Chapter 94 - Chapter 14

"ANONG ginagawa mo dito sa Barlig?" nakataas ang kilay na tanong ni Reda Belle nang maabutan siyang nagta-type sa laptop niya habang umiinom ng Barlig coffee. Inaalala niya ang mga pagkakataon na nakilala niya si Jeyrick. Maari niyang magamit iyon sa article niya kung sakaling siya ang makakakuha ng exclusive interview dito. Malaking advantage para sa kanya dahil personal niya itong nakilala.

"Bakasyon ko," kaswal niyang sagot.

Halos umabot sa anit nito ang kilay sa sobrang taas. "Sa dinami-dami ng lugar talagang dito ka pa sa Barlig napadpad. Nananadya ka ba?"

"E sa dito naman talaga ako magbabakasyon. Nangako ako sa isang friend ko na babalik ako dito sa Barlig. Gusto kong magpahinga sa trabaho. Sabi n'yo sa Bauko ka pupunta. Bakit napadpad kayo dito?"

"Wala si Carrot Man sa Bauko. Nalaman namin na dito pala siya nakatira sa Barlig kaya pumunta kami dito."

"Sabi ko sa iyo si Jerwin si Carrot Man. Ayaw mo lang maniwala," tungayaw ni Janz sa kanya.

"Jeyrick, hindi Jerwin," pagtatama niya. "E sa malayo ang itsura niya sa picture. Saka malay ko kung bakit siya nagbubuhat ng carrots sa Bauko."

"Miss Reda, bakit hindi kayo kumuha ng information kay Madison tungkol kay Carrot Man? Pwede natin siyang ma-interview dahil nagkasama naman kami sa tour dito sa Barlig dati."

Isang magandang ngiti ang ibinigay ng babae sa kanya. "Naku! Baka mamaya sabihan pa si Madison na famewhore na sumasakay sa kasikatan ni Carrot Man."

"Ako na lang ang magpapa-interview. Okay lang sa akin na tawaging famewhore," sabi ni Janz.

"The bigger question is, sino si Paloma sa buhay ni Carrot Man?" tanong ni Reda Belle.

"Madam, baka may relasyon sila dati. Inilabas na ng Star Network Manila ang video nang mag-audition si Carrot Man dati sa A Star is Born kasama si Paloma. Si Paloma ang napasok sa competition at wala nang narinig mula kay Carrot Man mula noon," paliwanag ng researcher at PA ni Reda Belle.

"Tapos bumalik ngayon si Paloma sa buhay ni Carrot Man para tulungan siya na iahon sa pagiging simpleng magbubuhat ng carrot at magsasaka. How romantic!" kinikilig na usal ni Reda Belle.

Anong romantic? That is tragic! Sumasakit na ang ulo ni Madison. Noong una ay wala pa siyang karibal kay Jeyrick. Ngayon ay may Paloma sa buhay nito. At hindi basta-basta karibal ang babae. Maganda ito at isang sikat na singer. Ang totoo niyan ay dating nobyo ng babae ang isa sa pinaka-hot na leading man sa bansa. Bali-balita pa nga na ayaw na itong balikan ni Paloma ang naturang artista. May kinalaman kaya si Jeyrick? Kung may relasyon sila dati, posible bang magkabalikan pa ang mga ito?

"Hindi kailangan ni Carrot Man ng isang babae na iiwan siya sa huli. Kailangan niya ng magmamahal at susuporta sa kanya."

"Oo nga. 'Yung pagsisilbihan siya."

"At handang magpaalipin sa kanya."

"At anong media outfit kayo?" tanong ni Reda Belle sa mga ito.

"Ako ang destiny ni Carrot Man."

"Ako ang magiging bride niya."

"Ako ang naunang sumakay sa jeep na papunang Barlig."

"Ako naman ang pumara kanina at unang bumaba. Ako ang unang nakatapak sa lupain ng Barlig kaya akin siya."

"Basta sa akin siya. Kaya shut up na lang kayo."

"Hindi kayo reporter?"

"Hindi. Pero ako ang dahilan kaya nag-viral siya ngayon."

"Ikaw ba ang kumuha ng picture niya?"

"Hindi. Pero naka-tag ako. Ako ang nandoon nang kuhanan siya ng picture. Ako rin ang nag-share ng picture niya at nagpalaganap sa mga groups na sinalihan ko sa Facebook. Kaya ako ang babae para sa kanya."

"Kayo pala ang dapat kong ma-interview, Miss," anang si Reda Belle at sinenyasan si Janz para kuhanan ng video ang babae.

Sasabog na ang utak ni Madison. Madami lalo siyang karibal kay Jeyrick dahil sa pagiging viral nito. Sumunod pa dito hanggang sa Barlig. Ibang klase ang karisma ng lalaki. Bigo siya na masolo si Jeyrick. At sa paglipas ng sandali ay parang palayo siya nang palayo dito.

Kasalanan din naman niya ito kaya mas mahihirapan siya kay Jeyrick ngayon. Kung hindi niya ito inaway dahil sa panunukso nito sa kanya kay Lerome, sana ay open pa ang communication nila. Baka sakaling natawagan agad niya ito nang malaman niya ang pag-viral nito. Sa kanya na sana ang exclusive interview. Pero isa silang malaking palpak - sa career at sa pag-ibig.

"Press conference will start in ten minutes," anunsiyo ni Lerome.

Dali-daling pumili ang dalaga ng upuan para di siya maunahan ng iba. Ang unahang mesa ang inokupa niya.

"At bakit nandito ka pa rin?"

"Bakit naman hindi? Masama bang makibalita kay Jeyrick?"

"Wala akong tiwala sa iyo. Malay ko kung ano ang ibalita mo tungkol sa kanya..."

"Di ko trabaho na i-cover si Jeyrick. It is their job." At ngumuso siya kay Reda Belle na fake na fake ang ngiti habang kausap ang naka-diskubre daw kay Jeyrick na si Chacha. "Saka fans nga ni Jeyrick nandito. Bakit naman hindi ako samantalang magkaibigan naman kami. Moral support man lang."

"Sinungaling ka. Alam ko na gusto mong maka-scoop kay Jeyrick. At sinasabiko sa iyo na malabong mangyari iyon. I will do everything to stop you."

"Alam mo, nakakainsulto ka na talaga. Ganyan talaga kababa ang tingin mo sa akin. Maayos kong ginawa ang trabaho ko. Napanood mo naman ang feature namin sa Barlig, hindi ba? Oras na mag-summer, maraming pupunta dito lalo para magbakasyon dahil sa exposure sa travel program..."

"Oportunista ka. A good one. At hindi ko hahayaang manalo ka."

"OA ka. Ako na nga itong na-Indian ni Jeyrick sa usapan namin, ako pa rin ang masama. Alam mo, dapat maging mabait ka sa akin. Turista ako. Baka sa halip na i-recommend ko sa mga kaibigan ko ang turismo dito, sabihin ko pa na hindi maganda ang trato sa akin ng tourism officer dito. Gusto mo ba na iyon ang maibalita?" Natigilan ito. Magaan niyang tinapik ang pisngi ng lalaki. "So be very, very nice to me."

Sinapo nito ang kamay niya at nahigit niya ang hininga. Inilapit nito ang mukha sa kanya. "I am very nice to you. Hindi pa kita kinakaladkad paalis ng Barlig, hindi ba? Don't mess with my town. Don't mess with my friend. Don't mess with me."

Nablangko ang utak ni Madison. Sa halip na magalit kay Lerome sa banta nito sa kanya at umiisip ng intelehenteng sagot dito ay nakatitig siya sa mga labi nito. Nafa-facsinate niya sa bawat pagkibot nito. Nahihipnotismo siya. Why did this man had sexy lips? She was heady with his minty breath. At sa isipan niya ay di niya nakikita ang galit na lumalabas sa galit nito. She could imagine him kissing her ferociously.

Nang bigla na lang itong tumigil sa pagsasalita. Nagtataka pa niya itong tiningnan. Nang iangat niya ang mga mata ay nakatitig ito sa kanya. Parang hinihintay kung ano ang isasagot niya dito. Subalit hindi na ito galit. Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang apoy sa mga mata nito. There was wonder in his eyes.

Ano ba ang nangyayari sa kanila ni Lerome. Nasa gitna sila ng isang matinding argumento. Walang sinuman sa kanila ang magpapatalo. Pero ngayon ay pareho silang natameme. Lumamlam ang mga mata nito at naramdaman niyang dumako sa mga labi niya. Iniisip din ba siya nitong halikan gaya ng nasa balintataw niya kanina?

Ano kaya ang gagawin niya kapag hinalikan ko siya? Tumili si Madison sa isipan niya. Seryoso ba ito? Iniisip ko talagang halikan si Lerome? Nandito ako para kay Jeyrick at nadi-distract ako sa impakto niyang bestfriend.

"Excuse me! Hindi pa ba tayo magsisimula ng presscon?"

Pareho silang naghiwalay ni Lerome. Tumikhim ito. "May five minutes pa bago ang presscon. Help yourselves with the coffee."

"Sabi na nga ba nasa loob ang kulo mo."

"Nag-uusap lang kami tungkol kay Jeyrick."

"Usap? You were about to kiss."

"Hindi ko siya hahalikan. Di lang kami magkaintindihan dahil mainga ang sound system. Nagsa-sound check sila. At kung mag-eeskandalo ako, hindi sa harap ng maraming tao at makikita mo."

"I don't now. Maybe you want to show me how powerful you are. Na kaya mong gawin ang kahit ano para lang maka-scoop. You are ambitious, I know."

"Kaysa ako ang pag-initan mo, bakit hindi ka na lang mag-focus sa press conference nila? Mauubusan ka na ng upuan."

Iniwas niya ang tingin kay Lerome na kausap ang isang pulis. Nang lumingon ito sa direksyon niya ay bigla siyang bumaling kay Manang Lourdes na may-ari ng inn at nag-request ng mainit na noodles.

Eyes on the goal, Madison, not on the bestfriend. Hindi na siya papayag na ma-distract pa ulit sa susunod. Kay Jeyrick pa rin siya.