Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 12 - CHEER UP

Chapter 12 - CHEER UP

"Malungkot ka na naman. Uminom ka naman at mag-enjoy. Na-promote ka na nga, mukha ka pa ring namatayan," nakangiting untag ni Harold kay Kaye. Napaigtad pa si Kaye dahil nawala na naman ang focus niya sa mga kasama. Kasalukuyan silang nasa bahay ni Milly. Nagkayayaan sila doon. Na-promote siya bilang Team Leader dahil sa ganda ng performance.

Dahil wala naman siyang kasamang magce-celebrate ay pumayag na siya. Nag-suggest si Milly na sa unit nito ganapin iyon dahil malapit lang iyon sa Sonics. Isa pa ay kakaiba ang panahon ngayon. Kalat sa balita na talamak ang nakawan, patayan at kung anu-anong krimen. Nag-take out na lang sila ng pansit at inihaw na manok. Ang beer naman ay sagot ni Harold.

Halos isang buwan na ang lumipas magmula ng mawala si Dem. Isang linggo naman ang nakakalipas magmula ng lumindol. Umabot ng dalawang araw silang walang pasok dahil inayos pa ang mga poste at system ng kumpanya. Nang maging okay ay pinapasok na rin sila. Sa kabila ng pagaalala kay Dem ay naging masigasig pa rin si Kaye. Nagpatuloy pa rin ang buhay niya. Aaminin niya, nalulungkot pa rin siya sa tuwing naalala ang lalaki. Kadalasan, nauuwi iyon sa pagiyak niya bago matulog.

Marami siyang regrets at hanggang ngayon ay pinagsisisihan niya ang pagiging judgemental. Pinagsisisihan din niya na hindi nasabi kung gaano ito kamahal. Sa pagtakbo ng mga araw ay unti-unti niyang nare-realize hindi lang kung gaano iyon kalalim at katindi kundi wala na rin siyang pakialam kung anuman si Dem. She still loves him whatever he is, whoever he was and how imperfect he'd been. No matter how bad he was, she still accepts him how tainted he was...

At alam ni Kaye na hanggang mamatay siya ay mananatili ang damdaming iyon para kay Dem. Too bad she couldn't say those words to him. Anuman ang gawin niyang orasyon, bali-baligtarin man niya ang mga iyon, pumatay man siya ng maraming itim na pusa at gamitin ang dugo noon para sa ritwal, pointless lang dahil hindi na dumadating si Dem...

"Pansin ko, lagi kang nagiisip at nalulungkot. Masaya ka pero... kapag nagiisa ka o walang nakakapansin, natatahimik ka at napapaisip. Puwede mong sabihin sa akin kung ano ang problema mo," mahinang untag ni Harold sa pananahimik ni Kaye.

Lihim siyang napabuntong hininga. Obvious ang special treatment ni Harold sa kanya at hindi siya manhid para hindi maramdaman na mayroon itong gusto sa kanya. Noong ihatid siya ay panay ito paalala na magingat siya dahil nagiisa lang sa unit. Panay lang ang tango niya dahil si Dem ang laman ng isip niya noon. Gayunman, obvious din naman ang sagot ng puso niya: wala siyang nararamdaman dahil hawak ni Dem ang puso niya...

Kimi siyang ngumiti at umiling kay Harold. "Wala. Napagod lang ako. Mauuna na ako sa inyo, ha. Enjoy lang kayo. Kung kulang, heto ang budget. Bili na lang kayo ng barbeque o kung anuman ang gusto ninyo," aniya saka naglabas ng limang daan.

Napaungol sina Milly. Natawa naman si Kaye. Pinilit niyang pasiglahin ang itsura para hindi siya usisain sa kalungkutan. Nagpilitan sila ng nagpilitan hanggang sa wala ding nagawa ang mga kasama niya. Natatawang nagpaalam na lang siya.

"Ihahatid na kita," ani Harold at nagpauna na. Napabuntong hininga na lang si Kaye na sumunod. Pagdating sa labas kung saan naka-park ang sasakyan ng kuya ni Harold ay minabuti niyang tapatin ito.

Huminga ng malalim si Kaye bago nagsalita. "Harold, pasensya ka na, ha. Ako na lang ang uuwi. Dito ka na lang,"

Masuyo itong ngumiti. "Kaye, okay lang. Gusto ko rin namang gawin ito..."

