CL //
"No!!! Bitawan niyo ako!!!"
"Hoy bingi ka ba?! Sinabing bitawan niyo ako!! Ang babaho niyo!!"
"I'm sorry miss pero sinusunod lang namin ang utos ng nakatataas"
Waaaahhh!!! Kidnap to diba?! Pwede ko naman sigurong kasuhan ang may gawa nito kahit na kilala ko naman kung sino iyon. "Hoy naghugas ka ba ng kamay bago mo ako hawakan ha?! Hoy! I'm talking to you! Look at me when I'm talking! "
Halos pumutok na ang ugat ko sa leeg sa kasisigaw dito sa dalawang tauhan ni Daddy na ngayon ay bitbit ako. Actually sa magkabilang braso. Shitness to the highest level. Yung moment na nagtotoothbrush lang ako tapos biglang may sumugod sa apartment ko tapos hinila ako na parang isa akong sindikato. Tang ina may bula pa nga ng toothpaste sa gilid ng bibig ko. Hindi ko na nalinis dahil atat ang mga to.
Kinaladkad nila at sinakay nila ako sa isang puting van tapos dinala sa isang mala white house na bahay. Ang pinagkaiba lang itim itong bahay. Tch! Emo! Kailan ba ako huling nakatapak dito?! Hindi ko na maalala sa sobrang tagal ng lumipas na panahon.
Kinaladkad pa nila ako hanggang sa makarating kami sa isang library tapos tinapon lang ako doon na parang manika. Nang iwan nila ako ay sinara na nila ang pinto. Napalingon ako sa paligid and then I saw him. Napabuga ako ng marahas na hininga saka ipinunas sa t-shirt ko ung natuyong bula. Nyeta nalalasan ko pa yung colgate.
"Take a seat CL" Seryoso nitong utos sa akin. Nakasandal siya sa kanyang upuan at diretso ang tingin sa akin. Pero imbes na umupo ay tumayo ako, pinagpagan ang damit ko saka hinarap siya. May sugat na ako sa tuhod kainis naman.
"Anong kailangan mo sa akin?" Nakakrus ang mga braso kong tanong ng mapahikab ako.
"Pumayat ka, and look at you. Nangingitim ang ilalim ng mata mo. Nakakatulog ka pa ba ng maayos? And what happened to your knee?" May bakas ng pag aalala ang tanong niya pero inirapan ko lang siya. "Paki mo ba? Itong sa tuhod ko gawa to nang tauhan mo! Nauntog to sa hagdan ng apartment ko!" Singhal ko. Nabibwisit talaga ako sa nangyari kanina. Ang sakit pa ng tuhod ko kasi nauntog sa pataas na hagdan pero pinabayaan lang nila ako.
"Listen CL, I'm doing you a favor here. Enough with the chase. Nalaman kong hindi ka na nag-aaral. Ang buong akala ko tumuloy ka na sa Senior high pero all this time nakatago ka lang ng halos isang buong taon sa bahay na iyon?!" Napahilot siya sa sentido niya saka umayos ng pagkakaupo sa swivel chair niya. Puno ng mga papel ang lamesa niya at may tore ang mga papeles na nakapatong sa lamesa niya.
"So? Eh sa ayoko ng mag-aral. Anong magagawa mo? Bukod doon tinatamad na rin ako mag aral kaya wa----
"Bakit ka tumira doon? Diba sabi ko dito ka lang?" Mahina niyang sambit pero ramdam ko galit siya. Hindi man lang niya pinansin ang sinasabi ko.
"I'll stay here if you remove that mistress of yours!"
"Ohh CL you know I cant do that"
"Then I'm out of here easy as that" Pagsuko ko. Gumalaw ang panga ni Daddy at sumama ang timpla ng mukha niya.
"She's not my mistress! She's your step mother!"
"Then I'm leaving" Sabat ko saka ko hinakbang ang aking mga paa para sana lumayas sa lugar ni Daddy ng may pumasok na namang mga goons niya at hinawakan ako sa magkabilang braso. Ang hapdi na ng braso ko sa ginagawa nila.
"Hindi ba parang ang oa nito? Magkabilang braso talaga? Really? Ganun ba ako kalakas para kailangan dalawang malalaking tauhan mo ang magbantay sa akin?" Sarkastiko kong tanong saka siya nginisian
" I know you can escape from them ka---
"Enough chitchat dad. What do you want at kailangan mo pa akong ipakaladkad sa mga tauhan mo? Kung pwede namang pumunta ka nalang sa apartment at sabihin ang pakay mo" Walang respeto kung sumbat saka wala sa mood siyang tinitigan sa mata.
