Chereads / My ex-fiance / Chapter 19 - MY EX-FIANCE #18

Chapter 19 - MY EX-FIANCE #18

Isang linggo na ang lumipas nang mangyari ang tawagan sa Hospital.

Isang linggo ko na ring iniiwasan si Andy. Ako ang mas nasasaktan sa ginagawa kong pag~iwas rito. Masakit sobra, kasi may hindi pa ako sinasabi sa kanya.

Isang linggo na rin ang lumipas nang matapos ang check up ko.

~Flashback~

"Good morning Doc!" ngiting bati ko rito.

"Good morning din, iha! Asan na ang asawa mo?" wika nito at tumitingin pa sa may pintuan.

"Wala po siya Doc. may inaasikaso sa opisina!" sagot ko na lamang.

"Mas okay kasi kong dalawa kayo ang narito upang sabay niyong malaman ang result!" nagulat ako, na pinaghalong pagtataka. " sigurado akong matutuwa iyon!" kunot noo akong tumingin sa mata ng Doctor.

"Doc! Diretsuhin mo nga ako! malubha na ba ang sakit ko? Ano ba yong sinasabi mong matutuwa ang asawa ko?" wika ko rito.

Ngumiti lamang ang Doctor. At biglang tumayo.

"Your pregnant! Congrats!" wika nito sabay lahad ng kamay.

Hindi na ako masyadong nagulat, dahil may hinala na ako. Kailngan ko lamang ipakita na hindi ko alam ang nangyayari.

Inabot ko ang kanyang kamay, ngumiti ako ngunit durog na durog ang puso ko. Dahil ang ama nito ay hindi ko na makakasama kahit kailan.

"Salamat Doc.!" umalis na ako ng opisina niya.

~End of Flashback~

*

'Parehong nakainom si Andy at Nicole noong araw na iyon.

Pero mas lasing si Andy keysa kay Nicole. Dahil nag juice na lamang ito ng makaramdam ng kunting hilo.

Nang mapansing lasing na si Andy ay hinawakan niya ito sa kamay at niyaya ng umuwi. Hindi naman tumanggi ang binata, bagkus ay hinawakan nito ang pesnge ng binata at hinalikan ang labi.

Dahil sa gulat, hindi nakapagsalita si Nicole. Dahan~dahang gumalaw ang mga labi ni Nicole at tinugon ang halik ng binata.

Nang mapagtanto ni Nicole na nasa public area sila, sila na mismo ang lumayo a marahang itinulak si Andy palayo.

" Halika na Andy!" Hinawakan ko ang kanyang bewang at pasuray~suray itong naglakad.

"Mabuti at malapit lang ang Bar na pinuntahan namin nasa harap lamang ito ng aming bahay bakasyunan." sambit ni Nicole sa sarili.

Nang makarating sila sa kanilang bahay ay dumiretso na ito sa kwarto ng binata. Inihiga niya ito ng dahan~dahan. Dahil akala niya ay tulog na ito. Ngunit bigla na lamang siyang hinila nito, kaya napahiga ito sa kama.

"H~hon!" biglang sambit nito sa akin. Bigla na lamang itong pumaitaas.

Hindi ako makagalaw, napatitig na lamang ako sa mga mata niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Na parang may malakas na bultahe ng kuryente na dumaloy sa kaibuturan ng aking katawan ng maglapat ang aming katawan.

Kinakabahan ako dahil palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata at bigla na lamang akong nakaramdam ng malabot na bagay sa aking labi.

Gumalaw ang labi niya, sibi ng utak ko itulak siya, ngunit ayaw gumalaw ng mga kamay ko.

Naging mabilis ang pangyayari. Tinugon ko ang halik niya, sinabayan ko ang bawat galaw ng dila niya. Naging mainiy ang pakoramdam ko, naging mainit ang paligid. Bumaba ang halik niya sa aking leeg.

Dahan~dahan niyang tinaggal ang mga suot ko.

Doon nagtatapos ang lahat.

~End of Flashback~

Habang naiisip ko iyon, piling ko umaakyat na ang dugo ko sa mukha ko.

Bigla na lamang akong napahawak sa aking tiyan.

"Baby kapit kalang sa tiyan ni Mommy, ipapaalam ko rin kay Daddy mo na nakabuo kami sa loob ng isang gabi!" Kausap ko sa rito, napangiti naman ako.

" Nicole! Pinapatawag ka ni Sir sa office. Ngayon na din daw." napabalikwas ako ng upo at nabitawan ko ang paghahawak ko sa tiyan. Nagulat ako doon, tumingin ako at si May lang pala, isa sa kaworkmate ko.

" Nicole! Namumutla ka! okey kalang ba?" lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking noo. " Pinagpapawisan ka Nicole! Wala ka namang lagnat, hindi ka rin naman mainit!" Tumango lamang ako , to assure her na okay ako. Kinulit pa ako bago lumabas ng opisina ko. Napangiti na lamang ako sa kakulitan niya.

Tumayo na ako at inayos ang sarili bago lumabas ng opisina at tumungo sa kanya

Kinabahan talaga ako ng biglang sumulpot si May, hindi man lamang marunong kumatok.

Ohh! baka naman kumatok siya hi di ko lamang narinig.

Inayos ko na sarili ko at lumabas na para tumungo sa opisina ni Sir Andy.

Tiningna ko ang Cellphone ko at may tatlong messages ako.

1 unknown

2 Sir Andy

Hi di na ako nag atubiling basahin o buksan ang isa man lamang sa mga messages na natanggap ko.

Nagmadali na akong maglakad at tinungo ang opisina niya.

Medyo malayo ako ng kunti dahil ng gala ako saglit, nang makalabas ako sa opisina ko. Nakalimutan kong pinapatawag pala ako.

Ang lutang ko sa araw na ito. Hindi ko alam kong bakit.

Nakatatlong katok lamang ako ng magsalita siya.

"Come in!" kaya binuksan ko ang pintuan.

Sa mukha niya agad diretso ang aking tingin. Mukhang hi di naman siya galit.

" good mor~~~!" hi di ko natapos ang sasabihin ko dahil masama itong tumingin sa akin.

Napayuko na lamang ako, galit siya.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. Napatingin ako sa kanya ng bigla na lamang itong tumayo.

Nakakunot ang mga noo, at may inis akong nakikita sa mga mata niya.

Yuyuko na sana ako ng.

"Good morning hon!" isang boses na pamilyar sa akin kay angelika. Lumapit ito at hinalikan na lamang sa labi ang binata.

Napatalikod ako bigla, dahil nakaramdam ako ng selos at parang dinudurog ulit ang puso ko.

"S~sir! babalik na lamang ako mamaya!" paalam ko rito. Aalis na sana ako ngunit pinigilan ako ni Andy.

"Pero Hon, diba may usapan tayo ngayon na kakain tayo sa labas ng breakfast na magkasama?" maarte wika ni Angelika.

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Andy. Napatingin ito sa gawi ko ,ngunit tumalikod na ako.

Naunang lumabas sa akin si Andy at Angelika. Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tuluyang nilisan ang opisina ni Andy.

"Baby! Mahal na Mahal ka ni Mommy!" huling wika ko bago ako pumunta sa opisina ko.