Chereads / My ex-fiance / Chapter 21 - MY EX-FIANCE #20

Chapter 21 - MY EX-FIANCE #20

Mabilis lumipas ang araw at linggo. Ngayon day off ko, kaya naisipan kong mag gala sa mall. Hindi parin halata ang t'yan ko kahit isang buwan na ito.

"Ma! Aalis muna ako may bibilhin lang sa mall!" paalam ko kay mama.

"Sige anak mag~ingat ka!" paalala nito sa akin. Masilan ang pagbubuntis ko dahil sa stress.

Hindi ko makakalimutan dahil sa loob ng ilang lingho, madalas kong nakakaramdam ng hindi kaaya~aya. Sa tapat ng poste ng bahay namin ay piling ko may nagmamasid sa amin, sa akin.

Alam ng parents ko na buntis ako at si Andy ang ama. Wala akong nililihim sa kanila. Nagulat si Mama pero syempre hi di nagalit. Sa lahat si Andy lamang ang walang alam. Lagi akong pinapayuhan na sasabhin na kay andy. Ngunit pinapaliwanag ko kay mama na huwag muna ngayon, dahil hindi pa ako handa at walang tamang pagkakataon. Hi di man sang~ayon si mama sa gusto ko, ngunit napapayag ko naman.

Ang swerte ko talaga sa pamilya ko, dahil kahit ganito kami salat sa pera puno naman ng pagmamahal sa bawat isa.

Niyakap ko na lamang si mama bago ko tuluyang lumabas ng bahay.

Nasa sakayan na ako ng taxi, may pumara saking kotse . Mukha namang taxi , ngunit walang karatula sa itaas nito.

"Ma'm sasakay po ba kayo?" tanong nito sa akin.

"Hali na po kayo ma'm!" wika nito. Tumanghi naman ako ,baka anong mangyari sa akin. Hindi naman to mukhang taxi driver ehh, hindi nakauniform.

Tinanggihan ko na lamang ito at lumipat ng pwesto. Tama~tamang may humintong taxi talaga sa akin harapan.

Binuksan ko ito at pumasok na sa backseat.

Mabilis magpatakbo ni manong kaya napahawak ako sa akin t'yan..

"Manong dahan~dahan naman po! Ang baby ko!" wika ko rito.

Siguro nagulat ito kaya biglang dumahan dahan ang takbo namin.

"Sorry ma'm! sambit nito. Hindi na alamng ako sumagot.

---

sa mall..

Lakad dito at lakad doon ang aking ginagawa. Napadaan ako sa isang bookstore ngunit wala naman akong nabili. Dhil hindi ko mahagilap ang libro na gusto ko ang "The Brethren" by John Grisham.

Lumabas na ako ng bookstore at naglakad lakad, naisipan kong pumasok sa store na pawang pambaby lamang.

I feel something strange. Feeling ko may sumusunod sa akin, may nagmamasid. Kinikilabuta  ako sa aking iniisip.

Habang namimili ako ng gamit, bigla na lamang nanayo ang mga balahibo ko sa aking katawan. Wala naman akong balahibo, ngunit feeling ko talaga.

Habang namimili ako ay nahulog ang mga damit.

"Sorry miss!" sabay abot ng damit at ngumiti. Ngunit iba yong ngiti niya ngbigay ng kilabot sa katawan ko prang sinasabing mag ingat ako.Haiistt! Anu naba to napapraning na ako.

Sa mga nakaranas ng mabuntis  ganito ba ang feeling n'yo? Ganito ba ang nagbubuntis? Maraming nararamdaman na kakaiba?

Dahil sa nararamdaman kong kilabot ay iniwan ko na ang damit at lumabas ng store. Bibili pa sana ako ngunit umiba ang timpla ko. Parang feeling ko nasususka ako, pero feeling ko naman gutom ako.

Kaya naisipan ko na lamang na pumunta ng Mcdo. Pagkarating ko rito ay umorder lamang ako ng MacChicken, large French fries at cola.

Nang makuha ko na ang order ko ay naghanap na ako ng mauupuan ko.

Nasa dulo ng apat na lalaki na kumakain ang nakita kong bakante, hi di na ako nag~atubiling umupo doon sa bakanteng upuan.

Pagkalapag ko ng try ay kumain na ako. Habng kumakain amk ay may biglang lumapit sa akin.

Isang kapirasong papel ang iniwan nito sa table ko.

Napatingin ako sa papel, at tumingin sa likuran baka sakaling naroon pa ang lalaking nag~iwan. Ngunit wala na ito, walang kahina~hinalang tao siyang nakita sa paligid.

Ang hindi alam ni Nicole ay nasa likuran niya lamang ang lalaki, kumakain.