Tumayo siya sa kinauupuan niya tapos may kinuhang dyaryo na nakapatong sa center table niya. Ibinuklat niya ito at iniharap sa akin.
"Nakikita mo yan? You're such a disgrace!"
Napalunok ako. Paano niya nalaman yan? Lampas isang taon na ang insidenteng iyon pero bakit ngayon lang niya nalaman? Para lalo lang tuloy akong nainis. Bakit kailangan pa niyang ipakita sa akin yan?
"So anong gagawin ko? Ha? Mababago ba lahat ng nangyari kapag pinakita mo sa akin yan?!" Tapang tapangan kong tanong ng niroll niya yung diyaryo saka ito ihinampas sa mga ulo ng dalawang goons niya kaya nabitawan ako. Hindi na naman niya pinansin ang sinasabi ko. Bingi ka na pala ngayon daddy.
"Ang sabi ko bring my daughter safe and unwounded! Kung pwede niyong ipwersa gawin niyo pero hindi ko sinabing kaladkarin niyo na. Nasugatan niyo siya alam niyo ba yon?!" Dumagundong sa buong silid ang boses niya. Hindi naman nakaimik ang mga tauhan ni Daddy hanggang sa pinaalis niya na rin ito. Shit! Kailangan kong hilutin ang braso ko mamaya.
"Listen, I'm doing this for your own good. Kung ayaw mong tumira dito its fine with me. Pero mag aaral ka" Sambit niya saka niya ako tinalikuran. Ha! Seryoso siya? Tinatamad nga ako diba?
"I said hind---
"Wag ka ng sumagot pa! Sundin mo nalang ako! Matanda na ako CL! Sundin mo ang utos ko! Mag aaral ka! Simula ng binarkada mo ang mga taong yun natuto ka ng sumagot sagot sa akin! Bukas na bukas rin at pupunta ka ng VM academy! Doon ka mag aaral at hindi ka makakaalis doon! Naintind--
"Ayoko!"
"CL! naintindihan mo?!" Sinigawan niya ako. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko ng hinarap niya ako saka sinigawan. Akala ko lalabas na ang kaluluwa ko sa katawan ko.
"Tch fine!" Pagsuko ko. Ayaw ko ng makipaglaban pa.
"But dont you dare disturb me anymore! Sana tinakwil mo nalang ako!" Mangiyak ngiyak kong tugon. Pero pilit kong pinipigilang tumulo ang pesteng luha na ito. Hahawakan na sana ni Daddy ang balikat ko ng tinabig ko ang kamay niya. Masama ang tingin ko sakanya pero ang kanyang mga mata ay walang emosyon. Blangko na ngayon ang mga titig niya.
"Hindi mo nalang sana ako kinuha pa. I'm happy without you, why didn't you just enjoyed your life with your new family" Malamig kong sagot saka ko siya iniwan at binuksan ang pinto ng office. Pero bago ako tuluyang makalabas ng office ay tumigil ako saka siya nilingon.
"Don't worry I'll come back at hindi ako tatakas. I don't break promises. Unlike you." Matalim ang tingin ko sakanya. Nagtitigan lang kami at walang umimik ng isara ko na ang pinto. Hindi ko siya kayang titigan ng matagal, kasi baka tumulo na ang mga luha ko.
Atsaka bastos na kung bastos pero hindi ko talaga kayang pigilan na hindi siya sagutin. Hindi niya kilala ang mga taong nakasama noong panahong mas pinili niya ang kabit niya na asawa na niya pala ngayon. Ang bilis nga naman talaga ng panahon. Bumalik ako ng apartment pero may mga kasama na naman akong goons. Akala naman nila tatakas ako.
Kung sabagay, ano nga namang babalikan ko dito sa apartment kung iniwan na ako ng mga kasama ko dito dahil sakanya. Kinuha ko lang ang ilan sa mga importanteng bagay na nandito tulad na lamang ng mga letrato at cellphone. Iniwan ko na ang mga damit ko dito total hindi ko na sila kakailanganin. Sa huling pagkakataon nilibot ko ang paningin sa buong lugar.
