Chapter 79 - Final Chapter

"SUNNY, eksenadora ka talaga. Ikaw na lang ang hinihintay," angal ni Hepburn nang tawagan siya sa cellphone. "Kundi lang talaga ikaw ang photographer dito, hindi ka namin hihintayin para sa ribbon cutting. Naiinip na ang mga tao."

Nakaabang na si Jeyrick paglabas niya ng sasakyan. He looked gorgeous in his white tuxedo. Nakatirintas din ang buhok. Ito lang ang lalaking kilala niya na binagayan ng tirintas. "Mabuti dumating ka."

"I am sorry, Jeyrick. Gusto kong magpaliwanag sa nangyari."

"Hindi ito ang oras para diyan," sabi nito at kumaway sa mga reporter.

Lalo siyang natensiyon. Nakasalalay din ang career ng lalaki pero sa kanilang dalawa, siya ang mas naba-bash. Hindi ito ang sinisisi ng fans.

Matapos ang ribbon-cutting ay pinili na lang ni Sunny na tumahimik. Nanay niya ang aktibo sa pakikihalubilo sa press. Di niya alam kung paano nito nagagawang humarap sa mga tao na parang wala itong kasalanan.

Kinatok ni Jeyrick ng kutsara ang kopita ng red wine nito para kunin ang atensiyon ng mga tao. "Gusto ko pong magpasalamat sa pagdalo ninyo sa exhibit namin. Alam na ng lahat kung saan ako galing at kung ano ang istorya ko. Pero wala ako dito kundi dahil sa photographer ko na si Sundrea Angeles. Mas maganda siguro kung makikilala pa natin siyang mabuti."

At lumabas ang video tribute sa kanya sa isang malaking screen. Maging ang maliliit na LED screens sa paligid ng gallery ay umandar din ang video niya. Ipinakita doon ang pagsali niya sa photo contests hanggang kalaunan ay nag-cover siya sa tribo ng mga Lambayan. Naiyak siya nang ipakita kung gaano siya kamahal ng mga Lambayan sa Kanayama. Binati rin siya ng mga tao doon at nagsalita rin ang mga taga-Lambayan kung gaano siya kabuting tao.

At inalis ni Hero ang tabing na puting tela sa isa sa mga kuwadro doon. Black and white picture niya iyon habang yakap si Kimea. Ngayon lang niya nakita ang picture na iyon. "Ito ang nag-iisang picture sa exhibit na ito na hindi ako ang subject at hindi si Sunny ang photographer. Tinatawagan ko si Mr. Hero Gervacio."

Nahigit ni Sunny ang hininga. Nandoon si Hero. He was a wearing ang blue gray suit. Nakalugay ang buhok nito at nakasuot ng salamin. Nagkagulo ang mga photographer at cameraman sa pagtutok dito.

"Oh, gosh! May dalawa tayong Carrot Man?" di makapaniwalang usal ni Madison.

"No. That's my hero," usal ni Sunny na parang may bikig sa lalamunan. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit naroon ang nobyo pero kinakabahan siya sa anumang sasabihin nito.

"Good evening. I am Hero Gervacio, the man who loves Sundrea Gervacio and her boyfriend." Itinaas ng lalaki ang kamay sa sunod-sunod na tanong ng mga reporter. "We released my statement online. Lahat ng tanong ninyo tungkol sa relasyon namin ay masasagot doon."

Di na napigilan ni Sunny ang sarili at niyakap ang nobyo. Takot na takot siya noon na sabihin nito sa lahat na mahal siya nito pero masarap pala sa pakiramdam. Sana hindi siya nag-alinlangan sa pagmamahal nito noon pa.

"Thank you for coming, Hero. Di ko inaasahan ito. And I'm sorry," aniya at napahikbi. Hindi siya naging maging girlfriend dito.

"At sa mga nagsasabing masama siyang babae o mang-aagaw siya ng boyfriend, I hope you will take it back now. I hope you are all here to support the charity foundation for indigenous people," pahayag ni Hero.

"Kapag pala gusto kong magbakasyon bilang Carrot Man, pwedeng-pwedeng pumalit si Sir Hero," nakangising sabi ni Jeyrick.

Niyakap niya ang nobyo. "Hindi ako papayag. Dadami ang karibal ko."

Tumawa lang si Hero at iginiya siya palayo para magbigay-daan sa programa. Hinagilap ng mga mata niya ang ina pero parang nawawala ito. Napilitan siyang tawagan ito sa cellphone. "Mom, where are you? I want you to meet Hero."

"Umalis na ako sa exhibit. Nahihiya ako na ipakilala ako bilang nanay mo. I... I did you wrong. Tama ka. Nasanay na ako sa buhay na kinalimutan ko na kung paano mahiya. I was expecting you to do the same. Natauhan ako nang makita ko kung gaano ka kasaya kasama si Hero. Ipinagmamalaki ka niya sa lahat. Iyan ang pagmamahal na pinapangarap ko pero di ko nakuha. Pagmamahal na nakuha mo pero muntik ko nang sirain. I am sorry for being a bad mother."

Naawa siya sa ina. Buong buhay nito ay wala itong inasam kundi mahalin ng maling lalaki. Baka pakiramdam nito ay tinalikuran na ito ng lahat. She must have felt so lonely right now.

"Mom, I know you did your best."

"Mapapatawad mo ba ako?" tanong nito.

"Opo. I love you, Mom."

"Babawi rin ako sa iyo, anak. Babawi rin ako. Kailangan ko lang sigurong hanapin kung ano ang totoong magpapasaya sa akin. Thank you for showing me what love is supposed to be. Sabihin mo iyan kay Hero. But for now, enjoy your night. You are one talented person. You deserve all the success."

Mabigat man sa loob ni Sunny na di kasama ang ina pero para rin iyon sa kabutihan nito. Kailangan nitong hanapin ang sarili nito, isang bagay na matagal na niyang ipinagdadasal na mangyari.

"Nasaan ang Mommy mo?" tanong ni Hero matapos ang pag-uusap nila ng ina sa cellphone.

"Kailangan muna niyang mapag-isa ngayon. But she wants to apologize. Siya ang nagpadala ng pictures natin sa showbiz blogger. Gusto daw kasi niyang mapag-usapan ang exhibit ko. I am sorry for judging you hastily. Ako pa ang kumuwestiyon sa intensiyon mo samantalang ako ang walang tiwala sa iyo." Yumakap siya sa baywang nito. "Salamat sa pagpunta ko dito kahit na di ko alam kung deserving pa ako sa pagmamahal mo."

"Sunny, alam ko naman na emotional ka kaya mo nasabi iyon pero alam kong malalaman mo rin kung ano ang totoo."

"Naghanda ka talaga ng video para sa akin?" tanong niya.

"Yes, for a week now. Sorpresa ko talaga iyon. Nakausap ko na ang publicity team ni Jeyrick noong isang linggo pa."

Nanlaki ang mga mata niya. "One week ago pa nilang nalaman na may boyfriend ako? Ni hindi sila naglabas ng statement?"

"Hindi pa nila alam na boyfriend mo ako. Basta nakikipag-coordinate lang ako sa gagawin sa video. Wala sa plano ko ang speech na iyon o ang magpakilala bilang boyfriend mo. Pero dahil sa pagkalat ng pictures natin at maling akusasyon nila, alam ko na kailangan ko nang magsalita kahit na ayaw mong magpatulong."

"Hindi kita ikinahihiya kaya ayaw kitang ipakilala sa mga tao. Nakita mo kung gaano ka-twisted si Mommy para tiyakin lang na mananatili akong sikat. Hindi siya masaya na anino lang ako ni Hero. Ayokong madamay ka."

"Pero sa huli nadamay din ako. Sunny, sa uulitin, huwag kang maglilihim sa akin. Mahalaga ang komunikasyon. Mahalaga ang tiwala. Di mo ako kailangang protektahan. Mas mapoprotektahan kita kung alam ko ang sitwasyon. Naiintindihan mo?"

"Yes. Natuto na ako ng leksyon."

Mahalaga ang komunikasyon at pagtatapat sa isang relasyon. Akala niya ay makakatulong iyon pero hindi pala. Mabuti na lang at mabait si Hero at malawak ang pang-unawa. Mahihirapan na siyang makahanap ng gaya nito.

"I just have one question: sino ba talaga ang mahal ni Carrot Man?" tanong nito habang nasa gilid ng gallery at pinapanood si Paloma na ayusin ang ribbon ng tuxedo ni Jeyrick.

"Hindi ko alam na showbiz ka rin pala."

"I am just curious." Dumating naman ang reporter na si Madison para abutan ng wine si Jeyrick. "Ang alam ko nga may girlfriend pa iyan."

"I don't know and I don't care. Basta ang alam ko, ikaw ang mahal ko."

And billions of stars twinkled overhead as they kissed.

Related Books

Popular novel hashtag