Note to remember: In bullying, there are always three types of persons involved:
1. The target
2. The bully
3. The bystander
*****
"Hey, Luna!"
Lumingon si Luna nang marinig ang tinig ni Dani mula sa kaniyang likuran. Ngumiti siya nang makita itong bumaba sa sasakyang naghatid dito sa school. Hinintay niya itong makalapit bago siya nagsalita.
"Nice to be back, huh?" she said, trying to sound lively.
But Dani was not convinced. Tumaas ang isang kilay nito at sandali siyang sinuyod ng tingin bago sumagot. "How was your summer break?"
Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya. Bumuntong-hininga siya saka ibinalik ang tingin sa campus building.
It was the same time of the year again. The time when she first met Ryu Donovan.
Kanina pa siya nakatayo sa harap ng school gate at kanina pa rin siya pinagtitinginan ng mga estudyanteng dumaraan. Unang araw ng pasok sa panibagong taon at hindi maiwasan ni Luna na alalahanin ang araw na iyon— noong ma-late siya at makasalubong niya ang binata.
Mapait siyang ngumiti. "I was... invited to come back to Philadelphia by the Donovans to visit Ryu during summer break, and I was supposed to fly with the Alexandros, pero... nagkasakit din si Dad at dalawang linggo siyang nanatili sa ospital."
Nilapitan siya ni Dani at hinawakan sa balikat. "How's your father now?"
"He's getting better. Dad is diabetic at nagkaroon siya ng komplikasyon sa atay niya. Maayos na ang lagay niya ngayon, nasa bahay namin ngayon ang mga lolo at lola ko para tulungan si Mommy kay Dad."
Tumango si Dani at tumingin din sa school building hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. "And Ryu? How is he?"
Luna released a heavy sigh. "According to Tita Iris, Ryu's wounds have completely healed, but, he's still in life support." Napayuko siya upang itago sa kaibigan ang pamumuo ng mga luha.
Walang gabing hindi niya kausap si Iris Donovan sa pamamagitan ng Skype upang makibalita sa lagay ni Ryu. At walang araw na hindi siya nagdarasal na sana ay magising na ang binata at bumalik nang muli sa normal ang lahat.
Naramdaman niya ang mariing pag-pisil ni Dani sa balikat niya. "Toughen up, Luna. Naniniwala akong magigising din si Ryu."
"Pero kailan, Dani? It's been almost eight months."
"Don't panic, Luna."
Pareho silang napalingon ni Dani nang marinig ang tinig ni Kaki sa kanilang likuran. Kararating lang din nito.
"Others are in a deep state of prolonged unconcsiousness for years," dagdag pa ni Kaki. "Iyong iba nga ay inaabot ng mahigit sampung taon. Kaya h'wag kang mag-panic d'yan. Ryu will wake up sooner or later. The question is... how long are you willing to wait?"
Sinalubong niya ang mga mata ng kaibigan. "Until he's back."
Malapad na ngumiti si Kaki saka lumapit at pinisil siya sa pisngi.
"That's the spirit. Wait for him until he wakes up, at h'wag iyong ang hindi niya pag-gising ang isipin mo. Manalig ka, Ryu will come back and see you again. He said he will marry you and have a dozen babies with you, remember?"
Natawa si Dani nang maalala ang sinabing iyon ng binata noon. "Yeah, I will never forget that."
Ngumiti si Luna at niyakap ang dalawa. "Thank you for your support."
Si Dani ay tumili sabay kawag na parang isdang inilabas sa aquarium. "Oh, move away! Naramdaman ko ang paglapat ng mga dibdib ninyo sa akin and they are disgusting!"
Sinagot lang nila ito ni Kaki ng malakas na tawa. Ilang sandali pa'y bumitiw na rin sila.
"By the way," si Dani habang ina-ayos ang bahagyang nayukot na uniporme. "Ngayong pare-pareho nang nakapagtapos ang lahat ng miyembro ng Alexandros... sino na ang magpapatuloy sa adhikain nila na ipagtanggol ang mga inaapi rito sa school?"
