Unedited
Nabalik lang ako sa huwisyo nang marinig ko ang doorbell sa labas at ang pagkalabog sa pinto pagkatapos. Napailing na ako dahil sanay na ako sa mga katarantaduhan na ginagawa nina Jayne at Chi Hye.
Binuksan ko ang kawawang pinto at bumungad sa akin ang mga pangit na mukha ng mga kaibigan ko. May dala-dala silang plastic bags sa magkabilang kamay nila.
Amoy pag-kain!
"Baka naman gusto mo kaming papasukin? Nangangawit rin naman kami," sarkastikong saad ni Jayne. Napailing na lang ako sa matabil na dila nito at pinapasok na sila ng tuluyan.
Dumeretso kaagad sila sa isang lamesa at nilapag doon ang mga pagkain. Ako na ang nagpresintang maghain dahil nakakahiya naman sa kanila. Diba?
"Sana all may trabaho na," pabiro akong sumulyap sa kanila. Nakita kong inirapan ni Jayne.
"Malamang. Ikaw kasi ginusto mong magdoktor. Magdusa ka ngayon." Mataray na sabi sa akin ni Jayne. Si Chi Hye naman ay kumuha na agad ng sarili niyang plato.
Dalawang box ng Domino's pizza, one dozen original glaze ng Krispy Kreme, isang barrel ng fries mula sa KFC, tatlong lasagna ng Greenwich, tatlong whopper burger ng Burger King, tatlong chicken spaghetti ng Jollibee, tatlong apple pie tsaka peach mango pie, half galon ng ice cream at dalawang 1.5 liter ng coke.
"Ang dami naman nito." Sabi ko habang pinagmamasdan ang napakaraming pagkain sa harapan ko.
To be honest, favorite ko lahat ng ito. Sobrang saya kong nilalantakan ang pagkain. Pero syempre nagdasal muna ako bago kumain.
"Pumapayat ka ata." Pansin ni Chi Hye sa katawan ko.
"Ay weh? Isang linggo lang di nagkita pumayat na agad ako. Ang dami namang pagkain. Mauubos ba natin 'to?" Madrama kong tanong pero sa loob ay tuwang tuwa ako.
"Di ka na naman makakain ng maayos last few days. Kaya nga pinapakain ka namin ng marami. Alam naming hirap ka ngayon dahil sa thesis kaya binili namin lahat ng paborito mong pagkain." Sagot ni Jayne.
Natouch naman ako sa sagot niya kaya niyakap ko siya at si Chi Hye. Napakasaya ko dahil may kaibigan akong katulad nila. Pinipilit naman akong itulak palayo ni Jayne.
"Ang drama mo! Nakita mong kumakain!" Inis niyang sabi ng nakangiti habang hawak ang manok na drumstick.
"Che! Ito naman, panira ng moment." Natawa kaming pareho. Napabaling kami kay Chi Hye na kanina pa walang imik.
Tinititigan lang namin siya at hindi nagsasalita. Nagulat na lang ako sa sinabi niya.
"Break na kami," nakatungo niyang pag-amin.
Anudaw? Break na sila nung koreano?
"Bakit kayo nagbreak?" Tanong ni Jayne.
"Diba nga sinabi ko sa inyo na susunod siya sa Canada since utos iyon ng parents niya. Ayun, iniwan ako kasi takot sa tatay." Malungkot na paliwanag ni Chi Hye.
"Walang bayag," komento ko.
"Miya, yung bunganga mo sarap tapalan ng filter." Inis na baling sa akin ni Jayne.
"Totoo naman ah. He got no balls. Hindi man lang kayang ipaglaban ang babaeng mahal niya sa parents niya. Tsk. Tsk. Tsk. Ayoko ng ganoong lalaki." Naiiling kong paliwanag.
"Di na ako magb-boyfriend."
Napatingin ako kay Chi Hye sa sinabi niya. Pang-ilang beses ko na nga bang narinig sa kanya yan? Tatlo? Apat? Bale kasi, tatlo na nagiging jowa niya.
"Hindi sa ganoon sis. Ang gusto lang namin ay pag-isipan mong mabuti kung kaya kang ipaglaban ng lalaking mahal mo. If may capabilities siya na kaya ka niyang panindigan. Sis, sa love hindi pwedeng palaging masaya. May mga dumarating mga problema pero hindi ka dapat susuko. At iyon ang wala sa gagong walang bayag na yon. Hindi ka niya kayang ipaglaban sa tatay niya. Kaya dapat sa susunod na magmamahal ka, tingnan mo muna kung sa tingin mo ay kaya ka niyang ipaglaban at alagaan," seryoso kong paglelecture ko sa kay Chi Hye.
"Bravo! Bravo!" Sigaw ni Jayne habang nags-slow clap ito. Syempre dahil matino akong tao ay sinakyan ko ang trip niya at tumayo mula sa kinauupuan ko.
"Thank you! Thank you!" Sabi ko habang kumakaway na parang beauty queen at nagf-flying kiss.
"Maupo ka nga! Para kang tanga." Putol ni Jayne sa momentum ko. I rolled my eyes at her.
"Mahipan ka ng hangin diyan. Bahala ka. Ituloy mo na yung lecture mo nang mabuksan mo ang isipan ng ating kaibigang Chi Hye," punong-puno ang bunganga nito ng fries.
"Okehhh! One on one love lecture with Mamma Miya. Skrrrt!". Sigaw ko habang ginagaya si Mimiyuh.
"Rule no.1... When it comes to love, you need to trust each other. Trust ha! Tiwala! Hindi yung condom. Pero if gusto ninyo maging safe gumait kayo. Pero sis, for me the most important gift we can give to our future husband is our purity... aka virginity. Ang tiwala sa isa't isa ang magiging pundasyon ng pagmamahalan ninyo. Sa pagkakaalam ko, nagtitiwala tayo kahit hindi tayo nagmamahal, tama? Pero saan kayo nakakakita ng nagmamahal pero wala siyang tiwala sa isa? " Sumagot naman sila pareho ng wala.
"Dahil ang lahat ay nagsisimula sa pagtitiwala. Kaya natin minamahal ang isang tao dahil alam at ramdam nating iingatan nila tayo at mamahalin ng tunay. Sa oras na nalaman mong mahal mo siya, matagal ka nang may tiwala sa kanya. Dahil matagal ka nang nagtitiwala sa kanya. Dapat lang tayo magtiwala sa kanila at hindi maging praning. Oo at alam kong malakas ang lutob nating nga babae pero mas mabuting alamin muna ang katotohanan bago magassume.
Rule no.2, when giving chances. Ang pagbigigay ng chance ay hindi unlimited. Lalo na't kung paulit-ulit ka niyang sinasaktan sa iisang dahilan at hindi na natuto. Para sa akin, ang ideal number ay tatlo. Oo, tatlo lang. Dahil kapag sumobra na, ibig sabihin noon umaabuso na siya. Hindi sa lahat ng oras ay papatawarin mo siya at bibigyan ng isa pang pagkakataon. Kung alam niya na nakakasakit o makakasakit ito para sa taong mahal niya, hindi niya ito gagawin nang paulit-ulit..."
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may narinig akong nagdoorbell. Naabala tuloy ang sermon ko. Nagdoorbell ulit ito. Nagkatinginan kaming tatlo. Sabay-sabay kaming pumunta sa may pintuan.
Nagbilang kami ng tahimik.
"One... two... three... go!" Binuksan ko na ito at hindi ko inaasahan ang tatambad sa akin.