Chereads / No Strings Attached / Chapter 107 - Alliona Andrea Anderson

Chapter 107 - Alliona Andrea Anderson

ALLY

Hi bitches! I don't care kung ayaw niyo saakin dahil sa mga ginawa ko kay Elle. Again, I don't care.

Lahat ng mga inamin ko kay Elle, totoo ang mga iyon. I planned everything and thankfully, nang dahil sa kakambal kong si Iona ay nagawa namin ito ng naaayon sa plano ko.

"Are you happy now? Elle is dead.." Biglang sulpot ng isang boses mula sa likod ko..

"Yes pero hindi pa ako satisfied.." Sabi ko habang umiinom ng wine.

"What? Ano pa bang gusto mo? Wala na si Elle, malaya na kayong magsama ni Kyle.." Dagdag ni Iona. Hinarap ko siya.

"Tama ka. We are now free to continue our relationship, but it's not enough lalo na at alam pa ng mga tao na kasal pa sila ni Kyle at hanggang walang bangkay na makakapagsabing patay na si Elle, ay hindi pa ako tuluyang magiging masaya. Kaya ngayon na ngayon din ay gusto kong kumuha ka ng bangka o kung ano pa man.." Mahabang sabi ko sa kanya.

"Bangka? Aanhin mo ang bangka?" Nagtataka niyang tanong. "Gusto ko ako mismo ang makakakita ang bangkay ni Elle na inaanod sa dagat." Nakangisi kong sabi sa kanya. Narinig kong bumuntong hininga siya.

It's been 24 hours since that happened. And ngayon ay may mga post na akong nakikita sa FB at IG na nagsasabing, Missing siya.

"Mga tanga wala na yang hinahanap niyo. Nasa dagat na at marahil ay pinagpipyestahan na nang mga isda o kung ano pa mang sea creatures!" I whispered..

Di nagtagal ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"May bangka na. Anong oras mo gustong bumyahe?" Tanong ni Iona dahilan para mapangiti ako. Ang bait-bait talaga ng tadhana saakin!

"That's great! Ngayon din ay papalaot tayo!" Excited kong sabi at tumayo. Dinala ko ang cellphone ko para syempre ay makukunan ko ang wala nang buhay na katawan ni Elle!.

Nakasakay na kami sa Dagat ngunit tila sumama ang panahon.

"Ma'am mapanganib pong pumalaot pag masama ang panahon baka --" Hindi ko na siya pinatapos na magsalita.

"Shut up and wala akong pakialam kung masama or hindi ang lagay ng panahon! What's important now is makapunta tayo sa laot!" Inis kong sabi sa kanya. Halatang natakot siya sa biglang pagtaas ng boses ko kaya inayos niya na ang bangka.

Pasakay na sana ako nang biglang hawakan ni Iona ang kamay ko.

"Wait. Si Kyle? Hindi ba natin siya isasama?" Tanong niya saakin. Inirapan ko siya.

"Gulantang pa yun ngayon, hindi mo pa makakausap yun nang maayos at tsaka ano ba, hindi naman yun tatakas dahil may mga banta sa kwarto niya kaya tara na!" Naiinip kong sabi sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang sumakay na rin sa bangka.

Maalon ngayon dahil na rin sa masama ang panahon.

Malapit na kami sa bandang gitna nang biglang lumakas ang ihip ng hangin.

"Sh.t Ally balik na tayo! Bumabagyo pa ata!" Tarantang sabi ni Iona. Mukhang tama nga siya, bumabagyo pa ata!

"Ma'am hindi mo makakaya ng bangka ko ang malalaking alon, baka masira lang po to at pareho tayong lulubog." Matapang niyang sabi saakin.

I guess I have no choice.

"Sige, bumalik na tayo." At saktong pagbaba namin ay biglang umulan ng malakas. Sobrang lakas na tila hindi mo na makita ang paligid.

Napatingin ako sa langit.. Tila nagagalit ito.. Tila nagpapahiwatig ito na hindi ko naman alam kung ano.

Ngunit hindi ako natatakot sapagkat umiiral saakin ngayon ang labis na saya..

Sa lakas ng alon kahapon at ngayon, malabong mabubuhay ka pa, Elle..

"Akin na si Kyle from now on.. Tantanan mo na kami at magpahinga ka na lamang kung nasaan ka man ngayon, kayo ng anak mo.." At tumawa ako ng malakas..