Chapter 66 - Chapter 28

Binubuksan ni Hero ang puso sa kanya. Hinahayaan siya nito na makita ang lahat ng pait at  masasakit na pinagdaanan nito. He was allowing himself to be vulnerable.

"Sa kay Mama ako nakatira at lagi rin kaming nagtatalo. Sa Toronto kami at nasa Alberta si Papa. Nang mga panahon na iyon, pinagbantaan ako ni Papa na ipapatapon sa Pilipinas. Magbukid na lang daw ako sa Sagada para may pakinabang sa akin. Di ko siya pinansin. Pakiramdam ko noon may kanya-kanya na kaming buhay. Wala na silang karapatang pakialam ako tutal sira na ang pamilya namin.

"Hanggang minsan, pumunta ang mga kaibigan ko sa bahay. Pinagbibintangan ako na kumuha ng pera ng leader namin. Wala naman akong maibigay. Binubugbog nila ako nang dumating si Mama. Siya ang napagbalingan ng mga kaibigan ko. They tried to take her money. Nang di ibigay ni Mama ang bag niya, sinaksak siya ng mga kaibigan ko."

Natutop ni Sunny ang bibig. Di niya alam na ganoon kaseryoso ang naranasan ni Hero. He looked more distraught than before. Binubuksan ni Hero ang pinto sa pagkatao nito. Inilalabas ang mga pinakatatago nitong sekreto, ang madilim nitong nakaraan.

Nakatigagal ang lalaki sa kabilang pampang ng ilog. Na parang wala ito sa tabi niya kundi nasa nakaraan. Hindi alam ng dalaga kung paano ito iko-comfort. She laced her fingers with his. Ikinatang din niya ang dibdib sa balikat nito para maramdaman nito na kasama siya nito. Di nito mararamdaman ang pag-iisa sa pagbalik nito sa pinakamalungkot na bahagi ng buhay nito.

"Parang sinaksak rin ako habang nauupos at duguan. Lahat ng kagaguhan ko biglang nawala. It was like a bad dream. Mabuti na lang may nagmalasakit na kapitbahay dahil narinig na nagkakagulo sa bahay. Tumawag sila ng pulis. Dumating ang 911 at iyak na lang ako nang iyak habang nasa ambulansiya. Tinanong pa niya ako kung okay lang ako. Kung di pa ako nasaktan. Ako pa ang inaalala niya samantalang ako ang sira ulo niyang anak na nagpahamak sa kanya."

"May ganoon talagang nanay. Di baleng masaktan basta para sa anak."

"Naisugod si Mama sa ospital. But they were not able to save her. Marami nang dugo ang nawala sa kanya at maraming vital organs ang tinamaan. Huli na para magsisi pa ako," usal nito at kusang tumulo ang luha sa mga mata.

"Nahuli ba ang pumatay sa kanya?" tanong niya.

"Yes. Gusto ko nang magpakulong no'n. Kasalanan ko ang nangyari. Kung naging matino sana akong anak, di ako mapapasama sa masasamang tao. Buhay pa sana si Mama ngayon."

Hero was a grown man now. Pero nakatago pa rin sa puso nito ang batang nagkamali. Tama ito. Walang sinumang anak ang dapat makaranas na makitang patayin ang magulang sa harapan nito. Pero higit na masakit kung pakiramdam ng isang anak na ito ang responsable sa pagkamatay ng magulang.

Pinisil ni Sunny ang kamay nito at pinahid ang luha nito. "Hero, bata ka pa noon."

Umiling ito. "Hindi iyon excuse. Sana nga ako na lang ang namatay. Mabait si Mama. Mahal na mahal siya ng mga estudyante niy sa university. Marami siyang napatinong estudyante. Pero ako, wala akong kwentang anak."

Niyakap niya ito at hinayaan itong umiyak. He must have kept those feelings for a long time. "Ang isang mabuting ina, gagawin ang lahat para mapabuti ang pinakamamahal niyang anak. She gave her life to you. Mahal ka niya.  Sigurado ako na mas gugustuhin niyang mawala kaysa makita kang napapariwara. Look at you. You are an accomplished man. Hindi mo sinayang ang buhay mo. Mabuti ang nanay mo kaya mabuti ka ring anak at apo at katrabaho."

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at nagtataka siyang pinagmasdan "I am awful to you. Sa palagay mo ba matutuwa siya sa mga ginawa ko sa iyo?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't really mind. Nasasakyan ko naman ang kasungitan mo. Nandito pa ako, hindi ba?"

"Nasaktan kita. Marami akong nasabi sa iyong di maganda."

"And it made me stronger. Maliit na bagay. 'Yang kasungitan mo, it keeps me on my toes. Mas nakapag-focus ako sa trabaho ko. Nakatulong para patunayan ko ang sarili ko, na may kakayahan ako."

"You are so forgiving. Ganyan ka ba talaga?"