Napailing ako saka malungkot na bumuntong hininga. Siguro nga kailangan ko ng mag move on. Binuhat ko ang maliit na box na naglalaman ng mga importanteng gamit saka bumalik na rin ako sa Mansion. Nang maiparada ang sasakyan sa labas ng bahay ay nakita ko si Camila, ang step mother ko kasama ang anak niyang si Elaine. Nasa labas sila ng gate at mukhang papasok rin. Aba! Bihis na bihis ang mag ina ah. Saan kaya galing ang dalawang to?
At mukhang ang buong katawan nila eh nagmumurang libo. Ang layo sa mga itsura nila dati. Gaano karaming pera na kaya ang nahuthot nila kay Daddy? Hindi ko na sana sila papansinin at dadaan na lang sana sa backdoor na ako lang nakakaalam ng mapalingon si Elaine at nakita ko. Tang ina!
Bakit nga ba ako nagtatago?
"Yo CL?! Omg ikaw nga! Akala ko patay kana halika nga dito!" Tumili si Ellaine. Nakakairita ang talaga boses niya. Napapikit ako ng mata habang unti unting minumura ang sarili ko. Ano bang naisip ko at bumaba agad ako ng sasakyan?!
"Ma! Si CL OH!" Aba at nagtawag pa. Ang lakas ng boses mo alam mo yun?!
"Oh my God! It really is you. Tiyak matutuwa si Sebastian kapag nalaman niyang bumalik ka na" Ngingiti ngiting tugon ni Camila. Tch plastik mo.
"Hala namayat ka! Omg! Haha sabi ko kasi sayo wag kang lumayas ayan tuloy nangyari sayo. Mukha ka ng pulubi. Wala ka na bang pera kaya ka bumalik dito?" Puna ni Elaine saka siya mahinang tumawa na sinamahan rin ng ina niyang malandi.
I remained silent. Wala ako sa mood patulan silang dalawa.
"Actually hindi ako bumalik dito. Pi---
"Oh so pinakidnap ka na naman ng Daddy mo? Sabi ko na sakanya hayaan ka nalang umuwi dito eh. Malaki ka na kay---
Hindi ko na siya pinakinggan pa at mabilis na pumasok sa loob. Sinadya ko ring banggain ang balikat ni Elaine kaya muntik na siyang matumba. Inaantok na ako at pagod pa. Wag na silang dumagdag pa kasi baka mauntog ko lang sila sa bakal na gate. Kaso hindi pa ako gaanong nakakalayo ng marinig ko ang bulungan nila.
"Kaya yan bumalik kasi iniwan na siya ng mga mukhang pera niyang kaibigan"
Napatigil ako sa paglalakad. "Akala niya ata totoo ang mga tao sa paligid niya. Hindi niya alam ginamit lang siya para magkapera sila, pero ang bilis ng karma sakanila. Nawala ang isa sakanila haha!"
" haha omg! lalo na yung babae? grabe nakakatawa yung itsura niya! wala silang pinagkaiba ng kuya at ate niya. Kaso sad to say wala na sila"
"And tignan mo yung damit niya oh. Kung hindi ko yan kilala hindi ko aakalaing anak yan ni Sebastian. Manang mana sa ina niya"
"Ahahahahahahahahhahahaha!" Saka sila nagtawanan ng pagkalakas lakas na parang sinasadya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpipigil ng inis pero mukhang pagdating sakanila mabilis talaga akong mainis.
Natigilan ang dalawa ng lumapit ako sa isa mga guards at inabot sakanya ang bitbit kong box. Kinuha ko rin ang baril niya saka ito kinasa tapos itinutok sakanila na akala mo nagtatraining lang ako. Bigla silang nataranta dalawa at namilog ang mapagkutya nilang mga mata. Hindi alam kung saan pupunta.
Mabuti nalang at hindi kumibo ang mga goons. Nakatayo lang sila pinapanuod kami. There that's it. Now let me show the two of you whose really the boss.
"Hey! Babarilin niya kami! Wala ba kayong gaga---*bang! Ahhhhh!!!!" Napasigaw sa takot ang dalawa ng paputukin ko ang baril.
"Baliw ka CL! Paano kapag natamaan kami ni mama ha?!"
Gusto kong matawa. Para silang tanga. Pinaputok ko lang naman ang baril pero hindi sakanila tumama. Doon sa ibon sa itaas ng kable ng kuryente.
"Edi pag natamaan ka patay ka or pwede namang sugatan lang at naghihingalo diyan sa tabi. Tsaka hindi ko akalaing magaling pa pala ako maghawak nito?" Bored kong sagot saka ko inangat ang baril tapos ibinalik sa guwardya.