"Well," huminga ng malalim si Kaki. "Wala. Pero sana ay tutukan na ng school officials ang mga issues tungkol sa bullying. Nag-aalala akong ngayon na wala na ang Alexandros ay babalik muli ang mga mayayabang na estudyante at mag-uumpisa na namang maghari-harian dito sa campus."
"At mukhang nagsisimula na nga, Kaki..." sabi ni Dani sabay nguso sa direksyon papasok sa college building.
May dalawang lalaki na parehong naka-suot ng Engineering uniform ang humarang sa isang may kalakihang babaeng estudyante na nakasuot ng Accounting uniform. May sinasabi sila sa babae dahilan upang mapayuko ito. Nagtatawanan pa ang mga loko habang nakaharang sa daan.
Ang ilang mga estudyanteng naroon ay napapa-iling na lang at ayaw mangealam, habang ang iba nama'y umiiwas para hindi mapagdiskitahan.
Nakikita nila kung papaanong hiyang-hiya na ang babae sa dami ng estudyanteng nakapaligid at halos ibaon na nito ang mukha at kipkip na bag.
Dani tsked. "When will these people stop making fun of the—hey!" Napasigaw ito nang makitang mabilis na naglakad si Luna palapit sa mga nagkakagulo.
Nakangiwing humabol sina Kaki at Dani sa kaibigan na tila Amazona kung maglakad.
Si Luna, nang makalapit nang husto, ay narinig ang mga sinabi ng dalawang Engineering students sa babaeng naroon at halos mangiyak-ngiyak na.
"Bawal sa Engineering building ang matataba, Babs. Hindi ka pwede rito kaya 'wag ka nang magpumilit," nakangising sabi ng isa.
"M—May ihahatid lang sana ako sa kapatid ko na nasa Engineering class..." mahinang tugon ng babae. "Saglit lang naman... po ako—"
"Bawal nga at baka umalog itong Engineering building dahil sa'yo," pangungutya pa ng isang lalaki.
Muling napayuko ang babae. "S—Saglit lang po, kasi narito ang baon ng kapatid ko sa bag—"
"Makulit ka rin eh, no?" sabi pang muli ng lalaki. "Gusto mo talagang—"
Luna grabbed the lady's arm and pulled her away, sa pagkabigla nito. Hinarap niya ang dalawang lalaki na nabigla rin sa pagsulpot niya.
"Kanina pa siya nakikiusap sa inyo at kanina niyo pa siya binabastos. Pag-aari niyo ba ang Engineering building para pagbawalan siyang pumasok?" Maanghang na sabi ni Luna na ikina-kunot ng noo ng dalawa.
"Teka, sino ka ba para—"
"I am just a nobody," wari pa niya habang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "A nobody who desire to help people like her from someone like you."
Nang matauhan ang dalawang lalaki ay sabay na natawa. Matapos iyon ay muling nagsalita ang isa,
"Aba, hamak na highschool student ka lang para—"
"I maybe a highschool student but I know better than you."
Nagsalubong ang kilay ng dalawa at tila nag-uumpisa nang mapikon.
Nagpatuloy si Luna, without breaking eye-contact. "Sisiguraduhin ko na ang mga katulad ninyo dito sa campus ay matututo ng leksyon. I will report you to the school officials for blocking a student from enterting the school building, and for body shaming."
Muling natawa ang dalawa subalit hindi nagpatinag si Luna. Nagpatuloy siya, "Yes. Laugh. Dahil ngayon na lang ang pagkakataon ninyong gawin iyan. Tingnan natin kung makakatawa pa kayo ng ganiyan matapos ko kayong gawan ng report." Bumaling siya sa babaeng namamanghang nakatitig sa kaniya. "Let's go."
Subalit bago pa man sila makahakbang palayo ay muling nagsalita ang isa sa mga lalaki. "Don't waste your time, woman. Walang makikinig sa reklamo mo. The school officials never bothered to accommodate such—"
"Oh, believe me, they will," buong tapang niyang sagot. "Dahil sisiguraduhin kong maaksyunan ito at may pagbabagong mangyayari." Hinarap ni Luna ang mga estudyanteng naka-masid sa kanila at kanina pa nagbubulungan. Nahinto ang mga ito sa hindi kalayuan at nagkumpol-kumpol upang maki-usyoso.
