Chereads / No Strings Attached / Chapter 102 - Phase II (First Step)

Chapter 102 - Phase II (First Step)

ELLE

I was about to leave the house when I heard my phone ringing. I pick it without looking at the caller's ID.

"Hello?" I said upon answering the call.

"Hello Elle? It's me Iona." Iona?

"Oh, Iona ikaw pala? Napatawag ka?" Tanong ko sa kanya. Sandali akong tumigil sa harap ng kotse ko para ituloy ang pakikipagusap kay Iona.

"May gagawin ka ba ngayon? I need someone kasi ngayon eh." Iona said pero bakas sa tono ng boses niya yung lungkot. "Why? Did something happened?" I asked her.

"Sige na, Elle. Sorry if nadisturb kita. It's just that wala na akong malalapitan ngayon eh.. I'm hanging up.." And with that she ended up the call.

Ano kayang nangyari doon?

Umiling ako at tinext siya.

'Where are you? Pupuntahan kita.'

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng kotse ko ay nagreply na agad si Iona.

'**** Condominium. Room 488'

Hindi ko na siya nireplayan pa. Agad akong pumasok sa loob ng kotse at nagdrive na patungong condo niya. Napagdesisyunan kong puntahan siya dahil kaibigan na ang turing namin sa isa't-isa. And to think na she save me last time sa mall so I'm just returning the kindness she'd shown over me..

I didn't bother to inform Patty and Vanessa to where I'm heading at. Busy din naman kasi sila eh, even Kyle.. He has no time for na at all.. He spend mostly his time sa company and paguwi niya naman saakin, he's really drunk for beer's sake!

Makaraan ang ilang minuto ay tumigil ang kotse ko sa isang condo. Sandali akong tumingin sa kondong ito bago tuluyang bumaba mula sa kotse ko. Sa oras na nagtama ang mga paa ko sa sementong ito, nakaramdam agad ako ng kaba. Kabang hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Bumuntong hininga ako at tinext si Iona.

'I'm here na. Papasok na ako ng condo.'

Naglakad na ako habang hinihintay ang text niya, pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng condo nila ay biglang may nagtakip ng bibig ko.

"HMMMMMPPPP!!!---" Sinubukan kong pumiglas ngunit masyadong malakas ang mga ito. Hindi nagtagal ay nakaamoy ako ng kakaibang amoy. Nakaramdam agad ako ng pagkapagod at pagkakaantok. Biglang nanlabo ang mga pangingin ko sa paligid hanggang sa wala akong ibang makita kundi, dilim.

--

Meanwhile....

"She's here..." Someone mumbled... I smirked. Tumingin ako sa labas ng bintana.

"We'll start our plan." I said while facing her.

"Magkita tayo sa lugar na napagusapan natin. Mauuna na ako doon." I was about to walk away from her when she grab my hand that made me stop.

"Do we really need this to do? I mean.. She's pregnant.." Tinaas ko ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Why? Are you afraid?" Tanong ko habang tinatanggal ko ang kanyang kamay na nakahawak sa isang kamay ko.

"Or.. nagiguilty ka na? Am I right?" Nakangising tanong ko sa kanya. "No.. but --" I cut her off from saying something.

"No buts and let's stick to what we PLANNED. Whether you like it or not, mangyayari at mangyayari ang dapat na mangyari. I can manage to do this alone kung di mo kaya." Sabi ko at tuluyan nang umalis sa harap niya.

Di nagtagal ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

"Hello Ma'am. Mission accomplished po. Papunta na po kami sa lugar na sinabi ninyo." I smiled evilly.

"Good then. See you there at siguraduhin niyong nakatali ng mabuti yan dahil sa oras na makatakas yan, kayo ang ipapalapa ko sa buwaya. Got it?" And I ended the call.

May thought na pumasok sa isip ko. Tinext ko si Kyle upang magtungo sa lugar na yun mamaya.

"Oras na para malaman mo ang lahat, Elle.. Oras na.."