Kinuha ko ang box at maglalakad na sana ng matigilan ako ng makasalubong ko si Daddy. Ang sama ng tingin niya sa akin at para niya akong kakainin.
"Bakit mo ginawa yun?" Seryoso niyang tanong. Ang malaki niyang boses ay dumagundong sa pandinig ko.
"I was just training. Malay ko bang takot si----
"Mali ang ginawa mo! Hindi kita pinalaking ganyan CL! Nag iba na nga talaga ang ugali mo!" Singhal niya. Manliliit ka ngang talaga sa sermon niya. Hihilingin mong lumubog ka nalang sa ilalim ng lupa.
"Dad!"
"You could have killed them alam mo ba yun?!" Sinigawan niya ako. Galit na galit talaga siya. Gustong umiyak ng damdamin ko pero bakit walang lumalabas na luha. Nauunahan ito ng inis.
Siguro dahil nasanay na akong inuuna niya ang bago niyang pamilya. Kung sabagay dahil simula ng iniwan kami ni Mommy para niya na rin akong iniwan.
"Hindi naman sila namatay. Masamang damo ang mga y----
"Enough! Go to your room and pack your stuffs! I don't want to see your face! You disgust me!" Puno ng galit ang tono ng boses niya. I was taken aback. Mas masakit pala talaga kapag sinasabihan ka ng masasakit na salita sa harap pa ng maraming tao. Biglang nang-init ang pisngi ko.
"Bakit mo pa ako pinabalik dito kung ganun?! Ha?! Para ipahiya sakanila? Ano ba talagang problema mo sa akin ha?! "
"Honey she's just a child! Nagkamali siya. Pabayaan mo nalang muna siya. Tsaka kakarating lang niya. Hindi mo ba namiss si CL?" Nilapitan siya ni Camila saka nilingkis ang braso niya kay Daddy. Malumanay ang tono ng boses niya at parang nagpapaawa. Tch my God! I can't take anymore of this shit. Ito namang si Daddy nagpadala naman sa kalandian niya o sa kung ano mang pagpapanggap niya.
My God! Ganyan ba ang nagagawa ng pag ibig?! Masyado ka bang desperadang palitan si Mommy pa at yan pa ang napili mo?
"Oo nga papa. Alam kong hindi iyon sinasadya ni CL. Galit lang siya and besides kakarating lang niya. Naninibago lang siya"
Dumagdag pa ang isa. Mga plastik. Grabe plastikan goals! Hanep! Paano kayo nakakatulog sa gabi sa mga ganyang ugali niyo?
"CL , apologize to them right now" Ani Daddy na diretsong nakatingin sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Napailing ako saka ako napatingin sa dalawang bitch. Nakangiti sila sa akin pero maya maya pinandidilatan na nila ako ng mata na sinasabing sundin ko ang sinabi ni Daddy.
Edi lumapit ako sakanila. Nilunok ko na lahat ng pwede kong malunok. Hinarap ko si Camila na katabi si Daddtly at pati narin si Ellaine na nasa gilid lang, ngingisi ngisi. Pilit akong ngumiti saka nag bow. Labag na labag sa kalooban ko to.
"Sorry" Labag sa loob kong tugon. Pero iniisip ko nalang na sasabihin ko iyon pero mabilis itong kakalimutan.
"Ohhh ok lang yun anak. Halika na pumasok ka na sa loob" Napairap ako sa kaplastikan ng babaeng to. Ano daw sabi niya? Anak?! Wow!! I think she never called me that! I'm like Cinderella when I'm inside this house that looks like hell.
Hindi nga nila ako pinahihirapan pero ang trato nila sa akin ay daig pa ang alila. Galing mong magpanggap. Ito namang ama ko dakilang uto uto, nabulag ng pag-ibig kaya ang nakuha demonyo.
Ngayon andito na ako sa kwarto ko. Walang nagbago. Nakalock ito ng dumating ako kaya hiningi ko pa ang susi kay Marcus na sinadya kong itago niya.
Alam kong dakilang pakialamera si Camila kaya pinasara ko ito. Hindi naman siya gaanong maalikabok. Pero marumi na sa sahig at may kaunting sapot sa mga gilid gilid ng kwarto. Mahigit dalawang taon rin akong hindi pumunta dito. Mapait akong napangiti. Bukas na bukas ay sa academy na ako mag aaral at titira. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero bahala na. Magpapatangay nalang ako sa agos ng buhay. Atsaka mas gusto ko pa iyon kaysa dito sa bahay na to. Puno ng mga animal at inggitera.
Maya maya nakarinig ako ng katok. Agad ko itong binuksan at bumungad sa akin si Marcus. May dalang tray ng pagkain. Nginitian niya ako pagka angat niya ng tray.
"Ilapag mo nalang diyan sa study table tapos pwede ka ng umalis" Sambit ko saka nagpatuloy sa pag aayos ng gamit. Madaling araw ako aalis at hindi na ako magpapaalam pa.
Para saan? Wala naman siyang pakialam.
Maya maya nakarinig ako ng pagsara ng pinto at ng akala ko wala na si Marcus ng may kumuha ng polo ko sa cabinet pagkatapos ay tinupi ito at isinilid sa maleta.
"Mamimiss na naman kita" Malungkot niyang tugon. Malamlam ang kanyang mga mata at ramdam kong malungkot talaga siya. Tipid naman akong napangiti. Tumulong na rin siya sa pag aayos ng gamit ko.
"Dapat nasanay ka ng wala ako dito eh. Matagal rin akong nawala dito hindi ka pa ba nakakamove on?" Tanong ko habang isa isang tinutupi ang mga damit ko. Simula ng lumayas ako dito natuto na akong magtupi ng damit.
Nakakahiya man pero sila pa ang nagturo sa akin magtupi. Masyado ata kasi akong naispoil na maski pagtupi hindi ko alam hehe. Teka pang ilang maleta ko na ba to?
"Lagi kang hinahanap ng kambal dito. Tapos kapag hindi ka nila nakita lalayas na naman sila, as usual parang ikaw yung dalawa. Laging inaaway si Camila" Malungkot niyang kwento ng pitikin ko ang noo niya. Sinamaan niya ako ng tingin at hinaplos ang noo niya.
"Naku bayaan mo sila. May buhay na ang mga yon tsaka I never existed in this household anyway. Its better this way" Nakita kong may tumakas na luha sa mata ni Marcus at dali dali naman niya itong pinunasan. Kwarenta na siya at mula pagkabata ko noong meron pa si Mommy siya na ang kasama ko. Lets just say mas naging ama pa siya kaysa kay Daddy. Ang pinagkaiba nga lang..
"Aish nakakaloka ka! Akala ko talaga babarilin mo na yung dalawang witch na yun!" Tumili ang bakla at mahina akong hinampas sa ulo. Ginulo niya ang buhok ko pero inayos niya rin.
Bakla siya haha.
"Duh! Baka ako pa barilin ni Daddy kapag ginawa ko yon. Baka nakakalimot ka bakla. Gustuhin ko mang patayin ang dalawang iyon hindi pwede. Ayokong makulong" Natatawang inikutan ko siya ng mata. Natawa rin siya saka hinawakan ako sa kaliwang pisngi.
"Dont worry miss babantayan ko si Master Sebastian. Ako bahala sakanya habang wala ka pa, At suggestion lang, wala ka pa namang sa legal age pwede mo pa silang mapatay ahaha" Aniya sabay tawa. Ginantihan ko rin siya ng isang tawa. Kahit kailan talaga ang pag iisip nito.
"Kumakain sila sa baba dapat nak----
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bayaan mo sila. Mabulunan sana sila para matuluyan na talaga" And by that natawa na naman ako pero nawala rin ang ngiti ko.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Gustuhin ko mang tumakas pero wala na rin akong pera. Baka mapalayas din ako sa apartment kapag bumalik ako. Mukhang wala talaga akong magagawa sa ngayon. Ayoko namang humingi ng pera kay Daddy at baka isumbat pa niya sa akin.
Hay. What would happen to me now? Alas tres ng madaling araw ay nasa garahe na ako.
Tinulungan ako ni Marcus na ilagay sa sasakyan ang mga maletang dadalhin ko. Siya rin pala ang driver ko ngayon dahil wala pa naman akong driver's license. Tulog lahat ng mga tao sa bahay kaya mas maganda nato. It's better leaving this hell without seeing his face. He really makes my heart ache.
Ma, wala na ang lalaking nagustuhan mo. Wala na rin ang lalaking una kong minahal at hinahangaan.
Nang umandar ang sasakyan ay napasulyap ako sa aming bahay only to find out Daddy is looking at me, nasa veranda siya at nasa likod ang mga kamay.
He didn't smile at me. His plain bored look in his face is the last thing I'm seeing right now.
Then suddenly he bowed his head and waved his hand at me. Lihim akong napangiti.
That's good enough for me. At least he waved goodbye.