Some of the students knew her from the previous year, dahil naririnig niya ang mga itong binanggit ang pangalan niya.
"Listen, everyone. My name is Luna Isabella Mayo, a senior high school student. Gusto kong sabihin sa inyo na kung may mga estudyante rito sa CSC na nangungutya, nambabastos, nang-aagrabyado, at nananakit ng kapwa estudyante, katulad ng dalawang ito sa likuran ko, please— don't be afraid to speak up and report them to the school officials. H'wag nating itikom ang ating mga bibig kapag alam nating may mali. H'wag nating hayaang humaba lalo ang mga sungay ng mga estudyanteng katulad nitong nasa likuran ko. At h'wag nating hayaang patuloy na kumalat ang mga tulad nila sa institusyong ito. Let's all do the right thing— let's help each other to fight bullies."
Ang isa sa dalawang lalaki ay akmang lalapitan si Luna upang sunggaban at patahimikin nang mabilis na sumigaw si Dani na nasa hindi kalayuan,
"Hep, hep! Don't even try!" anito sabay taas ng hawak na cellphone. "Kanina pa nakatutok itong video camera ko sa inyo. I have the evidence, kaya h'wag na ninyong dagdagan pa ang kasalanan ninyo."
The two Engineering students gritted their teeth in annoyance.
Muli ang mga itong hinarap ni Luna. "Maaaring tama kayo kanina sa pagsasabing walang makikinig sa akin sa pagsusumbong ko— dahil kung dati pang may nakinig sa mga reports tungkol sa pambu-bully ng ilang mga estudyante rito ay wala sanang Alexandros na nabuo upang ipagtanggol ang mga naaapi noon. But I will change that."
Ang isa sa mga estudyanteng naka-masid sa kanila ay nagsalita, "And how are you going to make a change?"
Hinarap ito ni Luna at buong tapang na sinagot. "I am planning to continue the Alexandros' will of protecting the weaklings."
Si Kaki ay nanlaki ang mga mata sa sinabi niya samantalang si Dani ay nagtaas ng kilay habang patuloy pa rin sa pagkuha ng video. Ang ilang mga estudyante nama'y nagbulungan, tila nagtatalo sa kredibilidad ng sinabi niya.
"And how are you going to do that, Luna Isabella Mayo?" anang isa sa mga estudyanteng nakapalibot sa kanila.
"Are you planning to train Martial arts so you could fight the bullies?" tanong pa ng isa sa mga ito.
Bahagya siyang natawa saka umiling. "Hindi lahat ng laban ay kailangang daanin sa sakitan at dahas. I will use my voice."
Lumakas lalo ang bulungan sa paligid.
"Use your voice?" tanong pa ng isa sa mga estudyanteng naroon.
Tumango siya. "I will use my voice to raise awareness againts bullying. I will talk to the school officials about it and ask for their cooperation. I will urge them to set a rule about this issue in the whole campus."
Si Kaki na namangha sa mga sinabi niya ay nagtanong na rin. "What's your plan?"
"Sasali ako sa newspaper team ng campus at magsusulat ng mga articles about bullying. I want to be an instrument on educating students of CSC about the dynamics of bullying and how they can affect those who bully, those who are bullied, and those who witness the bullying. It generally affects everybody— physically, mentally and emotionally."
Natahimik ang lahat at tila nag-isip sa sinabi niya.
She continued, "Do you know how this act can greatly affect our lives? Bullying has a devastating impact on all members of the school community! Ang batang bully simula gradeschool ay mananatiling bully habang buhay kung hahayaan na lang itong ganoon. When he becomes an adult, there are tendencies that he would become abusive to his own family. Kailangan nating magtulungan upang matigil ang ganitong sistema.
