"DID YOU contact the eight ladies?" tanong ni Romeo Laxamana kay Mr. Paul Polintan, ang head ng Marketing Department ng Refreshed Asia, isang kilalang food and beverages company sa buong Asia. He was the Vice President at tiyuhin naman niya ang siyang presidente, si Rolly Laxamana. Kasalukuyan silang nasa main office ng kumpanya sa Makati at ipinatawag niya ito para pagusapan ang tungkol sa kanilang proyekto.
Magbubukas sila ng bagong walong product lines at ayos na iyon sa research. Matapos maayos ang lahat, kailangan na nilang ianunsyo iyon sa market. At para makahatak iyon sa masa, kailangan nila ng walong babae para i-endorse iyon dahil pawang mga kababaihan ang target market nila. Pinangalanan nila iyong Sweet Booster Energy Drink. Mayroon walong flavor ang Sweet Booster Energy Drink at ibinase nila ang flavor sa mga pangalan ng babae para sa pagkakakilanlan at para madaling tandaan ng masa.
"Yes, sir. Everything is ready. Napapirmahan na natin sila ng contract. Abstract Advertising Agency will handle the ads. The commercial will be aired for three months and the endorsers have a one year contract with us." Imporma nito sa kanya saka ibinigay ang profile ng walong babaeng napili ng kanilang kumpanya para maging endorser.
Napatango-tango siya. "Very well. I want to meet these eight ladies, okay?" bilin niya rito habang pinapasadahan ang mga papeles. He couldn't help himself but to admired those eight ladies. They would introduced eight beautiful women who are succesfull in their corresponding male-dominated fields. Bagay na bagay talaga sa Sweet Booster Energy Drink.
Si Cherry Lou Ronquillo ay isang hinete sa edad na beinte singko. She graduated Accountancy but she prefer to be in that field. Ayon sa impormasyon, galing ito sa pamilya ng mga hinete kaya marahil ay naging hilig din nito iyon.
Si Violeta Ortega ay isang sikat na drag racer sa Taiwan sa edad na beinte kuwatro. They called her 'Bullet' because of her remarkable speed. Namana nito sa ama ang husay sa pangangarera na ngayon ay yumao na.
Si Pauline Sobrepeña ay isang magaling na Motocross Racer sa US sa edad na beinte singko. She was a Half-Filipina, Half-American. Gayunman, sa nakikita niyang litrato nito ay halatadong mas lamang ang dugong banyaga dito.
Si Cindy Ravena naman ay nagmamay-ari ng Mobile and Waves, one of the largest professional lighting and sound system in Northern Luzon. Ito rin ang tumatayong disc jockey ng Mobile and Waves na namana pa nito sa namayapang ama.
Si Raceli Daquigan naman ay isang mekaniko. Sa edad na beinte sais ay nagmamay-ari na siya ng isang pinakamalaking pagawaan ng mga sasakyan sa Laguna at kaliwa't kanang car accessories at car services doon.
Lucille Rafael is a twenty four year old bartender of Booze Republic. Naging kampeon din ito sa isang bartending competition sa Dubai at sa ngayon ay ekslusibo na itong nagtatrabaho sa Booze Republic bilang bartender.
Jeejet Adams is a Half-Filipina, half-British twenty five year old trapshooter gold medalist. Ang ama nito ang naging trainor nito hanggang sa maging kampeon ito.
Si Yvonne Batac ay isa namang tanyag na tattoo artist sa Pilipinas sa edad na beinte singko. Galing sa pamilya ng mga artist. Ang ama ay isang kilalang mural painter at ang ina naman ay isang tanyag na gothic writer sa ibang bansa.
"Yes, sir." Sagot ni Paul habang binabasa niya ang mga profile ng mga babae.
Napatango siya. "You may go now," dismiss niya rito.
Agad itong tumango saka tumalima. Siya naman ay napahinga ng malalim saka isinara na ang folder. Matagal na siya sa kumpanyang iyon at wala siyang hinangad kundi ang patuloy iyong lumago. Kasama ang tiyuhin ay iyon na ang masasabi nilang legacy nila.
At sigurado siya, magiging successful iyon. They have the eight most amazing women in the Philippines. Bakit naman hindi? Napangiti siya sa naisip.