"Hindi mo ako mahal. Nalilito ka lang sa tuwa at pagmamahal. Masaya kang kasama ako wala ako sa loob ng puso mo. Niloloko mo lang ang sarili mo"
Napapikit ako sa inis at pati na rin sa lungkot. Bakit ba pinagpipilitan niyang hindi ko siya gusto?! Ako ang nakakaramdam nito hindi siya.
"Hindi makinig ka sa akin please. alam ko ang nararamdaman ko mak---
"Hindi, sorry pero hanggang diyan ka lang. Wag kang lalapit sa akin at lalong wag ka ng magsalita. I've had enough"
Nilampasan niya ako at iniwang tulala pero agad ko rin siyang hinabol at hinila ang braso niya. Ang sama ng tingin niya sa akin at parang maya maya lang ay dadapo na ang palad niya sa pisngi ko.
"Bakit ba ang kulit mo."
"Mahal kita Laurah" Hindi ko na napigilang sambitin ang mga katagang iyon pero hindi man lang siya natinag. Parang wala lang sakanya.
Inalis niya ang pagkakahawak ko sakanya saka malalim na bumuntong hininga. Parang nawawalan na siya ng pasensya.
"Sorry pero wag ako please. Hindi ka mahirap mahalin pero ayokong pilitin ang sarili ko na mahalin ka. Ayokong napipilitan lang."
"Laurah! So ano yung mga nangyari sa atin? Yung mga trat--"
"Hindi kita mahal, kaya alisin mo na ako sa buhay mo."
Nanlamig ang katawan ko saka pinagmasdan nalang siyang maglakad papalayo sa akin. Naninikip ang dibdib ko pero walang tumulong luha sa mga mata ko.
Laurah.
Napaluhod ako sa malamig na sahig at pinanuod siyang maglaho sa harapan ko.
Wala kang ideya kung gaano kita namiss.
Sa lahat ng normal ikaw ang weirdo ang pinili ko
I crave for your scent, laughter, your weird look, weird pet peeves. I miss the entirety of your being. Pero kailangan kong tiisin ang pag-iisa ko.
I wish to survive without you. I know these nights are gonna be even longer and colder. My days will stretch but don't mind me.
I will miss you , but this is not goodbye.
Hahanapin kita at papatunayan ko sa iyong mahal kita.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.