Nagdadalawnag isip man ako ay kinuha ko ang kapirasong papel at binuklat.

"To:Nicole!" 'Napaisip akong bigla. Maraming Nicole sa mundo impossibleng para sa akin ito.

Ngunit nagtatalo ang utak ko, na cucurious kong ano ang laman nito. Kaya binuksan ko na ng tuluyan upang mabasa nag nakasaad.

Nanginig ako nang mabasa ko ang nilalaman nito. Hindi nga nagkamali ang nag bigay para sa akin ito.

Sobra akong nanginig dahil ang nakasaad rito ay ginamitan ng dugo.

Itinapon ko ang Papel, at ang laman nito D

dahil sa aking takot.

Dinayal ko agad ang number ni Andy. Mabuti at  akatatlong ring lamang ay sinagot na niya.

"Ohh!Nic napatawag ka?" bungad nito sa akin.

"Dy! busy kaba? Magpapasundo sana ako sayo rito sa mall!" inayos ko ang aking pag sasalita. Pinilit ko itago ang panginginig ng aking boses. Parang gusto ko ng maiyak dahil sa takot  na nararamdaman ko.

"Medyo, nasa meeting kasi ako ngayon!Break lang kaya nasagot ko tawag mo! Pero pupuntahan kita, anong mall ba yan?" wika nito.

"Nako,huwag na dy! Mas importante naman yan keysa sa akin kaya okay lang! Mag tataxi na lamang ako!" wika ko rito.

"Sure kaba riyan?" wika nito.

" opo! Sige n bumalik kana doon, okay lang ako!" I assure him.

"Sige pupunthan na lamang kita mamaya sa bahay niyo!" wika nito baka ko ini off ang

Lumabas na ako ng mall at naglakad patungo sa sakayan ng taxi.

"Manong sa #143 Marilao Street #7 villa!" wika ko kay manong pagkapasok ko sa kanyang taxi.

Habang nag dadrive si manong ay tinanong nito ang aking edad.

"25 po manong!" mukha naman siyang mabait kaya nakikipag usap na ako.

"Parang 18 kalang iha!" ngumiti lang ako sa turan ni manong" Magkasing edad kayo ng anak ko!" patuloy niya pa. Nakikinig lang ako sa sinadabi niya " Pero yun nga lanv ay iniwan na niya ako, kahit kailan hindi na siya babalik!" Nagkatoon ng Leukimia si Analie at ngayon ang araw ng kamatayan niya!"* kinilabutan naman ako kay manong pero nakikinig parin ako" Dadaan ako sa kanya saglit, gusto mo bang sumama sa akin para maipakilala kita sa kanya? tanong sa akin ni manong.

"Nako, manong nextime nalang, nagmamadali kasi ako ngayon. Pupunta ang asawa ko sa bahay baka maabutan akong wala doon."sagot ko sa kanya,eh natatakot ako ehh.

"Sige hatid muna kita bago ko siya dadalawin!"ngiting sambit ni manong.

Marami pa kaming napag usapan, about his family. Naging madaldal ata si manong. Nalaman ko rin na may tatlo pa siyang anak na binubuhay. Iniwan rito ito ng asawa niya dahil sa isa lamang siyang taxi driver. Nalungkot ako nang nalaman ko iyon.

Habang nagkukwento si manong ay napapansin kong may itim na Van, at kanina pa kmi sinusundan. Dahil kong saan ami liliko, ay doon rin ito lumiliko.

Malapit na kami sa bahay, nasa likuran parin namin ito. Isinasawalang bahala ko na lamang ngunit kinakabahan na ako.

"ija! narito na tayo sa tapat ng bahay ninyo!"sambit ni manong sa akin.

Inabot ko rito ang bayad ko, dinagdagan ko na rin para makatulong sa pang araw araw nil ng mga anak niya.

"Salamat manong! Sa muling pagmikita manong!" hiningi ko ang number ni manong para kapag need ko ng taxi siya na ang tatawagan ko.

Umalis na si manong, habang nakangiti. Kaya napangiti na rin ako. Nang makalayo na si manong ay bubuksan ko na sana ang gate namin.

Ngunit may isang lalaking humarang sa akin. Nagukat ako dahil ito yong lalaking kumuha ng mga nahulog na damit at ibinigay sa akin.

Magtatanong pa sana ako ngunit bigla niya na lamang tinakpan ang aking bibig at ilong ng panyo.

Huling naalala ko bago ako tuluyang mawalan ng malay tao ay ang nakasulat sa papel.

"Ito na ang huling araw mo Nicole. Mag~ingat ka sa daan, baka hindi kana sisikatan pa ng araw. Magdasal na kayo ng magiging anak mo" may kasama itong itim at patay na bulaklak.

Everything's went black.