Chereads / My ex-fiance / Chapter 15 - MY EX-FIANCE #14

Chapter 15 - MY EX-FIANCE #14

Dali daling binuhat ni Andy si Nicole para maisakay sa kanyang sasakyan at maihatid sa hospital.

"Kuya pakitulungan naman ako! Pakibuksan ang front door!" bungad ni Andy sa guard na nglilibot sa parking lot

Dali-dali naman lumapit ang guard sa kanila.

"Salamat!" sambit ni Andy..

At maingat na isinakay ni Andy ang dalaga sa kanya kotse.

Inistart niya ang kanyang sasakyan at nagmadaling mag drive ngunit maingat naman.

Pagkarating sa hospital, sinalubong agad siya ng mga nurse na naroon. Bitbit ang kama na de gulong.

"Excuse me Sir! Kami na po ang bahala sa kanya!" sabi ng nurse sa kanya pagkarating nila sa isang silid para sa mga pasyente.

Hinayaan na lamang ni Andy ang mga nurse at doctor na ang mag-asikaso kay Nicole.

Hinawakan ni Andy ang kamay ng dalaga at hinalikan ito sa noo. Bago pa man ipasok sa bakanteng kwarto upang gamutin.

Lumabas muna saglit ng hospital si Andy upang makabili ng pagkain. Para sa pag gising nj Nicole ay may maipapakain siya. Gutom na rin naman siya.

St.Joseph Hospital kong saan naka confine ang ama ni Nicole.

Nakatatlong tawag na ang ina ni Nicole sa kanya, subalit hindi masagot ni Nicole dahil sa kalagayan niya ngayon.

Nababahala na ang ina nkto,  dahul ang usapan nila ay pupunta ito sa hospotal. Subali't gabi na at wala larin ang dalaga.

Sa huling pagkakataon ay tinawagan ulit ng ina ni Nicole ,  nagbabakasakaling sagutin ang kanyang tawag. Tatlong ring pa lamang ay sinagot na ang kanyang tawag.

"Sa wakas anak sinagot mo na rin ang aking tawag!" puno ng pag alala ang boses si Aling Sandy ina ni Nicole. "Pinag-alala mo ako nang sobra anak! Asan kana anak? Malapit kana  ba? Anak! Kanina pa kita hinihintay rito!" sunod sunod na tanong ng kanyang ina.. "Oo nga pala mag---!" naputol ang sasabihin ni Aling Sandy ng sumingit si Andy.

"Tita calm down!" sagot sa kabilang linya. Na parang gustong matawa sa boses ng ina ni Nocole . Dahil naalala niya na ganitong ganito rito ito sa kanya kung mag-alala.

"A-andy? Bakit nasa iyo ang cellphone ng a-anak ko?" tanong ng matanda sa kay Andy..

"Sorry tita,  kasama ko po si Nicole ngayon,  subali't mahimbing pong natutulog! Napagod po ata sa pagtatrabaho ng overtime po kasi siya!"pagsisinungaling ng binata, dahil ayaw niya itong mag alala.. " Pero tito andito lang po kami sa loob ng sasakyan. Ihahatid ko rin po siya tita,  pagod lang po to,  kasi tinapos niya lahat ng naiwan niyang gawain. Buti po at naabutan ko sa office niya!" dagdag kasinungalinga ni Andy. "Don't worry tita,  she's fine!" Pag-aassure ni Andy sa mama ni Nicole.

"Sige Andy! Pasaway na ba ta talaga yan. Ikaw na ang bahala sa kanya anak huh. Pag nagising pakisabi nalang na tumawag ako. Salamat anak! Mag-ingat sa daan!" wika ng ina ni Nicole.

"Opo tita! I will po ! Salamat din po!"ini-off na ni Andy ang tawag.

Bumalik na sa loob ng hospital si Andy,  bitbit ang mga pagkain na binili.

Naabutan niya rin namang palabas na ang Doctor na umasikaso kay Nicole.

Dali-daling naglakad patungo sa Doctor nito,  dahil pakaliwa't kanan itong tumitingin sa paligid. Dahil walang naabutang bantay sa labas.

Nagulat naman itong napatingin sa kanya. Dahil hinihingal itong humarap upang kausapin siya.

" Iho! Hingang malalim muna ! Okay! Kalang ba?" pagtatanong ng Doctor kay Andy.

"Opo Doc. Okay lang ako!" wika nito. " Kumusta po si Nicole?"

"Okay na ang pasyente! Kailngan lamang niya ng sapat na pahinga upang mabawi ang lakas nito. Stress ang sanhi ng pagkakaroon niya ng mataas na lagnat,  ngunit mamaya ay magigising na siya." mahabang paliwanag ng Doctor na si Dr. Sanchez.

