Louie's POV
"Pre naman! Ayaw mo ba talagang magpa-audition para naman may dumagdag na sa banda natin?" Tanong ni Marco, kabanda ko rin pero drummer siya.
"Sinabi ko na sainyo, ayaw ko nga. Huwag makulit." Cool na sabi ko.
"Pre, hindi ka ba nauumay na puro lalaki kasama mo sa banda? I mean, hindi naman matitibag ang banda natin pag magdagdag tayo ng Female Band Vocalist or baka may iba pang rason kung bakit ayaw mo magpa-audition para sa Female Band Vocalist?" Sabi niya.
"For the nth time, ayaw ko."
"Talaga bang ayaw mo or natatakot ka lang na baka maulit yung nangyari dati kay Joy na-----" Literal na nagbago ang mood ko sa pangalang nabanggit niya.
"Ano bang di mo maintindihan sa sinabi ko? Bungol ka ba o di ka lang makaintindi na ayaw ko?!" Medyo tumaas na yung boses ko. That name. Damn!
"Oh, sorry pre! Chill ka lang!" Umalis na lang ako sa Music Studio at dumiretso na sa room kasi may presentation pala sa Mapeh 122. Tss..
Ewan ko kung bakit Chasing Cars ang napili kong kantahin dito. After kong kantahin yung song, automatic na nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng room. I didn't become a band vocalist for nothing..
"Ms. Lewis, MJ. You're next!" So thats her name uh? I heard her singing but its doesn't sound convincing and she should relax her voice first kasi masisira ang performance niya kung marami siyang iniisip. Though maganda talaga ang boses niya.
She's started to play the piano..And the whole presentation, I was like WOW! Like really WOW! I'm right! Dapat lang siyang magrelax and think as if you're telling a story to your audiences! Damang-dama ko ang pagkanta niya.
"You didn't tell me that you have a very good voice Ms. Lewis! You can be in a band! You can be in Mr. Mendez' Band!" Prof. Magbanua said.
Napaisip naman ako, pwede..Pwedeng-pwede siya. With her soulful voice, tiyak pasadong-pasado to. Tinignan naman niya ako, seryosong tiningnan ko naman siya. Pumayag ka, pumayag ka na--
"Thanks for the compliment Prof. but I don't see myself in a band. " She said humbly. Seriously?! Ang daming babaeng nagkakandarapang maging parte ng banda ko tapos aayawan niya lang? May iba talaga sa babaeng to eh!
Pagkatapos ay umalis na yung Prof. Nakita ko siyang tumayo na at mukhang aalis na.
Hmm. I need to do something na mapapapayag siyang maging parte ng banda ko.
Nakita ko namang nakatingin sakin yung kaibigan niya. Carla ata pangalan nito? Nilapitan niya naman ako at ngumiti. Oh? May gusto ba to saakin?
"Excuse me, hindi kita type noh!. Nilapitan kita kasi parang interesado kang mapasali yung kaibigan ko na si MJ sa banda mo." Oh, yun naman pala eh.
"And?" I said.
"Pero mukhang mahirap na kumbinsihin yung babaeng yun na mapasali sa banda mo. I can offer a help pero dapat gumawa ka rin ng plano para mapasali mo yun. Sige yun lang." Sabi niya at umalis na. Hmm, a plan uh?
Since wala naman na tao sa loob ng room at kesa magpakalonely ako ditong magisa, ay tumayo na ako at umalis na. Habang naglalakad ako sa corridor ng building, napansin ko ang isang poster.
"'Be one of our Female Band Vocalist! We are requiring all the 4th year female students to audition!'uh?" Tama! Ito nga ang gagawin ko! Kukumbisihin ko si Prof. Magbanua na tulungan ako sa plano kong to!
Dali-dali akong pumunta sa Faculty office niya. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Oh, Mr. Mendez? What brings you here?" Tanong niya.
"Pumunta po ako dito para sanang humingi ng tulong." Panimula ko.
"For what?"
"I'm planning to recruit a female vocalist sa banda ko po pero ang gusto ko po sana ay si MJ."
"But she refuses to. What are you going to do?"
"I'm planning to require all the 4th year Female students to audition dito po sa university. If that's okay with you, Prof." Please say yes. Please say yes.
"Hmm. That sounds desperate pero in a nice way naman. So yes. Ako nang bahala dyan. Tomorrow, I will announce it during my classes." Yes!
"Thank you so much, Prof!" Sabi ko na lang at nagpaalam na sakanya.
Dali-dali kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Marco.
"We will accept auditions. All the 4th year female students lang. " Hindi pa man siya nakakapaghello, binabaan ko na agad.
Ang hahanapin ko na lang ngayon ay si Carla. Since siya lang ang makakatulong sakin na makumbinsi si MJ na mag-audition!
"Carla!" Sigaw ko kay Carla nung nakita ko siya na naglalakad papuntang cafeteria.
"Eksaherada ka masyado! Makasigaw wagas! Oh Problema mo?" Bat masungit to ngayon?
"Bat ang sungit mo ata ngayon?" Tanong ko sakanya, inirapan niya naman ako.
"Ano bang kailangan mo saakin?"
"May naisip na akong plano para makumbinsi si MJ na magaudition!"
"Oh ano naman yun?"
"Heto ang plano..." Sinabi ko na sakanya ang tungkol sa plano ko, ngumiti naman siya at mukhang sumang-ayon naman sa plano ko.
"Ako nang bahala dyan" Sabi niya at umalis na.
I can't wait na maging parte ka ng banda ko MJ.
It's YOU or no one.