>Veon's POV<
"Gusto kita, Veon. Dati pa. Ang lungkot ko dati na umalis ako ng Baguio pero ang saya ko noong binigyan moa ko ng lucky charm. Iniisip ko palagi na babalik ako at makikita kita. Hindi ako susuko. Gusto ko akin ka pero 'yon pala ang naging kaibigan ko recently, kalaban ko pala sa pag ibig." Sabi niya at naalala ko naman ang confession ni Sheloah sa akin.
"Shan—" hindi niya ako pinatapos.
"Mahal mo si Sheloah, 'di ba?" tanong niya at nainis nanaman ako.
"Bakit niyo ba sinasabi na gusto ko siya, ha?" hindi ko sinagot ang tanong niya kundi nagsabi nanaman ako ng panibagong tanong na may halong inis.
"Nag aalala ka kasi ng sobra. Hindi ka mapakali. Hindi ba pagmamahal 'yan?" sabi niya at naalala ko na kidnapped na pala si Sheloah. Pinikit ko ang mata ko para makalma ko ang sarili ko. Ayaw kong magalit. Ayaw ko dahil hindi ako makapag isip ng maayos.
"Shannara, sorry." Sabi ko at tiningnan niya ako at malapit na siyang umiyak. Lumingon ako at tumingin ako sa baba. "Wala pa akoong balak magkaroon ng love life. Hindi pa ako handang magmahal." Sabi ko na lang sa kanya at pinilit niya ang sarili niyang tumawa.
"Sorry, Veon. Anyways, mahahanap na natin si Sheloah bukas." Sabin a lang niya at nung lumingon ako para tingnan siya, bigla na lang siya tumakbo habang umiiyk. Hahabulin ko n asana siya dahil hindi ko naman sinadyang saktan siya at hindi ko naman sinadya na paiyakin siya. Nabigla lang kasi ako dahil dalawa na silang nag coness sa akin at ngayon na nawawala si Sheloah, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Napabuntong-hininga ako at umupo ulit ako sa gilid ng water fountain. Nagulat ako dahil may natanggap akong text galing sa kidnapper. Nakakagulat na alam niya ang number ko.
Kung gusto mo akong puntahan, pumunta ka na. Pero dapat hindi kasama ang tatay ng maputi mong kaklase. –K
'Yan ang sinabi sa text at napikon ako agad. Tinago ko ang cellphone ko at pumasok na ako ng bahay para makipag usap kasama ang iba. Baka may ginawa silang plano. Kung sinaktan lang pala niya si Sheloah, malalagot siya sa akin.