Chereads / No Strings Attached / Chapter 89 - Game Plan (Locked in)

Chapter 89 - Game Plan (Locked in)

ELLE

"Bakla nasubmit mo na ba kay Mr. Albert yung mga docs ng recent clients mo? Hinahanap niya kasi naku walang tiwala ganoon? Hindi naman tayo panay tsismis lang dito ano!" Reklamo ni Patty saakin.

"Oo, kakasubmit ko lang kanina sa office niya. Ikaw?" Pagbabalik ng tanong ko sa kanya. "Katatapos lang din namin isubmit yung saamin ni Vanessa. Grabe girl, moody talaga siya swear!" Reklamo niya ulit.

Hindi ko na lang sila pinansin ulit nang bigla akong makatanggap ng text galing kay Kyle.

"Meet me at the rooftop later at 5:30pm :)" Napangiti ako sa text niya. Agad naman akong nagreply ng 'okay' at itinuloy na ang trabaho ng makaalis na agad ako mamayang pagsapit ng 5:00pm

Fastforward..

"Sure ka ba na hindi ka magpapasama saamin diyan? I mean ihahatid ka lang namin sa rooftop tapos aalis na agad rin kami.." Vanessa insisted. "Yes bakla para sure din kami na safe ikaw diba?" Patty added.

"Thanks for your concern guys but.." I shook my head and smiled at them. "It's really okay. I'll be fine kaya sige na, mauna na kayo at baka maabutan pa kayo ng traffic ngayon." Nagtingininan silang dalawa.. "At mukhang uulan pa oh.." Sabay tingin nila sa langit.

"Hayy..." Buntong hininga ni Vanessa.. "Sige na nga. Mapilit ka eh." Dagdag niya.

"Yeah, we give up. Ang kulit mo eh. Hays." Patty said. We both hug before we parted ways. Ako naman ay nagsimula nang maglakad patungong rooftop.

Pagkarating ko doon, wala pa si Kyle.

I'm here na babe.. Saan ka na?

-Send

Napatingin ako sa kabuuang tanawin mula dito sa Rooftop. Ang ganda ng sunset. Sana lang maabutan pa ito ni Kyle..

Ang ingay na rin ng kalsada. Traffic nga talaga eh.. Hays.. After 5 minutes wala pang reply galing kay Kyle. I tried to call him but the number is busy lang eh..

"Kyle nasaan ka na ba?" I mumbled. Napatingin ko sa wristwatch ko at nalaman kong 6:10pm na pala.

I was about to call Kyle again nang biglang bumuhos ang malakas na Ulan.

"Sh.t!" I cursed then immediately headed back to the door of this rooftop. May parang maliit na pinto kasi sila dito. "OMG! Please wag ngayon!" Panic na sabi ko. "Bakit ayaw magbukas?!!!" Inis na sabi ko.

Ayaw talaga magbukas ng pinto. Nakasarado na siya. Sh.t. Nalock ako dito.

"HELPP!! MAY TAO PA DITO! MAY TAONG NALOCK DITO SA ROOFTOP! HELLPP!!!" Sigaw ko nagbabakasakaling may makarinig saakin mula sa labas ng rooftop.. Ngunit sa lakas ng ulan, I doubt na may makarinig saakin...

"H-HELLLPPP!!!!" Muli kong sigaw ngunit niyakap ko na lamang ang aking sarili dahil sa malakas na pagpatak ng ulan sa katawan ko.

Basang-basa na ako ng ulan, nanginginig na ako sa sobrang lamig at unti-unti na ring nanlalabo ang pangingin ko sa paligid.

I'm starting to feel unconscious marahil dahil na rin sa sobrang lamig.. Bigla kong naalala ang mga sinabi nila Patty saakin kanina.. Tama sila..Sana pala nagpasama muna ako.. Hindi sana ako nalock dito.

"Malamang rin ay hindi na makakapunta si Kyle dito dahil ang lakas ng ulan.. " Sabi ko sa isip ko..

"K-kyleee...." Huling sambit ko and everything's went black.