Chereads / No Strings Attached / Chapter 65 - Resolution

Chapter 65 - Resolution

KYLE

Gaya nga nang pinangukan ni Dad, he started to fix everything. At ito na nga nandito kami ngayon sa unit ko kasama ang parents ni Michelle at yung kasama niyang lalaki sa starbucks.

"Where do we start?" Dad said.

"Tell me everything. Explicit to me everything." I said seriously. Bumuntong hininga si Dad at tumingin saakin.

"Totoong nalulugi na ang company natin. At totoo rin na tutulungan tayo ng Cordoval Group of Company para iligtas yung nalulugi na nating company na ang kapalit nun ay ang maikasal kayong dalawa ni Michelle.." Taimtim lamang akong nakikinig sa paliwanag ni Dad.

"We threatened Elle by the means of pulling out their investors at gumawa ng rumours para maibalik ka niya dito sa manila. Pero hindi naman talaga namin kaya na mangdamay pa nang ibang company para lang maikasal kayo, but we left out of choice eh." Napahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pangalan niya.. Ang pangalan nang babaeng pinakamamahal ko..

"We succeeded, pero hindi kami masaya ng Mom mo dahil nagiging miserable ang buhay mo nang dahil saamin. You hated me so much more to the point na parang gusto mo nang putulin ang ugnayan natin bilang mag-ama. And that hurts me so bad." Nakiya kong ngumiti nang mapakla si Dad habang tinitignan ako.

"I know I've been tough to you, and I also know that I've caused you so much burden nang pinagsasalitaan kita ng masama, believe me or not, hindi ko gustong gawin yun sayo.. Pinagsisisihan ko ang lahat nang ginawa ko sayo, anak.. " Nagulat ang lahat nang biglang pumatak ang mga luha ni Dad.

"And about Michelle's case.. Bago pa man kayo maikasal ay alam kong may boyfriend na siya" Tinignan naman niya ang kasama ni Michelle. "Siya si Dave.. 5 years na silang may relasyon ni Michelle and gaya niyo ni Elle.." Huminga nang malalim si Dad at muling nagsalita.

"Sinubukan rin namin ng kanyang Daddy na pagkaitan siya nang pagkakataong makasama ang taong mahal niya. But it didn't happen. Napagkasunduan naming dalawa na gawing illegal ang kasal at gawing scripted ang lahat nang mangyayari." Halos sumabog ang puso ko sa sobrang tibok nito.. Grabe. Hindi ako makapagsalita..

"Bilang kabayaran sa nangyari, her Dad offered a hand to us kahit pa na illegal ang kasal niyo. Pero we also agreed na when the time comes at ayaw niyo na sa isa't-isa, ay papayagan namin kayo at titigilan na ang kalokohang ito.." Ngumiti si Dad saakin. A sad smile.

"But this time, allow me to make these things right again, Kyle.. Please forgive us for being so insensitive to you.. Please.." Ramdam ko yung sincerity sa sinabi ni Dad..

"Anak..." Napatingin naman ako kay Mom sa biglang pagtawag niya saakin..

"Patawarin mo rin ako dahil wala akong nagawa para ipagtanggol kita.. I'm sorry kung hinayaan kong mangyari sayo yung nangyari saakin dati.. I'm so sorry, anak.." Biglang umiyak si Mom kaya nilapitan ko siya at niyakap.

"It's okay, Mom.. Nangyari na po eh. Wala na po tayong magagawa kundi ang tanggapin ang nangyari.." Nakangiti kong sabi kay Mom pero bakas sa ngiti ko ang matinding lungkot..

"Ang bait mo talaga anak.. We don't deserve to have you in our lives... Kami na walang ibang ginawa kundi ang hayaan kang pagdusahan ang mga pagkakamali namin.." Ang drama naman nitong nanay ko. Tsk

"Mom, it's not true.. Marami kayong ginawang tama saakin. Like you, kahit dati, pinaglaban niyo pa rin ako mula sa pamilya ninyo, same thing with Dad.. Hindi totoo yang mga iniisip ninyo, Mom.." Niyakap ako ulit ni Mom..

