Chapter 23 - Monthsary

MJ's POV

February na.. Month of Love sabi nila. Mostly buwan to ng mga may jowa o magjowa/mag-asawa. Pero kadalasan, buwan rin ito ng mga taong di naniniwala sa pag-ibig. At ang ibig sabihin nito ay isang buwang selebrasyon ng pagmamahalan dito sa university ngayon. Pero tuloy parin ang mga classes dito, walang excemption, may lovelife ka man or wala. Pero aside doon, parang may something sa araw na to na hindi ko matandaan kung ano. Or baka naprapraning lang ako.

Nasa school ako ngayon particularly nasa park. Kasama ko sina Carla at Ben. Habang busy ang dalawa sa kakachismis, tinext ko na si Louie and papunta na daw siya dito.

Habang busy ako sa kakascroll ko sa social media account ko na IG, biglang may lumapit saakin at binigyan ako ng isa rosas.

"Kanino galing to?" Tanong ko sa estudyante na I think, 2nd year ata yun. Pero imbis na sagutin niua ako, ay nginitian niya lang ako at halatang kinikilig siya.

Wala pang isang minuto ay may nag-abot na naman ng isang rosas saakin.

"Kanino ---" Pero nginitian niya lang ulit ako at umalis na. Pansin ko rin na tumahimik na yung dalawang tsismosa sa tabi ko. Malamang sino pa nga ba, si Ben at si Carla.

Napansin ko naman na may papalapit na naman saakin at may hawak-hawak tong isang pirasong rosas.

"Salamat" Tinanggap ko na lang to at hindi na ulit nagtanong. Pa'no, walang sumasagot saakin eh!

"Ang taray sister! May secret admirer ka?! Pero paano si Papa Louie mo? Ibibigay mo na ba siya saakin?" Ilusyonadang sabi ni Ben. Inirapan ko naman siya. As if!

"No thanks. Kung gusto mo sayo na lang tong kung sino mang secret admirer na to?" Napaisip naman yung bakla.

"Hmm. Pag-iisipan ko yan!" Sabi ng bakla.

"Wow bakla ah! Nakakahiya yung 'Pag-iisipan' mo pa kung bet mo o hindi! Wow!" Pambabara sakanya ni Carla. Sasagot na sana si Ben nang biglang lumaki yung mga mata niya at napatakip ng bibig.

"Oh bakla? Napano ka?!" Tanong ni carla. Nung tinignan namin kung saan siya nakatingin, or rather say, kung kanino siya nakatingin, literal na napanganga ako sa nakita ko.

' HAPPY 2nd MONTHSARY LOVE!

I LOVE YOU'

Yan yung nakasulat. Actually mga estudyante yung may hawak nung tarp tapos may litrato naming dalawa ni Louie as background nun..

Maya-maya pa'y biglang nagplay ang isang familiar na music. Binigyan naman nila ako ng mic, para saan to? Don't tell me maypa-speech na naman kami ni Louie ngayon?

Lahat na ng students sa department, nakatingin na saamin, and sa kung anong pakulo to ni Louie.

Nagulat kami nang biglang may lumabas na parang karatula na sinasabing, 'You go first' kaya sinunod ko na lang since alam ko na kung saan at ano to.

I've been living with a shadow overhead

I've been sleeping with a cloud above my bed

I've been lonely for so long

Trapped in the past, I just can't seem to move on...

Panimula ko sa kanta. Saktong-sakto saakin ah!

I've been hiding all my hopes and dreams away

Just in case I ever need em again someday

I've been setting aside time

To clear a little space in the corners of my mind

Boses niya lang ang naririnig ko. Hindi pa siya nagpapakita. Ibang klaseng trip to, Louie! Ang hilig-hilig mo talagang gumawa ng eksena!

Chorus na, at since duet to, siya ang magsesecond voice.

All I want to do is find a way back into love

I can't make it through without a way back into love

Oh oh oh

I've been watching but the stars refuse to shine

I've been searching but I just don't see the signs

I know that it's out there

There's got to be something for my soul somewhere.

Pagkatapos kong kantahin yung part nang sa babae, ay biglang umalis yung mga students sa harap namin at mga kalalakihan na nakalinya ang bumungad saamin.

"Oh my! Ayan na yung mga suitors ko! Pinipilahan na ako!" Eksaheradang sabi ni Ben.

"Shh. Tumahimik ka nga! Saakin yan nuh!" Isa pa tong si Carla.

I've been looking for someone to shed some light

Not somebody just to get me through the night

I could use some direction

And I'm open to your suggestions

Still hindi parin siya nagpapakita saakin, ang dami mong pakulo Louie!

All I want to do is find a way back into love

I can't make it through without a way back into love

And if I open my heart again

I guess I'm hoping you'll be there for me in the end

Oh, oh, oh, oh, oh

There are moments when I don't know if it's real.. -- Ako

Or if anybody feels the way I feel -- Louie

I need inspiration --Ako

Not just another negotiation -- Louie

Nagulat ulit ako nang biglang nagmarcha paharap yung mga lalaking nakapila sa harap namin, yung iba niyakap ni Ben, at yung iba naman ni Carla. Mga sira talaga!

All I want to do is find a way back into love

I can't make it through without a way back into love

At sa wakas! Nagpakita na yung may kagagawan ng lahat nang ito!

And if I open my heart to you

I'm hoping you'll show me what to do

And if you help me to start again

You know that I'll be there for you in the end

Oh oh oh oh oh

Tinitignan ko lang siya habang kumakanta kaming dalawa. Nakangiti siyang nakatingin saakin, habang ako, namamatay na ako sa kahihiyan!

"All I want to do is find a way back into love.." Sabay naming kinanta yung last part ng song. Tapos hiyawan at palakpakan ang sunod kong narinig. Nilapitan niya ako at niyakap.

"Happy 2nd Monthsary, Love. Nagustuhan mo ba yung surprise ko for you?" sabi niya. I hugged him back, at di ako nagpahalata na nakalimutan ko na monthsary namin ngayon.

"Ikaw talaga! Kahit kailan ang hilig mong gumawa ng eksena! Oo, nagustuhan ko, Happy 2nd monthsary rin." Sabi ko na lang, tinatago yung kilig.

"I love you..." Malambing na sabi niya.

"I love you rin.." Sabi ko na lang.

"Hoy lovebirds tama na yan! Respeto sa mga single please!" Natawa naman kami sa sigaw ng isang estudyante.

Nagpasalamat si Louie sa mga tumulong sakanya sa planong to.

Bago sa pakiramdam ko ang ganito, but one things' for sure..

I love him and that will never change..