There are studies indicating that boys and girls who both bully and are bullied are more liable to suffer depression than other students, and that girls who both bully and are bullied are more likely to self-mutilate or commit suicide. So as early as possible, we should do something to stop this. No life should end just beacuse there is a power imbalance in the society."
Natahimik ang mga ito, ang mga mata'y nakatutok sa kaniya. Kahit ang dalawang lalaking kasagutan niya kanina ay nanatiling tahimik na nakatayo sa likuran niya. Ang babaeng ipinagtanggol niya laban sa mga ito'y manghang nakatingala rin sa kaniya.
All attention was on her— and she grabbed that chance to enlighten everyone.
"If you will allow me, I want to open your eyes about the effects of bullying. People like The Alexandros tried to stop it by punishing the bullies, but I guess they missed to dig deeper and understand this issue's true color. Had I learned about this early on and was not blinded by other things, I could have supported them in my own way." Huminga siya ng malalim at isa-isang sinulyapan ang mga estudyanteng tahimik na nakikinig sa kaniya.
"Listen, folks. Targets of bullying are often unable to remove the stigma of being a target no matter what they do. Even if you're an academically achiever —wala kang ligtas sa bullying. Lahat ay target— lalo kung mukha kang mahina. Like this lady beside me, most of the targets look weak which gave the bullies an idea that they can be easily mistreated. At kapag naging target ka na ng bullying, lalo sa mga campus katulad nito, tatatak na sa isip mo na mag-isa ka lang at walang ibang taong nais kang kaibiganin. Habang tumatagal ay bumababa ang kompiyansa mo sa iyong sarili, at mamamalayan mo na lang na unti-unti mo nang ina-isolate ang sarili mo sa lahat. At kapag nakita ka ng mga bullies na lugmok na lugmok na, doon ka pa nila lalong tatapakan.
And you, bystanders, never did anything to help them. You will only feel sorry for them kapag nasa kabaong na sila. Hanggang kailan niyo hahayaan ang ganito? Hanggang kailan kayo magpapatuloy ng ganito?"
Nakita niya ang pag-iwas ng tingin ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila— nasa mukha ng mga ito ang guilt.
Nagpatuloy siya. "Hindi niyo ba naisip na ang hindi niyo pagtulong sa mga target ng pambu-bully ay may konsekwensya rin? Nagbubulag-bulagan lang kayo kahit alam niyong may mali. Pero naiintindihan ko kayo. Alam kong ayaw niyong mangealam sa pangambang madamay at mapagdiskitahan din kayo. Pero... kaya ba ninyong patuloy na maka-saksi ng ganito?
I understand that some of you may just shrug their shoulders and choose not to intervene because you simply didn't care. Some would even align with the student who bullies and learn to blame the victim. But please... please think about it. The lack of intervention can lead the targets of bully to believe that no one ever cared anymore and that the world is not a safe place for them. Thus, the suicide attempts. Hindi ba kayo uusigin ng inyong konsensya kapag nangyari iyon dahil sa nanahimik lang kayo?
I once became a target of bullying but I fought hard to not be affected by it. Pero hindi lahat ng estudyante ay katulad ko. Hindi tayo pare-pareho. Others like this lady," she pointed the lady beside her who was still gaping at her, "has no idea how to defend themselves, so they would just end up conceding and letting these bullies to continue their cruelty— katulad ng nasaksihan niyo kanina." Muli niyang hinarap ang dalawang lalaking nasa kaniyang likuran na nanatili rin doon at nakinig sa litanya niya. "I refuse to be a bystander— I will never tolerate people like you. Kaya maniwala kayo, gagawin ko ang lahat para maturuan kayo ng leksyon!"
Mahabang katahimikan ang namayani sa paligid bago narinig ni Luna ang sunud-sunod na palakpakan mula sa mga naroon. She was stunned. Umikot ang tingin niya ay nakita ang respeto sa mga mata ng mga estudyanteng nakarinig sa litanya niya.
Sa gilid ng kaniyang mga mata'y nakita niya ang dalawang propesor na nasa likuran ng mga estudyante at nakangiti ring pumalakpak.