"Harold..."

Natawa ito ng alanganin at napahagod sa buhok. "Gusto na rin kitang tapatin. Kaye, gusto kita. Kundi ka pa handa, maghihintay naman ako at—"

"Harold, I'm sorry..." malungkot niyang putol at napayuko. Naisip niyang habang maaga pa lang ay tapatin na niya ito. Wala din naman siyang nararamdam ditong espesyal. Kaysa ubusin pa nito ang oras sa kanya, mas magandang maaga pa lang ay tumigil na ito. "M-May iba akong mahal. I'm sorry kung hindi kita bibigyan ng chance. Wala ng chance, Harold. Wala dahil hindi ko na hawak ang puso ko..." malungkot niyang amin dito.

Bumalatay ang matinding panghihinayang at lungkot sa mga mata ni Harold. Napatingin ito sa malayo. Taas-baba ang dibdib. Mukhang kinakalma ang sarili hanggang sa bahagya itong natawa. Mukhang ipinakikitang okay lang ito kahit mabigat ang dibdib.

"Mauuna na ako," paalam niya at tipid itong tinanguan. Nang hindi ito nagsalita ay tuluyan na siyang umalis. Lihim siyang nanalangin na sana'y maging okay din si Harold at makahanap ito ng ibang babaeng mamahalin at mamahalin din ito.

Napahinga ng malalim si Kaye at naglakad na lang palabas. Muli, si Dem pa rin ang laman ng isip niya hanggang makarating sa MRT station. Gustong-gusto na talaga niya itong makita. Marami siyang kwento rito. Sa loob ng isang buwan ay maraming nagbago sa buhay niya.

Bumigat ang puso niya at napalingon sa kanan nang mapakunot ang noo dahil napansin niya ang isang lalaki doon. Nakasuot iyon ng itim na jacket na mayroong hood, itim na pantalon, itim na boots at dark shades. Parang si...

"Dem..." anas niya. Biglang kumabogang dibdib niya! Napatayo siya at dali-daling naglakad palapit nang tumigil angMRT dahil saktong iyon na ang station na babaan niya! Nataranta si Kaye nang magsitayuan ang mga tao at nawala sa paningin si Dem.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Dem!" sigaw ni Kaye. Tarantang iginagala niya ang paningin at naiyak na lang si Kaye ng hindi na ito makita!

"Dem..." anas niya at nanghihinang napasandal na lang sa pasimano ng station. Kinalma niya ang sarili. Pinilit niyang inisip ang nakitang lalaki hanggang sa natawa siya ng bahaw. Imposible na si Dem iyon dahil alam niyang hindi na ito babalik.

Lulugo-lugo siyang naglakad pauwi. Hindi tuloy niya napansin ang lalaking kanina pa nagaabang sa pagdaan niya...

"Holdup 'to. Huwag kang kikilos ng masama," malamig na bulong ng isang lalaking sumabay kay Kaye at inakbayan siya. Malaki ang lalaki. Sa ginawa nitong pagakbay ay agad siyang napadikit sa katawan nitong amoy ewan. Napaigtad siya ng maramdamang mayroong tumutok sa tagiliran niya. Sa tingin niya ay baril iyon...

Biglang kinabahan si Kaye at nanlaki ang ulo dahil sa takot. Nangatog siya ng idiniin nito iyon sa tagiliran niya. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Halos hindi na siya humihinga! Takot na takot siya...

Kinakabahan si Kaye at nakiramdam sa paligid. Gusto niyang maiyak ng makitang walang nakakapansin sa kanya sa labas ng station. Busy ang karamihan dahil sa pagaayos ng tinda at hindi rin ganoon karami ang tao. Palibhasa, napakaaga pa. Madaling araw pa kaya wala pang masyadong tao.

"Akin na ang bag mo. Dali!" asik nito at idiniin ang baril.

Napaigtad siya at naluha sa sobrang takot. Agad niyang ibinigay ang gusto nito. Nanginginig pa! Nandoon man ang mga mahahalagang gamit niya gaya ng ID, cellphone at wallet ay wala siyang magawa. Natatakot siya at gusto pa niyang mabuhay...

