Kinunutan ng noo si Luna nang sa pag-akyat niya sa ikalawang palapag ay nakita sina Seann, Jet, Blaze at Raven sa pasilyo at nakasandal sa pader. They all looked so stressed— and angry.
Bago siya tuluyang makalapit ay bumukas ang pintong nasa harapan ng mga ito at iniluwa sina Kane, Grand at Marco, na katulad ng apat ay tila binagsakan din ng mundo.
Nang makita siya ng mga ito ay sandaling nagkalambong ang mga mata bago sabay na umiwas ng mga tingin.
"Are you all okay?" Hindi niya napigilang itanong.
Subalit isa man sa mga ito'y walang sumagot.
Si Mrs. Donovan na nasa unahan niya'y nagtanong din. "Were you all able to see him?"
Si Marco, na nagdidilim ang anyo, ang siyang sumagot. "Yes, Ma'am. We couldn't believe what we saw. It was..." Napatingin ito sa kaniya, at imbes na magpatuloy ay napabuntong hininga na lang at muling umiwas ng tingin.
Doon siya biglang kinabahan. Akma niyang kakausapin si Marco nang nilingon siya ni Mrs. Donovan.
"Let's go, Luna?"
Tumango siya at tinapunan muna ng nagtatakang tingin ang mga lalaki bago lumapit sa ginang.
Pagkarating sa pinto ay humugot siya ng malalim na paghinga.
Nang buksan ni Mrs. Donovan ang pinto ng silid ay malaking salaming bintana kaagad ang unang bumungad sa kaniya. The glass window was overlooking the Zen garden, which brought a relaxing vibe in the room.
Sa nanginginig na mga tuhod ay humakbang siya papasok sa malaking silid. At sa pagpasok niyang iyon ay kakaibang tunog kaagad ang kaniyang naulanigan.
A beeping machine.
A frown wrinkled her forehead as she continued to walk in. At nang tuluyan na siyang makapasok at makita kung ano ang mayroon sa loob ay awtomatikong umangat ang mga kamay niya sa kaniyang bibig.
She almost didn't recognize the unconscious man lying in the bed with bandages from his head to his chest. There were oxygen tank, IV stand, and a monitor screen at the side of his bed which was where the beeping noise was coming. Ang nakapanlulumo pa ay ang iba't ibang klase ng mga tubong naka-kabit sa katawan nito, including the tube that was placed through his nose.
Hindi niya nagawang ipagpatuloy ang paghakbang. She was stunned, unable to think or move for a second. Bigla na lamang ay naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa kaniyang mga pisngi.
Ibinaling niya ang pansin sa mukha ng pasyente at doon ay lalo siyang nanlumo. Hindi siya makapaniwalang si Ryu ang naroon at walang malay na nakahiga sa kama.
Ang ulo nito'y nakabalot ng benda, ang ilalim ng mga mata nito'y bahagyang nangingitim at may ilang maliliit na sugat din ito sa mukha. Bumaba pa ang tingin niya sa mga braso nitong may mga pagaling na ring sugat.
Hindi siya makapaniwala.
She wanted to just drop herself on the floor and weep. Awang-awa siya sa kondisyon ni Ryu.
"Luna," ani Mrs. Donovan kasabay ng banayad na paghawak nito sa balikat niya. "Would you like to see him closer?"
She glanced at Ryu's mother helplessly. Hindi pa rin niya maalis-alis ang mga kamay sa bibig upang pigilan ang sarili sa paghagulgol.
Mrs. Donovan released a heavy sigh. "If you can't take the view, we can just—"
"N—No..." umiling siya. Naisip niyang ipinagkamali ng ginang ang reaksyon niya sa takot. Ibinalik niya ang tingin sa lalaking walang malay na nakahiga sa kama. Hindi niya maiwasang magpakawala ng mahinang paghikbi habang dahan-dahang humakbang palapit.
Pakiramdam niya, sa bawat paghakbang niya ay nanghihina siya.
Habang papalapit ay nagiging mas malinaw ang hitsura ni Ryu.
He looked like he was beaten—to death.
Patuloy siya sa mahinang paghikbi hanggang sa makalapit. Ibinaba niya ang isang kamay upang hawakan ang palad ni Ryu.
