Chereads / LEGENDARY DEVILS / Chapter 13 - ASCENDED

Chapter 13 - ASCENDED

Napasinghap si Kaye nang buhatin ni Dem. Awtomatikong naipalibot niya ang mga braso sa leeg nito. Ramdam ni Kaye ang bahagyang pagtigas ng katawan ni Dem dahil sumiksik siya sa dibdib nito. Ah, ang sarap talaga sa pakiramdam na mayakap ulit si Dem. She thought she could stay that way forever.

Naramdaman na lang ni Kaye ang pagsayad ng likuran sa kama pero ayaw pa rin niyang pakawalan si Dem. Napabuntong hininga ito. "Kaye, let go." anas nito.

"No..." luhaang anas niya at hinagilap ang mga mata nito. Napasinghap siya ng makatitigan si Dem. Dahil sa pagkakalapit nila, doon niya napansing hindi na dilaw ang mga mata nito. Maiitim ang mga iyon. Normal na mata ng isang... tao. "A-Ano'ng nangyari sa mga mata mo?" takang tanong niya.

Nagiwas ito ng tingin. Muli, pinilit niyang hagilapin ang mga mata nito at nahigit niya ng hininga ng tumayo ito.

"Aalis na ako. Lock the door—"

"Dem!" desperadong awat niya at napahagulgol sa palad. Aalis na naman ito! Iiwanan na naman siya! Hindi iyon puwede! Masisiraan na siya ng ulo kapag ginawa pa nito iyon! "Huwag mong gawin 'to, please!" luhaang bulalas niya.

Desperadong napahagod ito sa mukha at napabuga ng hangin. "Hindi ako puwedeng magtagal dito!"

"I'm sorry, okay?" luhaang bulalas niya. Hindi niya pinansin ang sinabi nito dahil alam niyang galit lang ito sa kanya kaya ayaw siyang samahan. At hindi na niya sasayangin ang pagkakataon. Habang nandoon ito, sasabihin na niya ang lahat ng gusto niyang sabihin.

"Dem... nagsisisi na ako sa mga sinabi ko... please... patawarin mo na ako... h-hindi ko gustong saktan ka... sorry kung pinagisipan kita ng masama..." nagsisising pakiusap niya. Durog na durog ang puso dahil sa sobrang sama ng loob at pait.

Luhaang tinitigan niya ito. "Dem... na-realize ko ang lahat magmula ng mawala ka... m-mahal kita... kahit demon ka... kahit saksakan ng sama ang ugali mo... kahit sinalo mo na ang lahat ng negatibong damdamin... mahal pa rin kita... mamahalin pa rin kita kahit ano ka pa..." luhaang amin niya.

"Kaye..." hindi makapaniwalang anas ni Dem.

Napaiyak siya sa mga palad. Hindi na niya maampat-ampat iyon. Pakiramdam ni Kaye ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya dahil sa ginawang pagtatapat.

"Dem... please... huwag ka ng umalis..." luhaang pakiusap ni Kaye saka ito tinitigan. "G-Gawin ko ang lahat para mapatawad mo ako... please... bigyan mo ako ng chance na makabawi... g-gawin ko ang lahat..." luhaang pakiusap niya.

"Oh, damn..." nanghihinang anas ni Dem at napahilamos sa mukha. Napasinghap siya ng mabilis itong lumapit sa kanya at kinabig! Napahagulgol si Kaye sa dibdib ni Dem. Pakiramdamni Kaye ay naabot na niya si Dem...

"Dem..."

"Please, stop crying..." masuyong anas ni Dem. Nahigit ni Kaye ang hininga ng higpitan pa ni Dem ang yakap sa kanya. Pakiramdam tuloy niya ay nabuo siya sa higpit ng yakap nito. "And you don't have to do all that... Hindi mo kailangan ng chance, Kaye. Hindi mo kailangang gumawa ng paraan para may mapatunayan sa akin. Tama na sa akin na marinig na mahal mo ako. Masaya na ako doon,"

Kumabog ang dibdib ni Kaye. "Dem..." anas niya at tinitigan ito. Napalunok siya ng makita ang matinding lungkot nito. Doon din niya napansin ang malaking pagbabago nito. Bukod sa kulay ng mga mata, wala na rin ang amoy sulfur at madilim na aurang nararamdaman mula kay Dem.

