ELLE
"Kyle?" Tawag ko sa kanya nung makasalubong ko siya. "E-elle? W-what are you doing here?!" Bakas sa boses niya yung pagtataranta at pagkabigla nang hindi ko alam kung bakit..
"Galing ako CR. Ikaw? Kumusta yung inaasikaso mo?" Kalmadong tanong ko sa kanya. Pilit siyang ngumiti saakin..
"Okay naman. Heto nga oh, katatapos ko lang tawagan yung client ko. Tara na?" Pagyaya niya saakin pabalik sa may poolside.
"Sige." I said while smiling at me. He held my hands habang lumalakad kami pabalik sa may poolside.
"Naku, ang sweet naman ng dalawang to. Nakakairita!" Rinig kong daing ni Patty. "Oo nga bakla eh. Lalong nakakairita dahil walang single na lalaki dito bwisit. " Dagdag pa ni Vanessa. Tumawa naman kami ni Kyle.
"Nga pala, bukas ng umaga kailangan kong umalis babe ah? Dito ka muna kasama nila Patty. Saglit lang ako doon." Paalam ni Kyle saakin. Hindi na ako nagtanong pa at tumango na lamang.
Maya-maya pa'y tumayo na sila Patty at tinanggal na nila ang suot na bathrobe. Literal na napatakip ako ng bibig nung tuluyan nang tinanggal ni Patty ang bathrobe niya.
"WALANGHIYA KANG BAKLA KA! TINALO MO PA AKO!" Daing ni Vanessa. Si Patty kasi nakatwo piece! Nakakaloka!
"Ganoon talaga babae, lalo na pag maganda ka. Tara na. May dalawang lalaki doon oh.. Tigiisa tayo if bet mo." Nakangiting sabi ni Patty. Ngumiti naman tsaka tumango si Vanessa sa kanya at kasabay nun ay ang pagtanggal niya nang suot niyang bathrobe at lumangoy patungo sa kinaroroonan nung dalawang lalaki.
"You're so beautiful lalo na kapag nakangiti ka." Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko at ngumiti ng matamis. "Syempre naman, lalo na pag ikaw yung kasama ko.. You know that being with you means a lot to me. We've been through of so much struggles and hurdled us before we reached to where we are today. At masaya ako dahil sa wakas ay tayo pa rin sa huli.." Sabi ko at medyo mangiyak-ngiyak na. Hinawakan niya ako sa pisngi ko at ngumiting nakatingin saakin.
"For as long as we're together, there's no thing neither burden too heavy to carry. Magkasama natin itong haharapin, Love. I promise.." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
"I love you." I mumbled enough for him to hear me.
"I love you too." And with that he slowly lean towards me and presses his lips into mine as he gently caress my tummy where our little angel is..