" Nagulat si Aegen sa biglang pagsulpot ng dalaga sa condo niya. Matagal na silang naka-graduate noon at hindi na rin madalas magkita. It was not his fault. Si Hannah ang mas madalas magpaka-stranger. Kapag tinatawagan niya ito at niyaya ng meet-up ay lagi itong may dahilan para tumanggi. Kaya nga mas nakakapagtaka nang sa pagsilip niya sa peephole ng pinto niya ay mukha nito ang nakita niya. Nagmamadali na niyang pinagbuksan ito.

Imbes sumagot ay nagkumahog na pumasok si Hannah. She went straight to his arms that instinctively moved to reach out for her. Nagsumiksik ito sa kanya, ibinaon ang mukha sa dibdib niya.

"Hey, ano'ng problema?" Hinawakan ni Aegen ang baba ng dalaga para itaas ang mukha nito.

"N-nothing..." pasigok nitong sagot.

"Hindi ako naniniwala. Come on, tell me," giit niya.

"I...I...I am so dirty," bulalas nito saka napahagulgol.

"What?"

"Ang dumi ko, Aegen. Sobrang dumi. Filthy. So filthy." Pinagbabayo nito ang sarili.

"Stop that!" Hinuli niya ang mga kamay nito, bahagya pa niyang niyugyog ang dalaga para mahimasmasan ito. "Ano'ng nangyari?"

Parang natauhan naman na ito. Kumurap-kurap ito saka pinahid ng palad ang luhang dumaloy sa mga mata nito. Napailing ito saka ngumiti ng mapakla.

"Sorry. It's...it's just me getting over dramatic again. Kagaya ng madalas sabihin ni mama, I tend to be a drama queen."

Inakay ni Aegen papunta sa sofa ang dalaga. Tinabihan niya ito at inakbayan. Nanginginig ito, naramdaman niya, at gusto niyang kalmahin ito.

"Now, tell me why you're acting freaked," he gently told her.

Natahimik si Hannah. Maya maya ay nagbuga ito ng hangin. Nangislap din ang mga mata nito, parang maiiyak na naman ito.

"I...I can't tell you. N-nakakahiya."

"You can tell me anything. I am your friend, remember?" paalala niya rito. Bata pa naman kasi sila ay madalas na silang magkasama. He treats her as a friend. Iyon ay kahit may mga pagkakataon na gusto na niyang lumagpas sa pagkakaibigan ang turingan nila. Iyon ay kahit may mga panahon na hindi niya halos mapigilan ang pagnanasa rito, physically and emotionally. Hannah is so lovable, so warm, so huggable and she triggers his protective instinct to the max.

Noon lalong nalukot ang mukha nito. Tuluyan na ring tumulo ang luhang mukhang kanina ay napipigilan pa nito. She buried her face in her hands and sobbed violently. Ang alam lang gawin ni Aegen ay ang ikulong ito sa mga braso niya. He held her as she cried. Hinayaan na lang muna niya itong umiyak hanggang sa pagkalipas ng mahabang sandali ay unti-unti nang kumalma ito.

"I have a confession to make." Tumingin ito sa kanya. "I...I am...into S and M."

"Ano?"

"S and M. You know, sadism..."

"Alam ko ang ibig sabihin ng term na iyon pero p-paano mo nalaman na gusto mo..."

Natawa ang babae.

"Paano ko nalaman? Well, I feel it. I...I was always titillated by the idea and I...tried it."

"You...did?" Hindi makapaniwala si Aegen. Wala sa itsura nito ang pagkakaroon ng ganoong preference. She looks so prim and proper, so nice and innocent.

Bilang tugon ay itinaas ni Hannah ang laylayan ng bestida nito. He was shocked by the angry welts and bruises on her thighs.