Nang makuha nito ang bag ay naiyak siya ng tutukan nito ng baril sa mukha. Doon naman napatili ang ilang taong nakakita sa eksena pero walang pakialam ang holdaper. Nakangisi lang ito sa kanya at nasisiguro niya, iyon na ang katapusan niya...

"Magpaalam ka na—aray!"

Napamaang si Kaye ng makitang mayroong pumalo sa ulo ng holdaper! Hindi niya napansin ang lalaking nakaitim na naka-hood na nakalapit na ito sa likuran ng malaking lalaki. Palibhasa, makatawan ito kaya hindi niya nakita ang likuran.

Napaluhod sa sakit ang hold upper at nabitawan ang baril. Doon napatingin si Kaye sa taong may hawak ng dos por dos at nanlaki ang mga mata niya ng makitang si Dem iyon!

"D-Dem..." anas niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya, nawala ang lahat ng takot at naging ligtas! Salamat kay Dem. Salamat sa presensya nito. Dahil dito, nawala ang mga negatibong damdaming iyon...

"Run," malamig nitong saad saka muling pinalo ng dos por dos ang holdaper na magtatangkang tumayo. Napahiyaw sa sakit ang malaking lalaki dahil sa pagkakatama ng kahoy nito sa likuran. Sa lakas noon, napasubsob ito sa semento!

Napatili si Kaye ng pilit pa ring tumayo ang holduper at hinarap si Dem! Hahatawin ulit ito sana ni Dem pero lumaban agad ang holduper. Iniinda man nito ang sakit, natitiis pa rin nito. Palibhasa, mukhang naka-droga kaya natitiis nito ang mga pinsala. Napatili si Kaye sa takot ng suntukin nito si Dem pero agad naman itong nakailag. Halos sumabog na ang puso niya sa kaba dahil sa napapanood na komosyon!

Nagsuntukan ang dalawa. Pansin niyang sanay sa bakbakan si Dem. Hindi na rin siya dapat magtaka. Hindi ba't sabi nga ni Dem ay digmaan lagi sa underworld? Mukhang praktisado ito! Naiilagan nito ang bawat suntok ng holdaper at nakakasuntok hanggang sa tuluyan iyong bumagsak! Hindi tuloy mapigilang mamangha ni Kaye. Para talagang superhero si Dem. Laging dumadating kung kailan siya nabibingit sa kamatayan.

"Dem!" sigaw niya at sinugod ito ng yakap. Napaiyak siya sa dibdib nito ng maramdaman ang pamilyar nitong init. Wala man ang amoy sulfur sa katawan ni Dem, nandoon pa rin ang personal nitong amoy na alam niyang tumingkad pa sa pagtakbo ng panahon.

"Dem... bumalik ka..." umiiyak na anas niya. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso niya. Ah, sobrang saya niya. Sa wakas, tapos na ang paghihirap niya. Nandoon na si Dem. Masasabi na niya ang tunay na damdamin dito.

"Miss, okay ka lang ba?" anang mga concern citizen.

Ayaw pa sana niyang pakawalan si Dem pero napilitan siya para harapin ang mga taong nagsilapit para tumulong. Itinali nila ang holdaper na bagsak na sa semento. Agad siyang tumango. Sisinghot-singhot niyang ipinaliwanag ang lahat.

Napatango ang mga matatanda. "Sige. Nagtawag na kami ng pulis. Padating na sila. Sasamahan ka namin sa presinto para magpaliwanag,"

Luhaang ngumiti si Kaye. "Salamat po. Sasamahan din po tayo ni Dem," aniya saka nilingon ito.

Napakunot ang noo ni Kaye ng makitang wala na doon si Dem. Napalinga siya at hinanap ito sa maraming tao at nanghina siya ng hindi na ito makita...

"S-Si Dem? N-Nasaan siya? N-Nakita niyo ba siya?" nalilitong tanong ni Kaye sa mga tao. Sigurado siyang nandoon lang si Dem! Pambihira naman! Nalingat lang siya, nawala ito agad! Mayroong nabubuong ideya sa isip niya pero ayaw niyang i-entertain! Masasaktan lang siya at ayaw niyang tanggapin...

"Iyong lalaking nakaitim? Nakita ko ngang nakatayo lang dito kanina. Hindi ko rin napansin kung saan dumaan," anang isang matanda.

Nanlumo si Kaye. Lumubog ang puso niya sa ideyang iniwanan na naman siya ni Dem. She was so damn worried but at the same time, shattered. Alam nitong kailangan niya ito ngayon pero umalis ito!

Durog na durog tuloy ang puso niya sa napagtanto...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Okay ka lang ba? Mukhang masama ang pakiramdam mo. Magpaalam ka na lang muna sa HR natin para makauwi ka," seryosong untag ni Harold kay Kaye. Hindi na rin niya napigilang mapahawak sa noo dahil nakaramdam siya ng liyo. Nagdo-double vision na rin siya. Hindi na niya masyadong nababasa ang mga commands sa computer.

Pagkagising ay masama na talaga ang pakiramdam ni Kaye. At alam niyang dahil iyon sa kakulangan niya sa pahinga at pagkain. Hindi siya nakakatulog at nakakain kakaisip kay Dem. Magmula ng magkaroon sila ng engkwentro isang linggo ng nakararaan ay lalo itong naging laman ng isip niya. Nagaalala siya at nauuwi iyon sa matinding tampo...

Lihim siyang napabuntong hininga. Nakakapagtampo naman talaga ang ginawa nito. Masisisi ba siya? Sa tingin niya ay hindi. Bulusok na dumating si Dem at bulusok din ang naging paalis. Ni hindi man lang nilinaw ang lahat! Nakaka-frustrate! Ang tagal niya itong hinintay pero ganoon lang ang gagawin.

Oo at grateful siya dahil dumating ito noong kailangan niya pero bakit siya nito hinayaang harapin iyon ng nagiisa? Tuloy ay solo niyang hinarap ang holdaper. Sinampahan niya iyon ng kaso at ngayon ay nakakulong na.

Bukod doon ay hindi niya lubos maisip kung bakit hindi siya nito pinupuntahan. Alam naman nito kung saan siya makikita. Katunayan na sinundan pa siya nito noon. Bakit kailangan nitong gawin iyon?

Habang tumatagal, lalong naipagdidiinang nasa tabi-tabi lang si Dem. Ewan lang niya kung gaano na ito katagal na umaaligid-ligid sa kanya at ayaw magpakita. Minsan, gusto na niyang ibingit sa kamatayan ang sarili para lumitaw ito hanggang sa mapapailing na lang siya sa sarili.

"Sige. Uuwi na lang ako," pinal na saad ni Kaye dahil hindi na rin niya matagalan ang sitwasyon. Tumango naman si Harold at tinulungan siya.

Sa kabilang banda, hindi kinakitan ni Kaye ng galit o sama ng loob si Harold dahil sa ginawa niyang pagtatapat. Nanatili pa rin itong mabuting kaibigan sa kanya.

Inayos na niya ang mesa at tumawag sa HR. Bago siya pinauwi ay pinapunta muna siya sa clinic para ma-check up ng company doctor. Sinamahan siya ni Harold doon at umalis na ito ng masigurong okay na siya.

Sinuri siya ng company doctor. Mayroon daw siyang lagnat. Binigyan siya nito ng paracetamol. Nirekomenda din nito na huwag muna siyang pumasok para makapagpahinga. Ito na daw ang bahalang mag-inform sa HR. Sa huli ay umuwi na siya.

Nag-taxi na siya. Pagdating sa inuupahan ay halos hindi niya maisuksok ang susi sa door knob dahil sa dilim at hilo. Minabuti niyang ipahinga muna ang sarili. Pumikit siya at isinandig ang ulo sa hamba ng pinto hanggang sa muntikan nang mabuwal dahil sa kalagayan.

Doon mayroong sumalo sa kanya at napasinghap siya ng maramdamang pinalibutan ang katawan niya ng isang mainit na bisig. Namasa ang mga mata ni Kaye. Kahit hindi niya iyon sinuhin, kilala na niya kung sino ang may-ari ng bisig na iyon. Amoy pa lang ay kabisado na niya...

"Dem..." anas niya. Impit siyang napaiyak ng higpitan pa nito ang yakap.

"You're sick. Kaya ka pala umuwi," malamig nitong saad. Magsasalita sana siya pero kumilos na ito. Kinuha nito ang susi at pinagbuksan siya.