"Sige Doc.salamat !"

Papasok na sana si Andy ng biglang lumingon ang Doctor at lumapit sa kanya.

"Oo nga pala bukas pwede mo na rin siyang iuwi. Ipagpahinga mo siya,  bawal ma stress,  atska alagaan mo siya. Sa susunod na linggo pababalikin mo siya,  ichecheck up ko siya ulit!" ngumiti naman ito at tuluyan ng umalis.

"Ang weird naman ng doctor na iyon,  akala ko ba okay na si Nicole bakit pababalikin pa?" nailing na lamang siya sa katanungan na namuno sa kanyang isipan.

Binuksan ng binata ang pintuan ngunit marahan lamang at tuluyan ng pumasok rito.

Lumapit siya sa silyang nasa gilid lamang ng kama. Nakangiti itong pinagmasdan ang natutulog na si Nicole.

Hinawakan nito ang dalawang kamay at pinagsaklob ang kanilang mga palad. Hinalikan nito ang likod ng palad ni Nicole at sa may noo.

"Gandang gabi Nic! Alam kong hindi mo ako naririnig!" Bulong nito sa dalaga.

Habang pinagmamasdan ni Andy ang buong kabuohan ni Nicole,  napapangiti na lamang ito. Napadako ang kanyang mga mata sa mapupulang labi nito.

Malaking ngiti ang sumilay sa labi ng binata. "Salamat!" wika nito.

Habang pinagmamasdan ng binata si Nicole ay kinausap niya ito. Dahil alam niyang hindi siya nito maririnig.

Ngayon na ang pagkakataon niyang humingi ng tawad sa kanyang nagawa.

" Nic! alam kong marami akong kasalanan sayo,  sana ay mapatawad mo ako. Pinangako ko sayo noon na hindi kita sasaktan at ayaw kong mag manakit sayo. Alam kong nabigo ako sa pangakong iyon. Hindi kita na protektahan dahil ako mismo ang nanakit sayo. Noc! Sana mapatawad mo ako.Sana mapatawad na rin ako ni Tito,  sa pag papaiyak ko sayo. Sana mapatawad mo ako sa pananakit ko sayo at sa pagkasira ng buhay mo. Alam kong mahirap gamutin ang sugat na dulot ko sayo,  pero sana hayaan mo akong bumawi sa mga pagkakamali ko. Hayaan mo akong bumawi sa inyo. Alam mong mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon!" may tumutulong luha sa kanyang mga mata habang naiisip niya ang mga magagandang ala ala nila. " Nic! Sana hi di pa huli ang lahat sa kapatawarang hinihinge ko. Sana may chance pa tayong dalawa. Sana mahal mo parin ako. Kasi ako hi di naman sumuko na mahalin ka. Ikaw parin dito sa puso ko Nic. Ikaw parin ang una't huling mamahalin ko. Sana darating ang pagkakataon na maging akin ka ulit. Maging tayo ulit." hinagkan ni Andy ang noo ni Nicole. "I miss you!" Huling sabi niya bago hinagkan sa labi ang dalaga.

Pagkatapos sabihin ni Andy ang kanyang nararamdaman,  agad niyang pinunasan ang mga luha. Baka may makakita pa nito.

" Good night my!" Huling sabi niya bago nahiga sa kama ni Nicole hawak ang mga palad nito.

Ang hi di alam ni Andy ,  bago pa niya sabihin ang lahat ng iyon ay nagising na si Nicole. Noong hinalikan niya sa noo ang dalaga nagising na ito. Babanggitin na sana nito ang pangalan ng binata,  ngunit biglang nagsalita ito. Kung kaya't minabuti niya nalang ang magtulog tulugan.

Hindi alam ng binata lubos ang galak nito dahil sa kanyang mga naririnig. Hindi maipagkakaila ang saya na nararamdaman ng dalagang si Nicole.

Nang mahimbing  ng natutulog ang binata habang hawak ang kanyang kamay,  gumalaw ng kaunti si Nicole para abutin nito ang buhok at hinimas.

Doon sumilay ang napakatamis na ngiti mula sa mga labi ng dalaga. Ang kaninang pang pinipigilang kilig ay inilabas niya sa pamamagitan ng simple at mahinang tili. Mga luha na kanyang pinipigilan ay hinayaan niyang kumawala. Dahil sa tuwa't galak na kanyang naramdaman ay hindi mo alintanang may sakit siya.

"Salamat din Dy! Salamat ay narito ka sa aking tabi ngayon! Mahal na mahal din kita ! I miss you too!"