Chapter 4 - II

Unedited

Nagpark ako malapit sa entrance ng MoA at bumaba. I made sure na dala- dala ko ang ticket ko at lumabas na.

Nasaan yung dalawa? Ayun, nauna na.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa MoA. Dinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao. Kahit hindi pa nagsisimula, energetic ang mga ito dahil sa mga pinalalabas na videos ng banda.

Tumabi ako sa dalawang bruha na parang mga kiti-kiti dahil hindi mapirmis sa kinauupuan.

"Wooh! Pakshet! Excited na akong makita sila!" Natawa na lang ako sa inasal ni Jayne. Si Chi Hye? Ayun kausap yung bf niyang koreano.

Marami akong nakikitang nagugulat sa mga performances nila na pinopost nila dati sa youtube. Sa tingin ko ay mga bagong fans pa lamg ang mga ito.

Ha! Araw-araw ko yan pinapanood!

Siguro yung 1/3 ng views ng mga videos ay galing sa akin. Char! Pansin ko na puno ang MoA arena. Sabagay, sold out nga pala lahat ng ticket. Pahirapan makabili kaya nagpareserve pa kami.

Nakakabinging sigawan ang maririnig mo sa napakalaking stadium na ito nang maglabasan ang mga nagkikisigan na lalaki.

Oh. Em. Gee.

Sobrang pogi nila! Kahit na nasa late twenty's na sila mas lalo pa rin silang pumopogi. Kumbaga habang tumatanda, mas lalo silang nagiging masarap este hot.

At dahil VIP kami, oo pinag-ipunan namin mula sa allowance namin. Ang hirap mag-ipon pero worth it naman dahil sa mami-meet ko sila sa last concert nila.

They are planning to focus on their business now. Kaya kahit mahirap pinilit kong mag-ipon para mapanood ko sila for the last time.

Sobrang lapit namin sa stage. Kitang kita ko ang mga mala-adonis nilang mga mukha. Kinuha ko kaagad ang camera ko at pinicturan sila.

Mula sa kinauupuan namin, kitang kita ko ang paglakad nila papunta sa kanilang mga pwesto. Hinanda ko na ang camera ko para ifilm ang buong performance nila.

Remembrance ko sa araw na ito.

"Good evening everyone." Nag-echo ang boses ni Duke sa buong arena. Lalong lumakas ang tili ng mga taong nakapaligid sa akin. Inis kong binalingan ang mga katabi ko palibhasa nakikisabay pa.

Kapag ako nabingi, wala na akong future. Pisti! Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Duke.

"Kamusta na kayo?" Husky nitong tanong sa amin.

"Okay lang! Wooh!" Malakas naming sagot.

"Hahaha..." tumawa ito ng mahina.

Pakshet! Ang sexy ng boses niya.

"Okay. Hindi na namin ito patatagalin. The first song that we will sing tonight is a cover of The Man Who Can't be Moved by The Script. I hope you will enjoy it."

Sumenyas muna si Yohan gamit ang kanyang mga drumsticks bago magsimula ang lahat.

"Going back to the corner where I first saw you.... Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move... Got some words on cardboard, got your picture in my hand... Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"..."

Nagsimulang kumanta si Clyde. Lahat ng fans niya ay tumili. May fanchants pa ang mga ito. Ngunit, waepek ito sa taong bato at nagpatuloy sa pagtugtog.

"Some try to hand me money, they don't understand... I'm not broke I'm just a broken hearted man... I know it makes no sense but what else can I do... How can I move on when I'm still in love with you..."

Hindi rin papatalo ang handsome playboy na si Rix. Pinapakilig niya ang mga nanunuod sa pamamagitan ng kanyang pagkindat at maliliit na ngisi.

Binalingan ko si Chi Hye, ayun natulala ang gaga. Pansin ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Nagtataka ako kung bakit kaya binaling ko ang paningin ko sa stage.

Nagulat ako nang makitang naghubad pala ng t-shirt si Rix at binato ito sa mga fans. Nagkagulo ang mga ito at pilit na hinahablot ang kawawang damit. Naiwan tuloy itong tumutugtog na walang t shirt. Leaving him with his ripped jeans and his six pack abs.