Huminga siya ng malalim saka itinaas ang mukha bago nagsalitang muli. "To prevent bullying, we should start by showing kindness and empathy to each other.
Sa araw na ito, ay kakausapin ko ang school officials tungkol sa bagay na ito. I will suggest to have the anti-bullying policies included in the student's handbook, which will be provided to all students including their guardians. These policies shall be clearly posted on the school walls and website. Everybody in this school should also sign an agreement to never engage in any bullying act inside or outside the school premises. At kapag lumabag sila at may karampatang parusa."
"Like punching and kicking as how the Alexandros did it before?" tuya ng isa sa dalawang lalaking nakasagutan niya kanina.
Muli niyang hinarap ang mga ito, at sa seryosong anyo ay, "Like a community service. Pagsama sa dump truck para maghakot ng basura, pagwalis sa kalsada mula alas-cuatro ng madaling araw hanggang alas dies ng umaga, paglinis ng mga public restrooms, be a traffic enforcer under the heat of the sun. Also, siguro ang pagtulong na rin sa mga charity works, tulad ng pagbisita at pagpapasaya sa mga bata sa mga orphanage at pag-alaga ng mga elderly sa mga nursing homes? Ang mga estudyanteng lalabag sa batas ng paaralan na imumungkahi ko ay pagdadaanan ang mga iyon upang matuto ng leksyon at nang makatulong naman sa komunidad. It may sound stupid to you, but just tell us about it kapag napagdaanan na ninyo."
Akmang sanang sasagot ang mga ito, subalit kaagad din siyang nagsalita. "Other than that, I think the university should also consider sending you bullies to a rehabilitation center and provide you therapies that would change your perspective in life. Para maalis sa isipan ninyo na hari kayo ng mundo at nasa inyo lahat ng karapatang manakit ng iba."
Ibinaling ni Luna ang pansin sa babaeng katabi na kanina pa namamangha sa kaniya. She smiled at her. "The targets and victims of bullying must also get psychological help. This is something I will need to suggest to the school officials. Pero kung hindi nila kayang ibigay ang bagay na iyon ay hihingi ako ng suporta sa mga taong kilala kong hindi tatanggi sa ideyang naisip ko."
Si Dani, na patuloy pa rin sa pagkuha ng video, ay nagtanong. "Sa mga taong kilala mo?"
Hinarap niya ang kaibigan. "Yes. They have the money and all the connections I need."
Nanlaki ang mga mata nito. "You didn't mean the—"
"The Alexandros. The school officials will help me get the policies up and running in the whole campus, but when it comes to providing professional help for the victims and sending the bullies to rehabilitations, sigurado akong tutulong ang Alexandros."
Ngumiti sina Kaki at Dani sa ideya niya, hanggang sa tumango ang mga ito bilang pagsang-ayon.
"And Dani, I will also need your help."
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Dani kasunod na pagsalubong ng mga kilay. "With what?"
"I need your voice to tackle gender inequality. Bullying through violence againts woman and discrimination againts the LGBTQ. Malaking porsyento sa komunidad natin ang LGBT na nakararanas ng bullying, kaya nais kong maging instrumento ka rin para ipalaganap ang adhikain natin na irespeto ang lahat at tigilan ang diskriminasyon sa sekswalidad. This is something we should work on, as well."
Naitakip ni Dani ang mga palad sa dibdib at maluha-luha siyang tinitigan. "Oh gosh, Luna... I am loving you more and more."
Malapad siyang ngumiti. "I am doing this because I wish to continue Ryu Donovan's will to protect those who needs protection, and to stop bullying. In a different way, that is."
Sina Kaki at Dani ay muling tumango, at sabay na nagsabi ng,
"We will support you."
"Us, too!" sigaw naman ng mga estudyante sa paligid.
"We refuse to be a bystander anymore," sabi naman ng iba.
Maluha-luha siya habang pinagmamasdan ang mga estudyante sa kaniyang harapan na nag-uusap-usap kung papaano makatutulong.
And right there and then, she found her purpose.
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE