Unedited
"Sorry Miss." Humingi ng paumanhin ng nakabangga ko.
Nagmamadali itong tumakbo dahil kasunod niya ay isang grupo ng mga babae at maski mga bakla. Nagtatakang sinundan ko ito ng tingin.
Habang naglalakad, palaisipan pa rin sa akin kung sino yung lalaking nakabangga ko. Sikat ba siya? Artista kaya o youtuber?
Sinulyapan ko si Ruru.
Masaya itong naglalakad at parang feel na feel niya ang mga tingin ng tao sa kanya. Confident ang bawat tapak ng paa niya at parang nagpapacute.
Hambog.
Gabi na at tapos na kaming kumain ni Riri. Pinakain ko na rin si Ruru ng dog food at kasalukuyan siyang natutulog sa kama ko.
Pinaliguan ko muna siya syempre pag-uwi. Ayokong may tumatabi sa aking marumi.
Nakabukas ang tv namin at nakita ko ang headlines para sa gabi na ito.
"Umalis pala siya ngayon, no?" Sabi sa akin ni Riri. Tukoy niya kay Duke na aatend sa isang music awards as a guest singer.
"Oo nga." Matabang kong sagot.
Nagsalang siya ng movie. Trolls 2. Napailing ako dahil wala akong magagawa kundi panuorin ito kasama siya.
Mabigat ang loob ko simula noong gabi ng concert. Sana man lang pala nakapagpapicture ako noong concert.
Sayang!
"Miya, paano na si Ruru? Baka mahirapan ka mag-alaga sa kaniya kasi nag-aaral ka rin. Tsaka malulungkot siya kapag mag-isa siya rito." Tanong ni Riri habang kumakain ng popcorn. Sinulyapan ko ang natutulog na Ruru.
"Kay mommy muna siguro siya. Isasama ko pauwi kapag sinundo nila ako rito sa Sunday." Kumain din ako ng popcorn habang nagfocus na lang sa movie.
KINABUKASAN, kasalukuyan kong inaayos ko ang mga damit ko. Hinihiwalay ko ang puti sa de color. Pagdating sa short ko na sinuot ko kahapon, dinoble check ko muna kung may naiwan pa akong pera sa bulsa.
Baka kasi mabasa, sayang lang.
May nakapa akong papel. Napangiti ako dahil tama ako. Pero nawala iyon nang nailabas ko ito.
-----------------------------
Hello, if you are wondering why I didn't gave you a boquet of roses is because I have another gift for you. I will give it to you after 10 days, it is still not yet done. By the way, as you read this, I am not in the country so I won't be able to contact you. #23
P.S. You look so cute with our son.
-TDA
---------------------------------------
Cute?
CUTE LANG?!
Sabagay cute naman ako.
Pero napaisip ako kung paano napunta sa akin yung letter. Ano yun? Lumitaw bigla dito sa short ko. May powers siya, aber?
Charot!
Inaalala ko kung sino ang mga pwedeng nakalapit ko kahapon. Papunta naman sa mall wala naman akong nakatabi kasi wala namang naglalakad.
Pano ba naman alas dose ako ng tanghali naglakad. Kung di ako loka-loka.
Lalo na sa loob ng pet shop kasi ako pang naman ang bumibili. Pag-uwi naman.... pag-uwi...
NABANGGA KO SI KOYA!
Oo! May nabangga ako noon kasi lutang ang ate niyo. Hmmm... siya kaya ang nagsilid nung letter sa bulsa ng short ko?
Smooth naman ni koya!
Parang palagi niyang ginagawa yun, ah!
Medyo naalala ko pa ang hitsura niya. Naka-all black siya. Black sweater na nakafold hanggang sa siko niya, black pants, black nike shoes and black cap.
Ah! Idagdag mo na rin yung black face mask niya.
Sobrang tangkad din niya, hindi pa ako umabot sa balikat niya. Maputi rin siya at may tatoo rin sa braso niya.
Noong nabangga niya ako, nakita ko na may tattoo siya sa kaliwang leeg niya. Red rose na may tinik. Medyo malaki ito kaya mapapansin mo.
May nakalagay din na initials. Sa pagkakatanda ko, TDA nakalagay dun.
Hmm.... TDA?
Siya si TDA!
Holeh Creep!
Hindi kaya lolicon siya?
Mukha daw kasi akong bata compare sa age ko. Mukha daw akong highschool student kahit nasa med school na ako. Minsan nga napagkakamalan pa akong elementary student dahil sa height.
Struggle iz real!
Kaway-kaway sa mga malilit na katulad ko!
Okay lang yan kasi cute tayo tsaka pwede pa tayong mamili sa kids section kapag panahon ng pagtitipid.
Diba?
Kaya wag nang malungkot. Marami naman tayong strengths and weaknesses.
So.... siya talaga si TDA?
Parang ang hot naman niya. Sobrang bango pa niya! Madyo napayakap pa ako sa kanya noong nagkabanggaan kami.
Talande, talande, wag malande!
Hindi porket gwapo bibigay na. Malay ninyo may hidden intentions pala na masama sa iyo.
Kaya girls, wag maging marupok!
Kasi ikaw lang ang malulungkot kapag nauto ka ng isang bugok.
Haynaku! Kung ano-ano ang naiisip ko! Maglalaba na lang ako.