"Oo naman. Wala 'yang kasungitan mo kumpara sa pinagdaanan ko. Kung maririnig mo ang Mommy ko tungkol sa reklamo niya sa mga choices ko sa buhay, kung paanong di ako pumasa sa panlasa niya bilang anak, balewala lang ang mga sinabi mo sa akin."

"Nanay mo iyon. Ikaw na nagsabi, gusto ng magulang natin ang best para sa atin."

"Sana ganoon nga. Pero alam ko naman na si papa ang priority ni Mommy sa buhay. Second family kami. Iniwan ni Mommy ang ambisyon niyang maging Miss Universe nang mabuntis siya ni papa. But my father is married. Very much married. Pangarap ni Mommy na sa huli siya ang pipiliin ni Papa. Kami ang bargaining chip ni Mommy. Pakiramdam niya kung magiging mas accomplished kaming magkapatid, iisipin niya na mas perfect kaming anak at mas pipiliin kami ni Papa.

"Pero tumanda na kami't lahat ng kuya ko pero di pa rin hinihiwalayan ni papa ang legal wife niya. Partida, sa Harvard pa nag-aral ang kapatid ko. At ako naman, puro pasang-awa ang grade. Ayaw ko kasi ang course na pinapili ni Mommy para sa akin. Ayaw niyang makinig na gusto ko na maging professional photographer. Di siya nakinig. Kasalanan ko tuloy ngayon kung bakit hindi pa rin kami ang pinipili ni Papa. Kaya maswerte ka kasi naramdaman mo ang pagmamahal sa iyo ng nanay mo."

"Mahal ka rin siguro ng nanay mo pero sa sarili niyang paraan."

"I don't know. Siguro hindi lang nakakatulong sa pag-angat ng self-esteem ko ang pagtrato sa akin ni Mommy. I mean, I love her. Pero hindi nakakatulong sa confidence ko na kapag nagkakamali ako, ikukumpara niya ako sa iba kong kapatid sa ama na accomplished at dapat ko raw lampasan. I... It is not helping."

Nakita niya ang awa sa mga mata nito. "Iyan ang dahilan kung bakit ayaw mong ma-involve sa isang taong may asawa na?"

"Wala namang babae na gustong maging mistress, in the first place. Hindi lang iyon. Ayoko rin sa mga lalaking may gilfriend na pero nagfi-flirt pa sa iba. Pinakamahirap na nakikihati ka sa iba. Gusto ko ako ang only one. Gusto ko rin ire-recognize niya ang talent ko at magiging supportive siya." Nakangisi niya itong tiningnan. "Ewan ko lang kapag nakita ka ni Mommy kung papasa ka sa kanya."

"Hey! Hindi ako nanliligaw sa iyo," protesta agad ng lalaki saka umusod palayo sa kanya.

"Kung makalayo ka sa akin, akala mo naman pipikutin kita." Magaan siyang tumawa. "Joke lang iyon. Masyado kang seryoso. Puro drama kasi tayo kanina pa. Pinapagaan ko lang ang loob mo."

Napailing ang lalaki saka dahan-dahang umusod pabalik sa kanya. "I am sorry if I am emotional today. Hindi naman ako ganito. Pero dahil lang sa mag-inang baboy-ramo, para ako ng bata. Mukhang tama si Sikandro."

"Huwag mong intindihin ang isang iyon. Mayabang ang isang iyon. Iba-iba ang tao. Maaring di ka malakas sa paningin niya pero di ibig sabihin iyon ang realidad. You are an accomplished man. Kung anuman ang nangyari kanina, huwag mong hayaan na hilahin ka ng iba pababa. Huwag mo ring hilahin ang sarili mo pababa. Patawarin mo na rin ang sarili mo sa nangyari kanina. Nasagip mo ang mag-inang baboy-ramo." Niyakap niya ito. "Ikaw na talaga ang hero! Ipagpapatayo ka ng rebulto ng mga baboy-ramo."

"Tumawa ito. That's silly. Thanks for making me feel better.  

"Talaga? Madali naman akong kausap. Pwede bang dalas-dalasan mo ang pagngiti mo sa akin? Ang cute kaya ng dimples mo kapag ngumiti."

Tipid itong ngumiti. "Nambola pa."

"Uy! Gusto naman niyang sinasabihan ng guwapo." At sinundot niya ang tagiliran nito.

"Stop!" saway nito sa kanya at sinapo ang kamay niya.

"May kiliti ka pala diyan." Sumimangot ito. "Sige kapag sumimangot ka pa kikilitiin ulit kita. Ilabas mo ang dimples mo para wala na tayong pag-usapan."

"Oo na. Ngingiti na nga."

"Ayan!" sabi niya at kinuhanan ito ng picture sa camera niya.

Kung alam lang nito kung gaano nito napasaya ang puso niya. Kahit di nito sabihin, parang binuksan na rin nito ang puso sa kanya. Maybe not in a romantic way. Pero papunta na rin iyon iyon doon. Sana.

Related Books

Popular novel hashtag