Bukod doon, mukhang naging gentle si Dem. Nawala ang roughness nito sa pagsasalita at kataliman sa mga mata. She could see sympathy, empathy, guilt, pains and feelings in his eyes. Dem seemed could feel everything. At walang struggle sa mga mata nito na pinaglalabanan bilang demon. Kusa iyong lumalabas at nararamdaman ng lalaki.

"Gusto ko rin humingi ng sorry sa lahat..." malungkot na saad ni Dem saka hinaplos ang pisngi niya. "I'm sorry dahil... hindi ko puwedeng gawin ang gusto mo. I can't stay... I-I can't be with you..." hirap na amin nito.

Naiyak siya. Sobrang sakit ng sinabing iyon ni Dem. "B-Bakit?"

Natigilan ito. Saglit na nakitaan niya ng pagtatalo ang mga mata kung sasabihin ang totoo hanggang sa napabuga ito ng hangin. Napatingin ito sa malayo at tumalon ang puso niya ng titigan siya ulit.

"Naging tao ako. What happened to me was... I automatic ascension because I realized I fell in love with you. A demon wasn't supposed to love. Iisa lang naman ang rule namin sa underworld: don't fall in love. But I fell in love with you. The moment I realized how much I love you, my demon body burned and I ascended..." masuyo nitong paliwanag.

Natunaw ang puso ni Kaye sa nalaman. Dem loved her! Ah, it was the most wonderful thing that she'd ever heard...

"D-Dem..."

"But it doesn't mean everything is okay and we'll have our happy ending. Kaye, being ascended has drawbacks. I lost my demon power and I can no longer curse. Normal na rin ang lifespan ko kagaya ng isang tao. And because I am ascended, for demons I am nothing but a disgrace. They are hunting me. Noong ma-ascend ako, nabuksan din ang Avernus—ang gate ng underworld at inilabas ako. Kaya nagkaroon ng lindol noon dito ay dahil sa impact na nangyari sa pagkaka-ascend ko. Dahil doon ay lumabas din ang ilang demons para hanapin ako. Dahil doon ay hindi ako puwedeng magtagal dito. Oras na malaman ng mga demons ang tungkol sa'yo, isuguradong idadamay ka nila. Ayokong mangyari iyon, Kaye..." malungkot na paliwanag ni Dem.

Napanganga si Kaye sa nalaman. Nakakabigla na malaman ang mga iyon! Ni hindi niya alam ang iisipin at gagawin. Gusto niya itong tulungan pero paano? Ni wala siyang alam na spell!

Nakaramdam ng awa si Kaye kay Dem. Nakalaya nga ito sa pagiging demon pero hindi ito ligtas dahil nanganganib pa rin ang buhay nito. Ngayon niya ganap na naiintindihan kung bakit hindi ito lumalapit sa kanya. He was protecting her! That's the only way he knew how to make her safe...

Tunaw na tunaw ang puso ni Kaye. Hindi niya ine-expect na ganoon ang klaseng effort na gagawin ni Dem. But at the same time, hindi niya mapigilang magalit sa sitwasyon. Papaano sila nito magiging masaya sa ganoon?

"Please, always take good care of yourself. Hindi kita laging masusubaybayan. Gustuhin ko man, hindi ko magagawa dahil kailangan ko ring magtago para hindi makita ng mga demons," malungkot na bilin ni Dem.

Umiling siya rito. Patuloy sa pagagos ang mga luha. Ramdam ni Kaye na aalis na si Dem at iyon na ang huli nilang pagkikita. Hindi niya iyon mapapayagan!

"Huwag kang aalis," luhaan pero mariin niyang saad. Puno ng determinasyon ang tinig.

