Chereads / No Strings Attached / Chapter 81 - Ultrasound

Chapter 81 - Ultrasound

ELLE

"Do you see that small figure there?" The doctor pointed our the figure formed in the screen. Nakahiga ako habang may kung anong medical tool ang nasa tiyan ko. "That's your baby. You are now 2 months and 3 weeks pregnant, Elle. Do you feel or experience morning sickness?" The doctor asked me.

"Hindi naman po, Doc. Hindi rin po ako nakakarananas ng mood swings neither paglilihi.." I honestly said. She nodded. "I see. Good for you dahil hindi ka nakakaranas ng mood swings or morning sickness. But you should always take your vitamins and eat healthy foods.." Tumango ako sa sinabi niya..

"Doc, about the gender of the baby? Is it a boy or a girl?" Kyle suddenly asked. Muling tumingin si Doc sa monitor at ngumiti kay Kyle bago magsalita.

"It's a boy, Kyle. Lalaki ang una ninyong anak." Napahawak naman sa kamay ko si Kyle habang nagiging emosyonal marahil ay dahil sa nalaman niya kahit ako man ay nagiging emosyonal na rin.

Pagkatapos ay pinagbihis na ako ni Doc at pinaupo ako malapit sa kanyang table.

"Reresetahan ko kayo ng nga Vitamins para kay Baby. Sa nakita ko, so far wala namang problema sa inyo ni Baby, Elle. Siguro dapat ka lang magingat lalo na sa stress. Your follow up check up will be next month, okay?" Tumango kami sa sinabi ni Doc at kinuha ang inaabot niyang reseta saakin.

"We'll go ahead na, Doc. Salamat po." Sabi ko. Nagpasalamat rin si Kyle kay Doc.. "Take care okay? See you next month." After nun ay umalis na agad kami.

Hindi maalis sa mukha namin ni Kyle ang magandang balitang narinig namin mula kay Doc. Siguro iniisip ni Kyle ay magkakaroon na siya ng "Jr" and I can't wait to see our baby also..

Sana lang ay wala ng magiging problemang darating sa buhay namin ni Kyle. Kung meron man, ay sana sabay namin itong haharapin ni Kyle..