Chapter 6. "Ethina's New Boss"
Ethina's POV
"Hindi talaga maikakailang mahirap maghanap ng trabaho sa Pilipinas."
Napanguso na naman ako at nagpunas ng pawis sa noo ko. Ang hirap na ngang maghanap ng trabaho, tirik pa ang araw. Jusko, baka himatayin na ako sa sobrang init dito. Nakakainis naman kasi si Sanjun, ayaw pa akong tanggapin sa kumpanya nila. Nag-resign na daw kasi ako, kaya pangatawanan ko raw. Nakakainis, pwede namang ilipat ako sa ibang department eh, pero ayaw niya talagang pumayag.
"Ano ba 'yan." Nalulungkot na naman ako, napayuko ako habang nakaupo rito sa park.
"Miss." Napatingala ako ng may tumawag sa akin. Pagtingin ko, nagulat ako sa nakita ko. God, ang gwapo niya. "Pwede bang makiupo?" Tanong niya sa akin. Laglag naman ang panga ko habang nakabukas ang bibig na tumango-tango. "Salamat." Nakangiti niyang sabi. Naupo siya sa tabi ko.
Habang nakaupo siya sa tabi, hindi naman mawala ang kilig sa katawan ko. Kahit naman pala may kamalasan sa buhay ko, meron pa ring pampalubag loob si Lord. Hinulog niya pa mula sa langit ang isang anghel na ngayo'y nakaupo sa tabi ko. Pasimple ko naman siyang tinitignan habang nakaupo. Ang diin na ng hawak ko sa bag ko sa kilig. Gosh, ang tangos ng ilong niya, tapos yung mata pa, medyo singkit. Pero ang nakaka-attract talaga sa kanya ay ang buong niya.
Bigla naman siyang napatingin sa akin habang nakatingin din ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin na siyang nagpagaan sa akin. Para akong lumulutang sa kawalan. Ang ganda ng smile niya.
"Miss gusto mo ba?" Bumalik naman ang isip ko sa realidad ng magsalita siya. 'Don ko lang napansin ang hawak niyang burger.
"Huh?" Nagtataka kong tanong.
"Eh kasi kanina ka pa nakatingin, gusto mo? Share tayo." Sabi niya.
"Ay nako, hindi hindi po, sa iba ako nakatingin." Pagpapaliwanag ko.
"Sa iba?"
"Oo sayo ako nakating—" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko ng mapansin kong may mali. "—ngin" Mahina kong pagtapos sa sasabihin ko at tsaka iniwas ang tingin sa kanya.
Patay ka Ethina, kahit kailan palpak ka. Sabi ko sa sarili ko. Narinig ko naman ang bungisngis niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Pinagtatawanan mo ba ako?" Mataray kong tanong. Huminto naman siya sa pagtawa at tumingin sa akin.
"Ah hindi Miss, natawa ako kasi ngayon na lang ako ulit nakakain ng burger." Nagtaka naman ako, ang babaw naman niya. "By the way, ako nga pala si Shawn." Pagpapakilala niya. Feeling close naman pala ang isang 'to.
"Ethina." Mabilis kong sabi. Napatingin naman siya sa hawak kong folder.
"Naghahanap ng trabaho?" Nakangiti niyang tanong.
"Oo eh, nakakainis nga lang. Ang hirap maghanap ng trabaho sa Pinas." Inis kong sagot sa tanong niya.
"Oo, mahirap nga." Pagsang-ayon naman niya. "Pero kung gusto mo, mag-apply ka sa company namin." Mabilis ko naman siyang tinignan.
"Ano?"
"Sa company namin, hiring kami. Assisstant Director." Masigla niyang sabi.
"Ay, wala naman akong alam sa filming. Management ang course ko eh." Dismiyado kong sagot tsaka ngumuso.
"Ayo slang, matututo ka naman eh."
Tinignan ko siya ng diretso sa mata. Baka naman networking ang sinasabi niyang trabaho, baka magoyo na naman ako ng mga networking na 'yan. Dadalhin ka sa orientation tapos may ipapabayad para maging member ka tapos magrerecruite ka para kumita ka. Hay nako, wala akong time para diyan.
"Ano? Tara, sama ka." Tumayo na siya at niyaya akong sumama sa kanya.
"Ah, sige wag na lang." Mahina kong sabi.
Bigla namang may lumapit na babae sa kanya. Parang nasa shooting sa suot niya.
"Direct okay na po ang set." Sabi ng babae. Nanglaki naman ang mata ko sa sinabi ng babae.
"Ah sige, papunta na ako." Sabi niya sa babae tsaka umalis ang babae. "Ah, sige Ethina, I have to go. Nice meeti—"
"Sandali, you mean? Director ka?" Pigil ko sa kanya. Nakita ko namang nagulat siya sa reaksyon ko. Ngumiti siya sa akin.
"Yes I am. Di ko dapat sasabihin eh." Sabi niya sabay tumawa.
"Wow! Tapos may shooting kayo? Saan? Saan? Uy sige ns Direct pa-apply na ako sa inyo. Assistant lang naman di ba? Tsaka tuturuan mo naman ako di ba?" Pangungulit ko. Nakangit naman siya sa akin.
"Sige, come with me."
Sanjun's POV
"Ang buong akala ko talaga si Siren ang makakatuluyan ng anak ko, kaso lang si Shawn kasi ang gusto ni Siren."