"Kaye, hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na madamay ka ng dahil sa akin!" determinado din nitong sagot. Pakiramdam ni Kaye ay pinal na rin ang desisyon ni Dem.

"Wala akong pakialam sa mangyayari sa akin!" luhaang bulalas niya at niyakap ito ng mahigpit. Pinaramdam niya na ayaw niya itong mawala at nakahanda na siya sa anumang kalalabasan ng lahat. "Wala akong pakialam kahit mamatay ako... a-ang gusto ko... makasama ka kahit gaano pa kadelikado..."

"I-I'm sorry, Kaye..." mabigat na anas ni Dem saka siya pinakawalan. Naiyak si Kaye. Pakiramdam niya, tuluyan na siyang binitawan ni Dem...

Napahagulgol na lang si Kaye sa mga palad ng maglakad na si Dem palabas ng kuwarto niya. Ang bigat-bigat ng puso at dibdib niya. Pakiramdam ni Kaye, hindi na siya makahinga sa sobrang sama ng loob. Nanghihinang napahiga na lang siya sa kama dahil lalong bumigat ang pakiramdam niya dahil sa nangyari.

Muli, napaiyak na lang ng malakas si Kaye.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

HUMINGA NANG malalim si Demetineirre at kinumbinsi ang sarili na iyon ang tamang gawin: ang iwanan si Kaye. Kahit pigang-piga na ang dibdib niya sa naririnig na iyak ng dalaga, tiniis niya. Pinilit niyang patigasin ang dibdib dahil iyon ang sa tingin niyang makakabuti dito. Nangako din siya sa sarili na iyon na ang huli. Baka mamaya ay may makasunod sa kanya na demon. Matutuklasan nila ang dahilan kung bakit siya naging tao.

Mabibigat ang hakbang na nilisan ni Demetineirre ang lugar. Habang papalayo sa unit ni Kaye na naging tirahan na rin niya sa loob ng maraming, pabigat ng pabigat ang dibdib niya. Unti-unti, nakakaramdam siya ng kahungkagan.

Ang hirap din palang maging tao. Doon na-realize ni Dem ang lahat dahil bukod sa emosyonal na paghihirap na nararamdaman ay mayroon ding pisikal. Napapagod siya at nakakaramdam ng panghihina. Kaya hindi rin niya magawang masubaybayan si Kaye. Una ay dahil hindi na siya nakakatagal ng beinte kwatro oras na gising at pangalawa ay kailangan niyang dumistansya dahil sa kalagayan.

Ilang beses na siyang nakasagupa ng mga demons na sa huli ay nagagawa din niyang labanan. Salamat sa taong tumutulong sa kanya, ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay pa siya.

Napabuntong hininga si Demetineirre. Alam niyang limitado na ang bawat kilos niya kaya nagkakasya na lang siya sa pagsilip-silip kay Kaye sa tuwing namamatay na siya sa lungkot at pagaalala dito. Mabuti na lang, sa panahong sinisilip niya ito ay natataon na nabibingit ito sa kamatayan. Nandoon siya para tulungan ito. Dahil doon ay laman ito ng panalangin niya na sana ay lagi itong nasa mabuting kalagayan.

"Demetineirre..." anas ng matandang lalaki na nanlilimos na nilampasan niya sa overpass. Hindi niya ito pinansin dahil lulong siya sa isipin.

Nilingon niya ito at biglang kumabog ang dibdib niya ng makitang ngumisi ito at dahan-dahang binalot ng itim na usok! Natakpan niya ang ilong na umalingasaw ang mabahong amoy nito. Amoy nabubulok na itlog iyon. Bukod sa sulfur, isang amoy din iyon ng isang demon...

"Ang tagal kitang sinundan! Ang babaeng iyon pala ang kinalolokohan mo!" sigaw nito at humangin ng malakas!

Napahawak si Demetineirre sa bakal ng overpass para hindi matangay. Salamat at madaling araw na, walang ibang taong nakakakita sa unti-unting pagbabago ng anyo ni Andras—ang commander ng 30th legion na ulo ng ibon ang ulo at mayroong itim na pakpak.

"Grr! Argh—!" gigil na angil nito ng tuluyang makapagpalit ng anyo. Nanayo ang mga balahibo ni Demetineirre hindi dahil sa takot kundi dahil nakakakilabot na presensya ni Andras. He could feel his terrible power. Isang wasiwas lang ng pakpak nito, siguradong lilipad siya! At ang angil nito ay nakakapanindig balahibo. His growls were mixed with barks of an insane hell hounds. It sounds horrifying...

"Andras!" sigaw niya ng magsimula na itong umatake. Sa isang iglap ay nakalipad na ito palapit sa kanya. Napasigaw si Demetineirre ng liparin siya nito at tamaan ng matutulis na pakpak ang braso niya. Napaungol siya sa sakit at napagulong-gulong sa maduming daanan dahil sa lakas ng impact ni Andras.

Gayunman, hindi na niya pinansin iyon. Ang mahalaga, makuha niya ang holy water sa bulsa para isaboy iyon kay Andras. Lagi siyang may dala noon para sa ganoong pagkakataon. Hirap man dahil sa pinsala, nagawa pa rin niya. Akmang bubuksan na niya iyon ng muli siya nitong atakehin. Nabitawan tuloy niya ang bote ng holy water at napadausdos iyon sa semento. Napamura na lang siya ng bumaon ang matutulis nitong pakpak sa balikat niya.

"Shit!" hirap na anas niya. Sa gitnang panganib na iyon ay bigla niyang naalala ang magandang mukha ni Kaye.Nakilala ito ni Andras. Siguradong makakarating na sa mga demons ang tungkol sababae! Kailangan niyang patayin si Andras para hindi nito masabi sa iba angtungkol kay Kaye!

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Dahil doon ay nagkaroon nang panibagong motibasyon si Demetineirre. Huminga nang malalim si Demetineirre at nakiramdam. Nang maramdamang nasa ere pa si Andras at muling paatake, dumapa siya at ginapang ang distansya papunta sa bote ng holy water. Binilisan niya ang kilos. Nang mahawakan ang bote ay agad na niya iyong binuksan at mabilis na isinaboy kay Andras ng makalapit ito at binalak siyang dagitin!

"Ah! Argh... aagh... ah—!" hirap na sigaw ni Andras at umusok ito. Nagpapapasag-pasag ito sa ere. Halos hindi humihinga si Demetineirre habang pinapanood ang demon at bago pa siya nito matakasan ay agad na niyang ginamit ang sariling dugo para magsulat ng tatlong simbulo sa semento. Isa iyon sa mga spell na natutunan niya kay Baldassare para mapatay ang isang demon in-case na wala na siyang kapangyarihan. Sariling dugo niya ang gagamitin, matinding panalangin at tatlong Egyptian symbols tungkol sa apoy, sunog at kamatayan ang tanging sangkap sa ritwal.

"Fire... Burn... Die..." hingal na anas ni Demetineirre hanggang sa tuluyang sumilab si Andras. Pumailanlang ang malakas nitong sigaw hanggang sa tuluyan itong naging abo.

Hinang napahiga na lang si Demetineirre sa semento. Taas baba ang dibdib niya at pawis na pawis. Lihim siyang nanalangin na sana'y walang nakatunog na demon sa nangyaring iyon. Alam niyang maraming paraan ang mga demons at umaasa siyang matuklasan man nila ang naging laban nila ni Andras, huwag sana nilang malaman ang tungkol sa pagkakatuklas nito kay Kaye.

Malungkot siyang napangiti dahil sa naisip. Doon niya napatunayan na tama lang ang ginawa niya. No matter how much he wanted to stay with Kaye, he couldn't. Isang katunayan ang nangyari kanina na hindi siya karapatdapat makasama ni Kaye. Gulo ang dala niya sa buhay nito at mas gugustuhin pa niyang mapalayo dito kaysa ang mapahamak ito ng dahil sa kanya...

Binalot si Demetineirre ng matindingkalungkutan dahil sa naisip...