Chapter 6 - IV

IV

Unedited

Kinakabahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa tumambad sa amin. Isa itong maliit, may buntot at mabalahibo.

Isang cute na tuta!

"Wahhh! Ang cute naman niya!" Tili ni Jayne. Ang tuta ay nakatingin lang sa amin at ang ulo nito ay nakatilt na parang nagiisip.

Tumingin ako sa paligid kung may taong nag-iwan dito or naghahanap kung sakaling nawawala ito sa may-ari.

"Sis! May letter sa collar niya o!" Pangko-pangko na ni Jayne ang tuta. Samantalang nakalayo sa amin si Chi Hye, takot kasi sa aso. Baka raw siya kagatin.

Pinakita niya ang leeg nito at nakita ko ngang may nakaipit na pamilyar na papel sa collar ng tuta. Katulad ng papel na kasama sa mga pinapadalang bulaklak sa akin!

"Mas mabuti sigurong pumasok muna tayo, hano? Mukha tayong ewan na nakatayo dito sa may pintuan," paalala ni Chi Hye sa amin.

"Sungit naman, Chichi!" Biro ko sa kanya. Nanlaki mata niya at iniwas ang paningin sa amin.

Muli kong inilibot ang paningin sa paligid sa huling pagkakataon bago pumasok. Naabutan kong nakaupo ulit si Jayne at Chi Hye sa dating pwesto. Mahigpit ang hawak ko sa sulat.

"Basahin mo na," nguso ni Jayne sa sulat. Binuklat ko ang sulat at binasa ang nilalaman.

-----------------------

Just a special gift for you, darling. Please take care of our first child. I want you to follow what I am going to do. Go to the nearest mall and go at a certain puppy shop. You can pick whatever you think he will need. Just say my name, TDA, at the cashier and it will be charged at my account. See you sooner. #24

-TDA

-----------------------------------

"Ano sis? Bigyan mo na ng pangalan si liit." Yakap-yakap ni Jayne si Ruru. Oo, Ruru ang ipapangalan ko sa kanya. First name ko is Maria, Maria Ysabelle Tecson, kinuha ko yung R. Tapos U ay nanggaling sa Duke, feeling ko kasi siya ang nagpapadala ng mga bulaklak at si Ruru sa akin.

"Ruru. Ruru ang pangalan niya," nakangiti kong pinagmamasdan si Ruru. Inilahad ko ang aking mga kamay sa kanya na parang bubuhatin siya at sumama naman siya sa akin.

"Wag mo akong dilaan, Ruru!" Natatawa kong saway dito dahil saktong pagyakap ko sa kanya ay dinilaan na niya ang mukha ko.

Naalala ko tuloy ang naiwan kong dalawang aso sa Bulacan. Kamusta na kaya sina Pipi at Gigi? Kaya pangalan nila ay Pipi at Gigi, galing iyon sa PG. PG, as in, Patay Gutom. Napakalakas kumain nilang dalawa. Pareho rin silang aspin. Para sa akin, mas okay mag-alaga ng aspin kasi low maintenance sila tsaka sobrang lambing. Malakas din sila at sensitive.

Marami na ring pinagdaanan ang magkapatid na iyon. Naunang nagkasakit si Gigi, ayaw niyang kumain. Buti at napapainom ko siya ng gatas o di kaya ay tubig na may asukal, mahirap pero natiyaga ko. Binubuksan ko ang gilid ng bibig niya tapos sa awang sa pinakadulong ngipin niya ko siya pinapainom gamit ang syringe.

Tumagal ito ng tatlong araw at sa awa ng Diyos, ni minsan ay hindi ako nito kinagat. Kinabukasan, si Pipi naman ang nagkasakit. Nangyari ito matapos may makapasok na mga aso sa bakuran namin, isang gabi. Isang linggo siyang nagtatago mula sa amin, nanginginig at bahag ang buntot.

Naiiyak ako habang iniisip ang mga panahon na iyon. Akala ko hindi na siya gagaling pa dahil natrauma siya. Konting tubig lang ang iniinom niya sa isang araw dahil ayaw niyang tanggapin ang pinapainom ko na gatas. Nang isang araw, nakipaglaro na ulit siya sa amin at bumalik sa dati.

"Matutuwa panigurado sina Pipi at Gigi. Mayroon na naman silang bagong kalaro." Ani Jayne. Ngumiti ako sa kanya. "Sana nga."

Kasalukuyan kaming namimili ni Ruru sa isang pet shop sa mall na malapit sa dorm. Umalis na sina Jayne at Chi Hye kasi may mga trabaho pa sila. Bibili lang ako ng mga kailangan ni Ruru katulad ng pet bowls, leash, collar, dog food and treats. Pumila agad ako matapos bilhin lahat ng kailangan ko.

Halos mapamura ako sa naging total. Kingina! Five thousand pesos lang naman mga beshy! Naiiyak ako kasi kulang ang perang dala ko.

Two thousand lang ang baon ko at ang daming bayarin sa school. Ubos ang ipon ko at ang panghati ko na lang sa wallet na one thousand ang nadala ko. Ang tagal kong pinag-iisipan kung ibabalik ko ang mga pinamili ko kaso napunch na lahat tsaka nakakahiya naman! Napansin ng cashier na namomroblema ako.

"Miss, may problema po ba?" Nagtatakang tanong ni ate cashier.

Opo, meron. Kulang po ang dala kong pera ngayon.

Bwisit ka kasi TDA!

Speaking of TDA, naalala ko na sabihin ko lang yung initials niya, ich-charge sa account niya. Ito lang naman ang nag-iisang pet shop sa mall na malapit sa dorm ko. Napaisip ako kasi nakakahiya dahil binigay na niya si Ruru sa akin as a gift. Siguro ay babayaran ko na lang siya if ever na magkita man kami.

"Itong one thousand, miss. Tsaka yung the rest paki-charge na lang po kay 'TDA'," inabot ko ang one thousand peso na panghati ko.

"Ah yes po! Charge four thousand pesos to Mr. TDA. Here is the receipt, ma'am. Thank you for shopping ma'am and Ruru!" Nakangiti nitong bati kay Ruru at tinahulan naman ito ni Ruru bilang sagot.

"Thank you, miss!" Lumabas na kami ni Ruru habang nasa leash siya.

Habang naglalakad, pinagtitinginan kami ni Ruru. Who wouldn't? Sa sobrang cute ni Ruru at ganda ko. Char! Pitbull kasi si Ruru kaya may pagkasosyal si ate mo gurl ngayon kasi ang mahal ng pitbull.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung bakit pinapadalhan NIYA ako ng mga regalo. Kung tutuusin, fan lang naman niya ako, a nobody. What will he get after being nice and generous towards me?

O diba napaingles na ako.

And why did he made the fans to habol-habol me that night?

Syempre naubusan na ako ng ingles at dahil lutang si gaga, hindi niya namalayan na may nakabanggaan na pala siya.

"Sorry, miss."