Chereads / My Heart Remembers / Chapter 34 - MHR | Chapter 32

Chapter 34 - MHR | Chapter 32

"Hey."

Napakapit ng mahigpit si Luna sa mga braso ni Marco nang maramdaman ang pag-alalay nito sa kaniya. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kaniyang likuran, at kung hindi ito naging maagap ay baka nagtuluy-tuloy siya sa sahig.

Inalalayan siya nitong maupo sa single sofa na nasa gilid ng higaan ni Ryu. Napatingala siya rito at umusal ng pasasalamat na sinagot lang nito ng tango. Lumampas ang tingin niya kay Marco nang makita ang pagpasok ng iba pang mga kaibigan ni Ryu.

Si Mrs. Donovan na biglang nag-alala sa nangyari sa kaniya ay nagsalita. "I know you are tired from a long flight, hija. Mabuti sigurong magpahinga ka na muna doon sa guest room."

Sunud-sunod siyang umiling. "I'm.. fine, Ma'am." Muli niyang ibinalik ang tingin kay Ryu. "Please... I need to know more of what happened."

Napatingin muna si Mrs. Donovan kay Marco na tumango upang sumang-ayon. Nagpakawala ng malalim na paghinga ang ginang bago nagpatuloy.

"Ryu was hospitalized for a few days before my husband and I decided to bring him here. Matapos ang karagdagang operasyon at sandaling pananatili sa ospital ay inuwi na namin si Ryu sa mansion. May dalawang private nurse na narito upang i-monitor ang kondisyon ng aking anak, and twice a week, his doctors would come visit to check on him."

Banayad niyang pinisil ang palad ni Ryu. Ang kaniyang mga mata ay nakapako pa rin sa namumutla nitong mukha. "When did it happen...?"

Mahalaga pa ba kung kailan nangyari iyon? bulong ng kabilang bahagi ng isip niya.

Hindi ba't ang mahalaga na lang ngayon ay magising si Ryu at mahuli ang mga salarin?

"It happened in the second week of his suspension from the university. Ilang araw siyang nagkulong sa bahay noon dahil..." Mrs. Donovan's sentence trailed off.

Nag-angat siya ng tingin upang salubungan ang mga mata nito. Doon niya nakita ang muli nitong paghugot ng malalim na paghinga.

"Nabanggit sa akin ni Ryu na hiniling mong layuan ka na niya at simula noon ay hindi na lumabas pa ng bahay ang aking anak. Noong umaga na maganap ang insidente, nasa restaurant ako nang makatanggap ng tawag mula sa kaniya. Nagpaalam siyang pupunta sa university upang muling kausapin ang school commitee tungkol sa suspension niya. He was also planning to meet his friends and to also see you, Luna. Pero... bago pa man niya marating ang CSC ay hinarang na siya."

Muling bumagsak ang mga balikat niya. Walang paninisi sa tinig ni Mrs. Donovan subalit hindi niya maiwasang makadama ng guilt.

'I love her, still. Just one last time. I need to see her one, last time...'

Hindi niya maiwasang isipin na iyon ang huling entry ni Ryu sa journal bago mangyari ang insidente.

"Those guys were probably waiting for Ryu to show himself in the public," komento ni Marco na nanatiling nakatayo sa tabi niya. "At bago pa man tayo lumipad dito ay may mga inutusan na kami ni Grand upang mag-imbestiga."

Tiningala niya si Marco. "Did you find out who did this?"

Si Grand na kanina pa tahimik sa likuran niya ay nagsalita na rin. "Hindi pa kompirmado, pero may hinala na kami kung sino."

Nagpahid muna siya ng mga luha bago nilingon si Grand. "Sino?"

"It's too early to say. Pero kapag na-kompirma na namin ay isa ka sa unang makakaalam."

Si Marco ay nagsalitang muli. "Don't worry. We won't stop until everyone's involved in this case is sent to jail."

She had no words to say anymore. She was in distress. Ibinalik niya ang tingin kay Ryu ay sa mabigat na kalooban ay pinagmasdan ito. Payapa itong humihinga sa tulong ng oxygen, pero alam niyang... nararamdaman niyang hirap na hirap na rin ito sa kalagayan.

And she wished she could do something to help him. She wished she could offer her strength.

Kahit ang buong grupo ay sandali ring natahimik habang pinagmamasdan ang walang malay na si Ryu, nasa mukha ng mga ito ang matinding galit sa gumawa ng mga iyon sa kaibigan at lungkot sa nakikitang sitwasyon nito.

Matagal silang ganoon lang sa loob ng silid hanggang sa may kumatok sa pinto. Inagaw niyon ang pansin nilang lahat.