Holeh shet!

" 'Cause if one day you wake up and find that you're missing me... And your heart starts to wonder where on this earth I could be... Thinkin' maybe you'll come back here to the place that we'd meet..."

Tumili kaming mga nanunuod nang sabay sabay silang kumanta.

"And you'll see me waiting for you on our corner of the street..."

Nakakabingi lalong sumigaw ang mga fans ni Love nang siya ang kumanta. Iba talaga kapag siya na ang kumanta. Iba kasi ang dating niya. Talagang ifinocus ko sa kanya ang camera ko.

"So I'm not moving... I'm not moving..."

Natahimik ang lahat nang matapos silang tumugtog. Makalipas ang ilang segundo ay nakakabinging sigaw at palakpak ang sumunod.

"I know that our first song is a little too short. That's why we prepare another song to make up with you. Is that okay with you?"

"Yes! Woohhh!" Malakas na sagot namin.

Makalipas ang limang kanta at mga kwentuhan ng WIW at ng mga fans. Biglang may naramdaman akong nagv-vibrate sa loob ng bag ko.

Binuksan ko ito at nakita kong may tumatawag sa cellphone ko.

Mommy calling...

Mabilis ko iyong sinagot.

"Hello, ma!" Pasigaw kong bati.

"Umuwi ka agad," mariin na utos nito.

"Pero ma, mamaya pa tapos nito. Tsaka sayang ticket ko." Nakasibangot kong sagot.

"Haynaku bata ka! Inaksaya mo lang pera mo. Mag-ingat ka diyan. Tsaka kaya kita pinapauwi agad para sunduin natin si daddy sa Clark International Airport mamayang alas tres. Wala kasing susundo sa kanya kasi naka duty pa kuya mo."

"Sige na nga, ma. Tatapusin ko na ito since hanggang 11 lang naman ito. Baka nga kahit hindi pa tapos ay umuwi na ako. Ma, magsisimula na silang kumanta ha. Ibababa ko na ito. Love you!" Ibinaba ko agad ito.

Inihanda ko na ang camera ko para magvideo ulit. Nagsimula nang kumanta ulit ang Wild in Wilderness. At ang kumakanta ngayon ay ang love ko!

"Maybe I came on too strong... Maybe I waited too long... Maybe I played my cards wrong... Oh, just a little bit wrong... Baby I apologize for it..."

Nakangiti ako habang vinivideohan ko siya.

"I could fall, or I could fly... Here in your aeroplane... And I could live, I could die... Hanging on the words you say... And I've been known to give my all... And jumping in harder than... Ten thousand rocks on the lake..."

Ang ganda talaga kapag nagiging raspy boses niya. Nakapikit ito at talagang dinadama ang kanyang pagkanta. Marahil dahil na rin sa huli na nila itong concert.

"So don't call me baby ... Unless you mean it... Don't tell me you need me... If you don't believe it... So let me know the truth... Before I dive right into you..."

Unti unting nawala ang ngiti ko. Almost five years na sila pero kailangan na rin nilamg magfocus sa sarili nilang landas. Ang pagkalungkot ko ay napalitan nang pagkagulat dahil nakatingin nang diretso sa aking camera si Duke.

Hindi ko alam kung nagfifeeling lang ako kaya ibinaba ko ang camera ko. Nagulat ako dahil wala na siya sa pwesto niya. Pinipilit kong hanapin siya sa stage dahil naririnig ko pa rin ang boses niya.

"You're a mystery..."

Nagugulat akong napatingin sa kaliwang bahagi ko. Nakatayo siya habang nakatingin sa akin.

"I have travelled the world, there's no other girl like you... No one, what's your history?..."

Ang kanyang pagkanta ay parang tinatanong niya ako. Ang kanyang mata ay parang may hinahalukay na impormasyon sa akin.

"Miya... tatanga ka lang ba diyan?" Nangigigil na bulong sa akin ni Jayne.

Bigla akong pinanlamigan nang ngumisi ito.

What. the. fuck. is. happening.