"Ryu..." she whispered. Tuluy-tuloy lang ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Dinala niya ang isang pang kamay sa pisngi ni Ryu upang damahin ito roon.
Napapikit siya. Ryu... can you feel me?
Sa mahabang sandali ay naroon lang siya at tahimik na dinadama ang pisngi at palad ni Ryu. She was hoping that Ryu would feel her, in his unconscious mind, right there by his side.
Muli niyang binuksan ang mga mata at nilingon ang ginang na nakatunghay sa kaniya.
"Please tell me what happened, Mrs. Donovan..."
Humugot ng malalim na paghinga ang ginang bago ito humakbang patungo sa paanan ng malaking kama. Sandali muna nitong pinagmasdan ang walang-malay na anak bago nag-umpisang magsalita. "I was at the restaurant one evening when I received a call from the police station. Ryu was found unconsious, almost dead, in an alley. He was beaten up and left to die."
A sharp gasp escaped her throat. "Who would... do that to him?"
Muling bumuntong-hininga ang ginang. "Ayon sa report ay may walong lalaki ang humarang kay Ryu habang naglalakad ito doon sa bayan. Sandaling nakipag-usap sa kanila ang aking anak bago nila dinala si Ryu sa isang eskinita. May isang batang lalaking napadaan at nakita kung paanong nilabanan ni Ryu ang mga lalaki, but the boy ran away when one of these men spotted him and yelled at him. Fortunately, may dumaang patrol car at kaagad na humingi ng saklolo ang bata. These men, who were all wearing bandanas on their faces to hide their identities, ran away when they heard the approaching police cars.
My son was already in the hospital when I learned about what happened. He was stabbed multiple times. Those men were trying to kill him."
Nanlambot ang mga tuhod niya sa narinig. Kanina pa niya pinipigilan ang sariling lumuhod, hindi kaya ng katawan niya ang nakikitang kondisyon ni Ryu.
"He also had a serious skull injury— ayon sa medical reports ay nagmula iyon sa isang matigas na bagay na hinampas sa ulo niya. Bagay na maaaring dala ng mga suspects. Other than that, two ribs were broken and his face turned purple. Hindi pa kasama roon ang mga saksak na tinamo niya. Dalawang operasyon ang pinagdaanan ni Ryu upang mauwi sa lagay na 'yan, Luna. He was... barely alive when he was found. Ang mga lalaking iyon ay planong patayin ang aking anak."
Ramdam ni Luna ang sakit sa bawat salitang lumabas sa mga labi ni Mrs. Donovan. Ramdam niya kung gaano ka-hirap ang loob nito sa nakikitang kondisyon ng anak. She knew— because she felt the same. Hindi niya magawang isipin kung ano ang naramdaman nito noong unang nalaman ang nangyari kay Ryu. Kung siya iyon ay baka nahimatay na siya sa labis na pag-aalala.
"Nagpasya akong huwag nang iparating sa publiko ang nangyari," patuloy ng ginang. "Subalit siniguro namin ng aking asawa na hindi titigil hanggang sa hindi nahuhuli ang mga may sala. The investigation is still on going. Isinekreto ko ito sa lahat, kabilang na sa mga kaibigan ng aking anak, dahil alam kong maaaring ang naging sanhi ng nangyaring iyon kay Ryu ay sa reputasyon niya—nila— sa CSC. Maaaring isa sa mga kinalaban nilang estudyante sa unibersidad ang nagtanim ng galit sa kanila at nagplanong paghigantihan ang grupo nila sa pamamagitan ni Ryu, being the leader of the group. And I can't let the public know of this dahil ayaw kong madamay ang pangalan ng mga kaibigan ni Ryu."
Hinayaan niya ang mga luhang malayang dumaloy sa kaniyang mga pisngi habang nanatiling nakikinig sa ginang.
"Ryu's friends belong to a family who have already endured enough publicity. Ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Ang nais ko na lamang ay ang madakip ang mga gumawa nito sa anak ko."
Matagal muna niyang pinagmasdan si Ryu bago may naisip na itanong. "How is he now? Is he getting better?"
Matagal din bago siya sagutin ng ginang. "He's in a coma since the day he was found in the alley."
Doon na bumigay ang mga tuhod niya.
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE