Chereads / Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 108 - Stay With Me... and I'll Keep You Forever

Chapter 108 - Stay With Me... and I'll Keep You Forever

>Sheloah's POV<

I opened my eyes slowly at napansin ko na madilim ang paligid ko at nakahiga ako sa kama. Ang tanging ilaw ko ngayon ay ang light galing sa moon. Nakabukas ang bintana at walang curtain ang nakaharang kaya bluish black ang kalabasan ng room ngayon.

Sinubukan kong tumayo pero agad akong bumagsak sa kama dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Naalala ko. Kanina nasa CR lang ako ng kwarto namin at biglang may lumapit sa akin na hindi ko kilalang lalaki. Kinidnap ako. Urgh! Ano naman ang balak ng lalaking 'yon kaya niya 'yon ginawa? Alam na siguro nina Veon ito. Sana mahanap nila ako. Sana makatakas ako.

Bumukas yung pinto ng kwarto at napansin ko na yung kidnapper nasa harapan ko. Hindi ko alam kung kaning sword itong nasa tabi ko pero agad kong ito kinuha at tinutok sa kanya. "Layuan moa ko. Kung hindi, sasaktan kita." Sabi ko sa kanya at tumawa siya ng unti tsaka siya tumabi sa akin sa kama.

"Hindi moa ko kayang saktan sa kalagayan mong 'yan." Sabi niya sa akin at lumayo ako pero nung sinubukan ko, bumagsak ako sa sahig at agad niya akong tinulungan tumayo pero pareho kaming nakaluhod ng sahig.

"Pakawalan mo na ako." Sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"Sorry, but I can't until I get the answer to my test." Sabi naman niya sa akin at bigla akong nagtaka. Ano'ng ibig niyang sabihin? Ano'ng test 'yon?

"Kung bumalik lang ang lakas kong kumilos ng maayos, tatakas ako at—" hindi niya ako pinatapos at hinawakan niya ang sword tsaka niya ako niyakap. Ewan ko kung bakit pero biglang bumilis tibok ng puso ko. Gulat lang ito dahil sa biglaan niyang ginawa, 'di ba? Pero bakit nmabilis ang pagtibok? Dapat sandal lang ito at mawawala na agad. Pero mas bumiis tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

"Stay with me… and I will keep you forever."