Damn right. Si Kuya ang gusto ni Siren, at hindi ako. But why do I get this feeling? Why do I love Siren? Kahit na alam ko namang hindi niya ako gusto. Mula 'nung umalis si Kuya, palagi niya na lang akong pinupuntahan para kamustahin. Palagi niya akong tinatawagan para kausapin. And I think, doon nagumpisa ang lahat para mahalin ko siya. Pero, kahit naman na 100% ang ibigay ko sa kanyang pagmamahal, kung hindi naman ako ang mahal niya. Wala ring mangyayari.
"Dammit, nasaan na ba ang engot na 'yon?" Ani ko sabay tingin sa wrist watch ko. "She's 15 minutes late!" Sigaw ko.
Bigla namang bumukas ang pinto ng office ko kaya mabilis akong napatingin, pero nadismaya ako ng secretary ko ang pumasok.
"Sir, tumawag po ulit si Mr. Shin, sabi po bilisan niyo na." Natatarantang sabi niya.
"Maghintay siya! Damn that Ethina?! Where the hell of—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng muling bumukas ang pinto. At sa wakas, dumating na ang prinsesa, prinsesa ng mga late. Sinamaan ko siya tingin at pinuntaha. Hinawakan siya sa braso at hinila palabas.
"Aray ko naman Sanjun!" Angal niya.
"Bilisan na natin, were dami late! Saan ka ba nagpupupunta?"
"Naghanap po ako ng trabaho kasi 'yung isa diyan, ayaw akong tanggapin dito." May pang-aasar niyang sabi.
"And I bet no one hired you."
"Hoy diyan ka nagkakamali, dahil isa na akong Assistant Director." She proudly said.
"As if I care."
Binitawan ko siya ng makarating kami sa parking area. Sumakay naman siya sa likod ng sasakyan habang ako nasa driver seat. Tinignan ko siya mula sa rearview mirror, isang matalim na tingin.
"Ano ako? Driver mo? Dito ka sa tabi ko!" Singhal ko sa kanya. Nagdadabog naman siyang lumabas ng kotse at sumakay sa harap.
"Asus, gusto mo lang ako katabi eh." Bulong niya kahit na rinig ko naman.
"Ang lakas din ng kumpyansa mo 'no? Alam ko ang rule no. 6, kaya wag kang mangarap." Sabi ko rito't pinaandar ang sasakyan.
Pagpunta namin sa office ni Mr. Shin, binate kaming dalawa nito, at kailangan namin magpanggap na mag-engaged couple sa harap niya. Si Mr. Shin ang isa sa best partners ng kumpanya namin at magiging ninong sa kasal namin. He wants to meet Ethina kaya pinapunta kami sa office niya.
"Masuwerte ka Sanjun sa magiging asawa mo, maganda siya at nakakatuwa." Natatawang sabi ni Mr. Shin. Nilingon ko naman ang katabi kong si Ethina habang hawak ang kamay niya na kailangan nakaholding hands kami. Ang lapad naman ng ngiti ng isang 'to sa compliment sa kanya. Napatingin siya sa akin kaya naman siya sinamaan ko siya ng tingin, tumigil naman siya sa pagtawa niya at inirapan ako.
"So, 3 days from now ay kasal niyo na. Saan ang honeymoon?"
"Were planning to went abroad kaso maraming kailangang gawin sa office so I decided—"
Bigla namang lumakas ang tawa ni Mr. Shin kaya naputol ang pagsasalita ko.
"Come on Sanjun, magpahinga ka muna. Take a vacation with your wife, wag mo munang alalahanin ang kumpanya."
"Pero Mr. Shin—"
"Nakausap ko na ang Daddy mo, at pumayag siya. Take a one week vacation."
Natapos na ang meet up namin kay Mr. Shin. Paglabas namin, bigla namang nakatulala si Ethina na parang engot.
"Hoy? Anong nangyari sayo?" Inis kong tanong sa kanya. Tinignan naman niya ako na tila nalilito siya.
"So Sanjun? May honeymoon talaga tayo?" Nakakatangang tanong niya. Napasinghap naman ako sa tanong niya.
"Natural?! And that honeymoon is fake kaya wag kang mag-ambisyon diyan, you're not my type at all." Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha niya.
"Ambisyoso ka rin pala eh, di rin kita type no! Mas pogi pa si Direct sayo eh."
"Direct? What? Whose Direct?"
"Siya 'yung new boss ko, at ang gwapo niya, at isa pa mabait pa! Di tulad mo, demonyo." Nakaramdam naman ako ng inis sa sinabi niya.
"So? Hindi ako gwapo?" Tanong ko sa kanya sabay hila palapit sa akin. Sinandal ko siya sa bumper ng sasakyan ko habang hawak ko ang isa niyang braso at nakayakap ang isang kong braso sa baywang niya.
Nanlalaki naman ang mata niya habang dahan-dahan kong nilalapit ang mukha ko sa kanya.
"Sabihin mo? Hindi ako gwapo?" Tanong kong muli at tsaka siya binigyan ng isang masamang tingin. Pero habang papalapit ako, bigla naman niyang tinapat sa mukha ko ang phone niya, and the next thing I knew, may nag-flash na naman sa mukha ko kaya napapikit ako at lumayo sa kanya.
Tawa naman siya ng tawa sa ginawa niya.
"Loko ka, anong akala mo? Madadaan mo ako sa mga moves mo? No way!"
Sinamaan ko siya ng tingin at pumasok ng mabilis sa kotse. I start the engine at pinaandar ang mabilis ang sasakyan.
"Hoy! Hintay! Wag mo kong iwan dito!" Narinig ko pang sigaw niya bago ako tuluyang makaalis.