"Kyle..." Napahiwalay ako kay Mom dahil sa biglang tawag ni Michelle saakin.

"I just want to say sorry to you.. Dahil pinaniwala kitang anak mo itong dinadala ko.. At alam ko namang kailanma'y hindi nawala sa isip mo si Elle eh. Tuwing gabi na natutulog lagi mong binabanggit si Elle.. Minsan gusto ko nang sabihin sayo ang totoo, pero wala akong lakas-loob para sabihin sayo eh.. Kaya sana mapatawad mo ako, Kyle.. Kami ni Dave... Hindi naming gusto na pagmukhain kang tanga.. I'm so sorry.." Malungkot na sabi naman ni Michelle.

"You know na kahit isang segundo, hindi ko nakaligtaang isipin si Elle.. Lagi kong iniisip na ikaw siya, pero hindi.. I just want to tell you that for a month together with you, I tried to find comfort in your side, but I failed... Kahit anong gawin ko, siya pa rin talaga ang mahal ko, Michelle. Kaya siguro nangyari ito, dahil panahon na para maitama lahat nang pagkakamali natin... Kailangan na nating tapusin ang dapat na tapusin at muling bumalik sa nakaraan kung nasaan andoon talaga ang mga puso natin.." Hindi ko alam kahit na sinaktan nila ako, ginago't pinagmukhang tanga ay nagagawa ko pa ring ngumiti at patawarin silang lahat..

"I also tried, Kyle.. But siguro nga tama ka.. Hindi talaga tayo ang itinadhana para sa isa't-isa.. May Elle ka, samantalang ako may Dave..." Napatawa naman kaming lahat sa sinabi niya. Ayos to, pampatanggal tensyon sa loob ng unit ko.

"So I guess, it's about time to end this dramatic scene." Muli kaming tumawa dahil sa sinabi ni Daddy Miguel. Ang tatay ni Michelle.

May kinuha siyang envelope sa briefcase niya at ibinigay saakin.

"Certificate of Marriage.. " Tumingin naman ako sa kanya.

"Gaya nga ng sinabi ng Dad mo kanina, lahat nang yun ay illegal..Meaning to say, peke yung kasal niyo. Pansin niyong hindi pinirmahan ng pari yung certificate niyo?" Tumingin naman ako sa signature ng pari, pero tama nga siya. Hindi ito pinirmahan ng pari.

"That says everything.. Single na ulit kayong dalawa and never been married to anyone." At tumayo si Dad Miguel.

"Probably, you know me by my name, but not that much. I own companies, Yes.. Pero may isang bagay ka pa na hindi alam, Kyle. My real name is, Atty. Miguel Cordoval." Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako kila Dad at tumango lang rin sila saakin.. Kaya pala! Kaya pala nagawa nila ang lahat nang ito! Nagawa nilang illegal ang kasal namin nang malinis, tsk!

"Surprise!" Natatawang sabi ng tatay ni Michelle.

"Wow.." Tanging sabi ko na lang. Wala eh. I'm speechless..

"Now.. " Tumayo si Dad..

"Go on and search for Elle.." Napatingin ako kay Dad na ngumingiti saakin.

"You have my blessings, son.. Look for her and bring her here.. It's about time na yung happiness mo o ninyo ni Elle ang sosolusyunan natin. Itutuloy na natin ang naudlot niyong pagmamahalan. " Niyakap ko naman siya dahil sa sinabi niya. Nakiyakap rin saamin si Mom na masayang-masaya siya.

"I will, Dad.. I will.." Ngumiti silang lahat saakin at nagpaalam na ako para hanapin si Elle.

Tama na tong kadramahan na to.

Oras na para sa totoong istorya natin, Elle..

It's about time na tayo namang dalawa ang sasaya ngayon.

Hahanapin kita..

Kahit libutin ko man ang buong mundo

Basta mahanap lang kita.

I promise that to you..

Wait for me, Elle..