Chapter 65 - Chapter 27

"Hero, bumalik ka dito! Baka tamaan ka nila!" utos ni Sunny sa lalaki pero di siya nito pinansin.

 Ibinuka nito ang mga bisig na animo'y handang iharang ang sarili sa mga hayop kahit pa manganib ang buhay nito.

Nakahanda na ang paglusob ng mga kasama nilang mangangaso pero di alam ang gagawin dahil sa biglang pagsulpot ni Hero. Pag di sumugod ang mga ito ay makakawala ang baboy-ramo at kapag naman itinuloy ng mga ito masasaktan si Hero at posible pa nitong ikamatay.

Umigik ang baboy ramo at nagtatakbo palayo kasama ang anak. Wala nang nagawa ang ibang mangangaso kundi hayaang makawala ang mga ito.

Iritadong lumabas sa pinagtataguan nito si Langkawan. "Sir Hero, di ninyo dapat ginawa iyon. Paano kung tamaan kayo ng pana o kaya sinugod kayo ng baboy ramo? Di kayo dapat padalos-dalos."

"Pasensiya na, kaibigan. Hindi dapat makita ng isang anak na makitang mamatay ang nanay niya sa mismong harap niya tao man o hayop."

"Oo nga po. Kawawa ang baboy-ramo. Mauulila ang nanay niya," sabi ni Tuy na mangiyak-ngiyak. "Ayoko rin makitang mawala ang nanay ko." At sumang-ayon din ang ibang bata na maiiyak na.

"Magsitigil kayo. Ipinadala ba kayo dito para maging lalaki pero pumunta kayo dito para umiyak lang dahil sa isang baboy-ramo. Dapat hindi na lang kayo umalis sa tabi ng mga ina ninyo. Bumalik na lang kayo sa mga nanay ninyo. Magsulat na lang kayo at maging mga lampa paglaki," singhal ni Sikandro at iniwan sila.

"Teka. Di naman yata tama ang sinabi niya. Parang pinalalabas niya na lampa ka," angal ni Sunny. "Di yata tama iyon. Di dahil nag-aaral ka, lampa ka na. Pati na rin ang pagmamalasakit mo sa hayop, di kabawasan sa pagiging lalaki iyon."

"Tama na, Sunny," saway ni Hero sa kanya. "Kasalanan ko naman kaya hindi nahuli ang baboy-ramo."

"Huwag kayong mag-alala, Sir. May iba pa namang hayop dito. Baka di talaga para sa amin ang huli na iyon," sabi ni Langkawan.

"Paano naman po 'yung kasamahan ninyo?" aniya at ngumuso sa direksyon ni Sikandro. "Di lang siya naging bastos kay Hero kundi pati sa mga bata." Di niya ito palalampasin kahit asawa ito ni Salima.

"Ako na ang humihingi ng paumanhin, Ma'am. Di po lahat ng mga nasa Kanayama ay sumasang-ayon sa pagpapasok ng bagong kaalaman at mga dayuhan sa aming pamayanan. Dahil sa panggigipit sa amin ng mga tagabayan dati, pinilaki kami na masama ang kaalaman mula sa labas. Na nakakasira ito ng kalikasan at kultura. Subalit di po lahat kami ay ganoon ang pananaw," paliwanag ni Langkawan.

"Langkawan, di pa ba tayo aalis? Bumalik na lang ng Kanayama ang mga di kayang  sumama sa pangangako. Sagabal lang sila sa ating pangangaso. Di tayo magkakaroon ng masiglang pista kung makakagulo pa sila. Wala tayong mahuhuli at baka iyakan lang nila ang lahat ng hayop sa gubat," sigaw ni Sikandro.

"Sandali lang, ha?" sabi ni Sunny at akmang susugod. Sumosobra na ito.

Pinigilan ni Hero ang braso niya. "Tama na iyan. Di tayo pwedeng gumawa ng gulo dito. Nakikita ka ng mga bata. Di magandang halimbawa," mahina subalit mariing sabi nito.

"Pero..."

"Hindi ito ang tamang lugar."

Huminga nang malalim si Sunny at tumango. Saka lang siya binitawan ng lalaki. "Pwede na siguro ang pictures na kuha ko. Bumalik na lang tayo sa Kanayama."

Matapos magpaalam sa mga kasamahan at matiyak na masaya ang mga ito sa kuha niyang larawan ay naglakad na sila pabalik sa Kanayama. Kasama nila ang isa sa mga binatilyo na ilang beses nang nakasama sa pangangaso para igiya sila pabalik.

The atmosphere was not as same as before. Hindi na masaya ang mood di gaya kanina. Dama niya ang bigat ng kalooban ni Hero. He looked devastated.

Kinuhanan niya ito ng picture. Bigla siya nitong nilingon. "Sunny! This is not the time to take my picture."

"Tama ka. Ang pangit mo sa picture. Nakasimangot ka."

"Sorry. Di mo nakuha ang pictures na gusto mo," anito at bumuntong-hininga.

Nagkibit-balikat siya. "Wala iyon. Kaysa naman mapatulan ko pa si Sikandro. Aawayin ko na talaga iyon kundi mo ako pinigilan."

Umiling ito. "He is no worth it. Kasalanan ko naman ang nangyari. Pero di ko pinagsisisihan iyon. Ikaw lang ang inaalala ko dahil baka hindi ka nasiyahan sa mga shots mo. Wala pa silang nahuhuli pero umalis na tayo."

"Iyon pa ba ang inaalala mo? Mahalaga naman may magaganda na akong kuha ng mga bata. Pwede ko naman silang kuhanan ng picture pagbalik nila sa pangangaso." Siniko niya ito. "Saka secret lang natin. Ang totoo gusto ko na rin bumalik dahil napapagod na rin akong maglakad. Naunahan mo lang akong magyayang umuwi."Saka humagikgik ang dalaga.

Nanatiling seryoso si Hero. "You are just saying that to make me feel better."

"Tse! Iyan ka na naman. Feeling mo umiikot ang mundo sa iyo. Ang totoo, di ko rin naman kayang makita kung papatayin nila ang baboy-ramo."

"Hintayin po ninyo ako dito. Mangunguha po ako ng prutas at mga bungang-kahoy para iuwi po sa bahay. Magpahinga po muna kayo. Ako na lang ang tatawid ng ilog," sabi ni Makinit.

Umupo sila sa batuhan sa gilid ng ilog. Ine-enjoy niya ang huni ng mga ibon nang mapansin na malalim na naman ang iniisip ni Hero.

"O! Seryoso ka na naman," untag niya dito. "Huwag mong sabihin na iniisip mo pa rin ang sinabi ni Sikandro."

Malungkot na ngumit ang binata. "Gusto ko lang maintindihan mo kung bakit di ako pumayag na patayin nila ang inahing baboy-ramo kanina. Ako 'yung anak na baboy-ramo na iyon. Pinatay ang nanay ko sa harapan ko. At kasalanan ko ang lahat.

"Oh, Hero." Di niya naitanong kung anong ikinamatay ng nanay nito. "Huwag mong sabihin iyan. You are just beating your self up."

Bumuga ito ng hangin. "No. I just need to get it out of my chest. I was a troubled teenager. Naghiwalay ang parents ko at nang mga panahon na iyon, nasama ako sa maling barkada. Kapag nasa ibang bansa ka, busy ang lahat. Ang mga kaibigan ko lang ang stability na matatakbuhan ko. I started skipping classes. Kasama ako sa nambu-bully sa school. At kapag umuwi ako sa bahay, lasing ako. No, I didn't steal and take drugs. Usually ako lang ang look out sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko."

Related Books

Popular novel hashtag