Dalawang naka-unipormeng lalaki ang pumasok. Iyon ang mga nurses ni Ryu, ang isa ay may bitbit na tray ng mga gamot habang ang isa nama'y may dalang tray kung saan may nakapatong na mga gauze rolls, suture kit at alcohol pads. Nagsabi ang mga itong oras na ng gamot ni Ryu at pagpalit ng mga benda, kaya nagyaya na si Mrs. Donovan na lumabas.

"I want to stay with Ryu tonight, if you don't mind?"

Natigil sa akmang pagbaba ng hagdan si Mrs. Donovan nang marinig ang sinabi niya. Kahit ang mga binatang nauna nang bumaba ay nahinto at napalingon sa kaniya.

She cleared her throat, "Gusto ko lang po sana siyang bantayan ngayong gabi. Can I?"

Pleased, Mrs. Donovan's lips stretched for a smile. "Of course you can, Luna."

*****

Pagdating ng gabi ay nakilala ng lahat ang ama ni Ryu— si Mr. Ken Donovan. He was a tall man with a businesslike attitude. Doon napagtanto ni Luna na ang pisikal na kaanyuan ni Ryu ay nakuha nito sa ama, subalit ang ugali ay nakuha sa ina.

She was intimidated by him and was barely looking at him during dinner. Ang grupo nama'y normal lang na nakipag-usap sa ginoo, as if they were used to talking to people like him.

Stupid! Of course they are used to dealing with people like Ken Donovan! They all came from a wealthy family after all!

Matapos ang hapunan ay niyaya ng ama ni Ryu ang buong grupo na magtungo sa study room upang pag-usapan ang tungkol sa imbestigasyon, samantalang siya nama'y dinala ni Mrs. Donovan sa tea room.

She tsked in her mind when she was brought in a room exclusively used for tea time. Hindi siya sanay sa ganoon— sa karangyaan.

Oh, hindi sila mahirap pero hindi rin mayaman. Ang Papa niya ay isang lawyer sa isang maliit na law firm sa bayan nila, habang ang mama naman niya'y isang nursery teacher. Maayos at komportable ang kanilang pamumuhay subalit hindi katulad sa lebel ng pamumuhay mayroon ang pamilya Donovan. Kanina pa siya namamangha sa karangyaang nakikita sa paligid!

The Donovan's mansion had thirteen huge rooms! Hindi pa kasama ang mga silid na naroon sa first floor. One of them was the study room and the other was a huge theater room na pinasilip sa kaniya kanina ni Mrs. Donovan. Sinabi nitong iyon ang paboritong silid ni Ryu sa buong bahay.

Nang marating nila ang tea room ay lalo siyang nailang— she was having a tea with Mrs. Donovan in a traditional kind of way.

Ryu's mother called it ryūrei. Mayroong isang katiwala na uma-asiste sa pagbibigay sa kanila ng tsaa at minatamis na hindi niya alam kung ano ang tawag. It was so traditional na kulang na lang ay mag-bow din siya sa bawat pag-abot ng tsaa at minatamis sa kaniya.

"Thank you for being so kind to me, Mrs. Donovan," aniya makalipas ang ilang sandali. Nakayuko siya sa teacup niya. "Kahit alam ninyong hindi naging mabuti ang turing ko noon kay Ryu ay tinanggap niyo pa rin ako dito sa..." inikot niya ang tingin sa paligid. "...mansion ninyo." Oh gosh, I will never get used to this.

Mrs. Donovan chuckled. "I am really happy to have finally met you, Luna. Noong sinabi ni Marco na kasama ka nilang darating ay sobra akong natuwa."

Nagpakawala siya ng pinong ngiti saka nilaru-laru ang bibig ng teacup niya. Ilang sandali pa ay,

"Mrs. Donovan, would you mind if I ask you a question?"

"Not at all, hija. What is it?"

"Tungkol po sa sinabi niyo kanina..."

"Alin doon sa mga sinabi ko?" nakangiti nitong tanong bago dinala sa bibig ang teacup.

"Sinabi po ninyong pinili niyo na itago ang nangyari kay Ryu sa publiko at pati na rin sa mga kaibigan niya dahil ayaw ninyong madungisan ang pangalan ng mga ito. That they've already endured enough publicity to get involved in this. I don't understand it. Surely, walang pakealam ang mga iyon na madamay sa imbestigasyon."

Ibinaba muna ng ginang ang teacup sa mesa bago siya sinagot. "Sa katunayan ay nakausap ko na rin ang mga batang iyon tungkol sa bagay na iyan at naipaliwanag ko na rin ang dahilan ng paglilihim ko sa kanila."

Tumango siya at hinintay na dugtungan nito ang salaysay.

"It's true that none of them was introduced to me but I already know their story. Gabi-gabi, tuwing nasa harap kami ng hapag ay napag-uusapan namin ng aking anak ang tungkol sa mga kaibigan niya at pati na rin sa'yo. At sa pamamagitan noon ay unti-unti ko kayong nakilala lahat.

I can't let the public know of what happened to Ryu dahil alam akong masasangkot ang pangalan ng mga kaibigan niya sa imbestigasyon. I was just trying to protect them and their families. They have already endured enough publicity in their lives para isali ko pa sila sa kinakaharap ng pamilya namin.

As you know... Grand is the only heir of Falcon Enterprise. Maraming bali-balita ang nagsasabing pinatay ng ama nitong si Mr. Ricardo Falcon ang baldadong kapatid upang mapunta rito lahat ng mana. At nang dahil doon ay hindi naging maganda ang tingin ng iba sa pamilya nila.

And Kane Madrigal... The deaths of his parents have been the talk of the town. Pinatay ng ama nito ang asawa dahil sa panlalalaki at pagkatapos ay kinitil din ang sarili, leaving Kane alone to face the scandal.

While Marco Sansebastian is a rich man's bastard. His Greek father owns a huge winery in Australia at dating trabahador doon ang ina nito. Marco's father, Michael Armesetti, impregnated Lorriete Sansebastian. He sent her back to the Philippines to give birth and to hide his infidelity from his wife, who was then a popular TV personality in Australia. Hanggang ngayon ay patago pa ring nakikipagkita si Marco sa ama nito.

As for Jet Yuroshi. His father is a Yakuza boss. Sa dami ng kalaban ng ama nito'y pinadala ito sa Pilipinas upang itago nang sagayon ay hindi madamay sa gulo. Ayokong guluhin lalo ang magulo na nitong buhay.

And Raven... He was once sent to prison for alleged rape. Pinagbintangan itong nanggahasa ng kasintahan at matagal na iyong nilimot ng binata. Ayaw kong halukayin pa ang nakaraan nito sa pamamagitan ng pagkakasangkot ng pangalan nito sa nangyari kay Ryu.

And then, there's Seann Ventura. His mother is planning to run as a governor at ayaw kong isangkot ang pangalan niya sa problemang ito.

Whilst Blaze Panther was abandoned by his father. At dahil doon ay nagkasakit ang ina nito at... dinala sa isang mental asylum.

So, do you understand now, Luna? Ang mga kaibigan ni Ryu ay may kaniya-kaniyang problema sa buhay. May kaniya-kaniyang itinatagong sikreto at may mga pangalang inaalagaan. I can't let them get involved in this. Napili kong isikreto ito at ipinalabas na umalis lang ng bansa si Ryu dahil ayaw kong idawit sila rito. Ayaw kong guluhin lalo ang buhay nila."

Bagaman namangha sa impormasyong nalaman tungkol sa grupo ay nanatiling mahinahon si Luna. "But... they are his friends, Mrs. Donovan. Itinatag nila ang grupo nila at nagsumpaang tutulungan ang bawat isa. They promised to never turn their back on each other."

"I know, hija. Iyan din ang sinabi sa akin nina Marco noong unang nakausap ko sila sa telepono matapos malaman ni Grand ang nangyari." Iris released a heavy sigh. "Matagal ko nang gustong makilala ng personal ang mga kaibigan ng aking anak subalit hindi nagkaroon ng pagkakataon. These guys have their own, seperate lives outside the campus..." Muli nitong dinampot ang tasa ng tsaa at dinala sa bibig. Mrs. Donovan sipped a little before putting down the cup. "Anyway, they are all here now and Ryu would surely be happy. Sana ay magising na ang anak ko upang makita niya kung gaano siya ka-swerte sa mga kaibigan niya."

Nakangiti siyang tumango. Muli rin niyang dinala sa bibig ang teacup at marahang humigop.

"By the way, would you like to go to Ryu's room after this? Gusto kong ipakita sa'yo ang mga lumang larawan niya."

She nodded excitedly. "I'd love to, Mrs. Donovan."

"Oh, and also... You can just call me Tita. You don't have to be so formal. Malay mo, sa pag-gising ng anak ko'y Mommy na rin ang itawag mo sa akin?"

Lalo siyang napangiti, na tila ba bahagyang nabawasan ang sakit at lungkot na nararamdaman niya sa sirkumstansiyang kinakaharap nila.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE