Chapter 70 - Chapter 32

HINDI mapakali si Sunny habang palapit nang palapit ang pagtatapos ng mga pagtatanghal. It was all beautiful. Aktibo ang mga bata sa pagpapakita ng talento pero di rin nagpahuli ang mga binata at dalaga. Palinga-linga siya sa paligid. Nasa mga manonood sina Sikandro at Salima pero tahimik at nakayuko lang ang babae na parang isang maamong tupa. Ni hindi niya ito malapitan para kausapin.

Nilapitan siya ni Hero. "Hey! Parang daig mo pa ang magpe-perform ngayong gabi. Mas kinakabahan ka pa sa kanila."

"Di bale sana kung ako ang magpe-perform. Pero pakiramdam ko hawak ko ang kapalaran ng ibang tao sa kamay ko."

Hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad. "This is right. Mabuti ang intensiyon mo. Kaya huwag kang matatakot."

"Paano kung mas makasama pala ang gagawin ko?"

"Let's hope for the best. Gawin mo lang kung ano ang alam mong tama. Nandito ako para suportahan ka. Nakalimutan mo na ba?"

"Hindi ko nakakalimutan. Salamat," sabi niya. Kung dati ay nakabantay ito para tingnan kung may gagawin siyang mali, nakasunod na si Hero sa kanya ngayon para tiyakin na maa-accomplish niya kung anuman ang gusto niyang gawin.

Nagulat na lang siya nang magsalita si Amira sa likuran nila. "Mamaya na ang holding hands. Ikaw ang bahalang mag-operate sa laptop."

Pinisil muna ni Hero ang kamay niya bago ito pumunta sa gilid ng stage. Luminga si Sunny. Sana ay di pa nakakaalis ang mag-asawang Sikandro at Salima. Maya maya ay nagsalita na si Amira para ipakilala ang susunod na magtatanghal. "May sorpresa kami para sa inyo. Naghanda si Kimea ng isang kwento para sa inyo."

Nakita niya ang panlalaki ng mga mata ni Salima nang makilala nito ang unang larawan na kuha nito ng mga bata habang naglalaro. Tumingin ito sa kanya at umiling, animo'y nagmamakaawang itigil na ang palabas.

Mariing pinagdikit ni Sunny ang mga labi. Gusto niyang lumaban ito. Yumuko na lang ang babae na parang maiiyak. Narinig nila ang tawanan at paghanga ng mga tao na parang naaaliw sa mga larawan sa kwento. Nagpalakpakan ang mga ito matapos magkwento si Kimea. Kahit si Sikandro ay nakipalakpak din.

"Sino ang gumawa ng kwento?" tanong ni Tamika, ang ina ni Kimea.

"Salima, pwede bang pumunta ka dito para maibigay namin ang korona sa iyo?" tanong ni Amira at hawak ang korona na gawa sa pako o fern bilang simbolo ng pagkilala sa isang natatanging talento.

Tumingala si Salima kay Sikandro na animo'y humihingi ng permiso. Hinawakan ni Sikandro ang kamay ng asawa. Naalarma siya dahil akala niya ay hihilahin nito si Salima palayo sa programa. Sa halip ay taas-noo nitong hinila ang asawa papunta sa entablado. Ibig sabihin ay ipinagmamalaki na nito ang nagawa ng asawa.

"Maraming salamat sa pagkilala sa talento ni Salima," sabi ni Sikandro sa kanya nang kausapin siya nito matapos ang programa. "Hindi ko alam na ganyan siya kagaling."

"Natakot nga ako dahil baka magalit ka na naman," sabi ni Salima.

"Hindi ko kayang magalit matapos kong makita kung gaano kaganda ang kwento mo at gagawin pang aklat. Mababasa iyon ng maraming tao," manghang sabi ni Sikandro.

"At mababasa rin ng anak natin paglabas niya sa mundo."

"Patawarin mo ako kung hindi ako sanay sa gawi ng mga taga-bayan. Simple lang ang buhay natin dito sa Kanayama. Ang iniisip ko lang ay ang bubuuin nating pamilya. Akala ko hanggang doon lang ang kakayahan na maari mong ipakita."

"Kahit ikaw na may asawa na, baka may naitatago ka ring talento. Di kailangang matapos ang pagiging asawa at ama mo sa magiging anak mo. Ikaw pa rin si Sikandro. Kailangan mo lang tuklasin sa sarili mo kung ano iyon," paliwanag ni Sunny. Masaya siya sa pagbabago kay Sikandro.

"At patawarin mo ako sa pagsira ko sa camera mo. Ilang baboy-ramo ba at usa ang kailangan kong hulihin upang makabawi sa iyo?" tanong ng lalaki.

"Huwag mo nang isipin iyon. Ang mahalaga hahayaan mo na ang asawa mo na magsulat ng kwento at kumuha ng larawan," natatawang sabi ni Sunny.

"Siguro makakabawi siya kung papayag siyang maging modelo sa bago kong kwento. Si Sikandro, ang Magiting na Mangangaso," sabi ni Salima at humilig sa katawan ng asawa.

"Payag na payag. Gusto mo ngayon na," sabi ni Sikandro at ipinagmalaki pa ang muscles sa braso nito.

"Sige. Kapag dumating na ang camera na regalo ni Amira," anang si Salima. Nang di pa rin tumigil sa kama-macho pose si Sikandro ay hinila na ng babae palayo. "Magsayaw na lang tayo."

Mas magaan na ang loob ni Sunny na ituloy ang trabaho niya. Nagulat na lang siya nang may pumatong sa ulo niya. "Hoy!" aniya at sinapo iyon. Nagulat siya nang makitang koronang fern iyon. "Anong..."

"Huwag mong tanggalin. You deserve it," sabi ni Hero at inabutan siya ng malamig na inumin. "Job well done."

"Paanong job well done? Di mo pa nga nakikita ang shots ko ngayong gabi."

"Sa wakas naipakita na ni Salima ang talento niya at suportado na siya ng asawa niya. Ikaw ang gumawa ng lahat ng iyon. You are an insiration."

"Wala iyon. Maliit na bagay," sabi niya.

"That is a big deal for me. Binigyan mo ng pag-asa ang isang babae na maging siya. Na kilalanin ang talento niya. Kaya para sa iyo ang korona na iyan." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "Tama na muna ang trabaho. Gusto mong maglakad-lakad."

Tinanggap niya ang kamay nito. At iginiya siya nito papunta sa falls na ang trail ay naiilawan ng sulo. It was magical. Di niya mapigilan na kuhanan ng picture ang magkahawak nilang kamay. Akmang kukunan din niya si Hero habang nakatalikod ito pero bigla itong lumingon sa kanya. He was smiling and the shot was beautiful.

"Kinukuhanan mo ba ako ng picture?" tanong nito.

"Hindi. Nagagandahan lang ako sa mga alitaptap na lumilipad," sa halip ay sabi niya.

"There. Mas nakaka-relax dito," sabi ng lalaki at inalalayan siyang umupo sa damuhan. "Nasolo din kita."

"Gusto mo akong masolo?"

"Yes. Bukas-makalawa aalis na tayo dito. Wala na tayong chance na masolo ang lugar na ito. It is still magical even during night."

"Okay lang ba na kasama mo ako dito? O baka naman may iba ka na gustong kasama talaga."

"You mean my ex-girlfriend?" tanong nito. "Yung dating photographer na kasama ko."

"Wala akong sinasabi. Saka di naman natin kailangang pag-usapan."

"I don't' mind. Mas gusto kong marinig mo mula sa akin ang tungkol sa kanya kaysa sa ibang tao. Isang university lang kami sa Canada. Di kami magkaklase pero may common friends kami. Naging girlfriend ko siya noong nasa Canada pa ako at nag-break kami. Nang sumunod siya dito, akala ko gusto rin niyang dito sa Pilipinas tumira. So I involved her with the Kanayama project. Only to find out that she's not happy here. Akala daw niya makukumbinsi niya akong bumalik ng Canada. Nagtalo sila. At sa gitna ng project, iniwan niya ako. She destroyed the rest of the pictures. Iilan lang ang na-save ko. Bumalik siya ng Canada. At dalawang linggo matapos naming maghiwalay, nalaman ko na ikakasal na siya sa kapitbahay niyang French-Canadian. Na parang balewala ang relasyon namin."

"Umasa ka pa na babalikan ka niya?" tanong ni Suny.

"Yes. At lagi kong ikino-compare ang lahat ng gustong maging photographer sa kanya. Until I saw your picture at the exhibit and we talked. Really talk. Something I haven't done for a long time after we broke up."

"Pero umalis ka pa rin na parang di ka interesado sa gawa ko. Di ka nga nag-offer man lang ng trabaho sa akin."

"Because I don't want my connection with you to grow."

"Naramdaman mo rin iyon?"

"Yes. Pero di ko matatakasan dahil sinundan mo ako sa Sagada. And you are talented and Amira hired you. Naiinis ako dahil gusto kong sumuko ka. Gusto ko na makita mo na wala kang mapapala sa akin. But you persevered not because you want to be with me but because you are really talented and you love what you are doing. You got my respect. Di na rin ako natatakot kung saan man hahantong ang nararamdaman ko. I am opening the door of my heart to you, Sunny. You are free to come and go anytime. Kahit na masaktan ulit ako."

Umiling siya. "Hindi kita sasaktan. Di ako katulad ng ex-girlfriend mo."

"No. Don't say that. Walang garantiya sa mundong ito. Saka mo na sabihin iyan kapag natiyak mo nang ako ang hinahanap mo."

"Ikaw na nga iyon," sabi niya at winiligan ito ng tubig sa mukha. "Cute."

"That is not cute," sabi nito at binuhat siya. Tumili siya at nagpapalag nang ibagsak siya nito sa tubig.

"Heroooo!" sigaw niya at nakipag-duet ang halakhak nito sa lagasgas ng malamig na tubig. She won't forget this night. Di niya ipagpapalit ang mga sandaling kasama niya si Hero.

Related Books

Popular novel hashtag