Chapter 3 - I

Unedited

" You and me got a whole lot of history... We could be the greatest team that the world has ever seen..." mahinang paghum ko habang nag-aayos ng sarili.

Sinigurado kong maayos ang porma ko ngayon dahil sa wakas ay makikita ko na sila. Lumabas ako ng kwarto at dali dali kong kinuha ang susi ng kotse ko.

Time check, 6:30 pm.

Di pa naman kami late. Ten pa naman start ng concert ng Wild in Wilderness. Halos paliparin ko na ang kotse ko dahil siguradong nagagalit na ang dalawa kong kaibigan.

At hindi ako nagkakamali. Nakikita ko silang nakaupo sa isang table malapit sa bintana sa pambansang fast food chain ng mga nagb-break.

Jollibee.

Binusinahan ko sila at kaagad naman nilang nakuha ang senyas ko at nagmamadaling lumabas. Pumasok agad sila sa loob ng kotse ko.

"Tagal mo naman ata, babaita!" Palokong na bungad sa akin ng kaibigan kong si Chi Hye.

"Kanina pa kami nandito, sis. Three pa lang ng hapon." Pairap na sabi ni Jayne. Agad kong dinepensahan ang sarili ko.

"Attitude ka, sis? Diba sinabi ko naman na before seven. Tsaka adik ba kayo? Sinong matinong tao ang mag-aayos ng alas tres ng hapon eh alas-dyis ang concert? Ano yun? Excited lang, excited. Masyadong advance mag-isip---"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang buksan na ni Chi Hye ang radyo ng sasakyan ko. Kaagad na tumugtog ang paborito kong cover ng "Drag Me Down by One Direction" ng favorite band ko.

Napailing na lang ako at pinaandar ang sasakyan.

"I've got fire for a heart... I'm not scared of the dark... You've never seen it look so easy... I got a river for a soul... And baby, you're a boat... Baby, you're my only reason..."

Raw and powerful.

Napapikit ako dahil sobrang ganda talaga ng boses ng love ko. Well, ang love ko lang naman ay ang vocalist ng banda, Timothy Duke Alvarez. Sobrang husky at swabe ng boses niya. Yung tipong may plemang nakasabit sa lalamunan niya pero mas nakakadagdag ng appel tsaka uniqueness sa boses niya. Gets?

"If I didn't have you, there would be nothing left... The shell of a man that could never be his best... If I didn't have you, I'd never see the sun... You taught me how to be someone, yeah..."

Sweet yet husky.

Iyan ang boses ni Clyde Benedict Subiru, guitarist ng banda. Siya ang may pinakamasarap pakinggan na boses. Kumbaga parang makakatulog ka? Sobrang inihehele ka niya sa sobrang linis ng boses niya. May times na gumagaralgal siya pero parang mas nakakadagdag din iyon ng appeal.

"All my life... You stood by me... When no one else was ever behind me... All these lights... They can't blind me... With your love, nobody can drag me down..."

Cold but smooth.

Sobrang lamig talaga ng boses ni Yohan Karl Mercado. Drummer ito ng banda pero sobrang galing din kumanta. Kahit konti lang lines niya, tumatatak pa rin sa utak namin ang boses nito dahil sa walang kaparehong lamig ng boses nito.

"Kyahh!"

Nagulat ako dahil sa tili ni Chi Hye. Lumingon ako sa kanya at naipailing.

"Siya na susunod." Kinikilig nitong sambit. Tinutukoy nito ang paborito niyang myembro.

Cute yet mature.

Last but not the least, the pianist of the band, Rix Angelo Choi. Siya ang pinakabata at pinakacheerful sa kanila. Ang boses niya ay sobrang playful pero may hint of matureness.

"All my life... You stood by me... When no one else was ever behind me... All these lights... They can't blind me... With your love... nobody can drag me down..."

"Nobody can drag me down!" Sabay naming pagkanta na halos para kaming nasisiraan ng bait. Ang dalawang gaga ay nagheheadbang na parang baliw. Gusto ko man makisama pero baka mabangga pa kami.

Sino nga ba ang mga lalaking binanggit ko?

Wild in Wilderness, binubuo ng apat na makikisig ngunit puno ng talento na mga kalalakihan. Nagpapakilig sa mga babae at binabae.

Silang apat ay may kanya-kanyang style sa music pero mas nakakaganda ito sa kanilang banda pag pinagsama-sama. Magkakasama sila simula pagkabata at bumuo ng banda pagtanda.

Hindi lang sila kilala dahil sa kanilang mga banda kundi pati na rin sa kanilang mga kompanya at trabaho. Maimpluwensiya sila sa bansa. Kung ano ang mga trabaho nila? Wala na akong pakialam sa iba basta alam ko sa love ko.

Lahat sila ay sumabak sa matinding paghihirap upang patunayan ang kanilang mga sarili. Not just that they only have the good looks and money but also talent.

Saksi ako sa mga mapanghusga at malamig na pakikitungo sa kanila ng mga nakikinig sa unang taon nila. Sinusuportahan ko sila kahit sa panahon na iyon.

Palagi akong nagpapadala ng mga regalo sa kanila na sana ay natatanggap nila at nakakadag-dag sa kanila ng motivation. Pero unti-unti, tinanggap sila ng madla at sumikat ang banda nila sa buong bansa, maging sa buong mundo. Matapos noon, tinigilam ko na ang pagbibigay ko ng mga regalo.

Masaya ako noong una dahil unti-unti silang nakilala pero kaagad na nawala iyon nang maging mailap na sila sa media dahil sa isang insidente. Nakipagbreak ang gf ni Duke sa kanya dahil sa sobrang daming death threats na pinapadala sa kanya.

Nakasaad dito na hindi sila bagay ni Duke, mang-aagaw, pangit, malandi at marami pang iba. Ang pinakamalala? Mamatay ka na.

Sobrang lumayo ang loob ni Duke sa mga fans niya. Isang araw ininterview siya sa show ni Alessandro Jock, isang sikat na American host sa America. Tandang tanda ko ang naging sagot niya sa tanong na ito:

"What can you say about the fame since you already have it after the huge success of your band?"

"Fame is something that can benefit and harm you. You can be recognized around the world but your actions are limited because of the eyes watching you. Fame can build you but can also destroy you. Once you are at the top, many people are trying to pull you down even harming someone close to you. I realized that the consequence of being famous is your privacy."

Nakakalungkot pero wala akong magawa para sa kanya. Alam kong mahirap sa kaniya ang nangyari dahil long-time girlfriend niya ito kahit hindi pa siya miyembro ng Wild in Wilderness.