PAULIT-ULIT na pinag-aaralan ni Rei ang floor plan para sa Lakeside Café and Restaurant habang kumakain ng chocolate mousse at buko shake. Siya ang magte-take over sa project dahil kailangang pumunta ni Dafhny sa Bicol para sa isang malaking reconstruction project doon.
Sa isang araw na ang simula ng renovation ng restaurant. Kaya kailangan niyang I-confirm ang detalye ng ide-deliver na item kay Hayden. Alas onse ang usapan nila at bago pa ang alas onse ay naroon na siya.
"Wala pa rin ba ang ka-date mo?" tukso ni Briscea, ang manager ng Lakeside Café and Restaurant. Nakasundo niya ito sa madalas na pagdalaw niya sa café.
Tiningnan niya ang wristwatch. "Eleven-fifteen na pala. Late na naman iyon."
"Hindi naman nale-late sa mga business meeting si Hayden maliban na lang kung may emergency."
"Believe me! Noong first date namin, ilang oras siyang na-late. Oo nga emergency iyon. Pero nakakainis pa rin dahil naghintay ako sa kanya nang matagal. Tapos di naman siya sumipot noong birthday ko. Nakakainis din, di ba? Tapos ipinagpalit niya ako sa.. sa mga higad!" nanggagalaiti niyang wika.
"So you had a thing for him before?" anang si Brescia na pinipigil ang ngiti. Sa sobrang gigil niya kay Hayden ay nabuko ang sekreto niya.
Alanganin siyang ngumiti. "Well, it's not really a thing. It's nothing! Wala naman talaga iyon." Dahil di naman talaga sila nagkaroon ng relasyon. Siya lang naman ang umasa sa wala.
"Ah! Now I know a piece of story about Rei's fainting couch."
"Ay! Hindi ako ang Rei na iyon! Ibang Rei iyon," kaila agad niya.
Tinapik nito ang kamay niya. "Huwag ka nang mag-deny. Your secret is perfectly safe with me. Kasama iyon sa rules dito sa riding club."
"Ah, Brescia, baka naman alam mo kung nasaan si Hayden ngayon."
"I am sure nandoon pa siya sa pool party ni Mark Ashley sa guesthouse. Di pa siguro siya mapaalis ng mga girls niya sa party."
Nagsalubong ang kilay niya. "Girls?"
"Yep! Plenty of them. Kahit saan pumunta si Hayden, pinaliligiran siya ng mga babae. Sa palagay mo ba saan niya nakukuha ang pangalan para sa mga creation niya. Hindi ba galing sa mga babae niya?"
"Saan nga pala iyong guesthouse?" tanong niya.
Giyera mode na siya nang puntahan ang guesthouse. At umabot na siya sa boiling point nang makita si Hayden na pinagkukulumpunan ng mga babae.
He was wearing a Hawaiian shorts. Wala itong suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang matipuno nitong pangangatawan. Habang puro mga babaeng naka-bikini naman ang nakapaikot dito.
"Hayden, please name a loveseat for me," anang babaeng naka-red bikini.
"Make mine a sofa bed," anang naka-floral two piece suit na nakalingkis na kay Hayden at halos lamunin na ito ng buo.
"Marry me, Hayden!" wika naman ng naka-blue bikini.
Pinaghihintay siya nito sa Lakeside Café and Restaurant habang enjoy na itong pangatawanan ang pagiging playboy nito!
How could these women become so bold? Even bolder than her. At nararamdaman niya ang puso niya na nginangatngat ng selos.
Malalaki ang hakbang niya nang lumapit dito. Handa na talaga siyang magwasiwas ng tabak tulad ni Gabriella Silang para tadtarin ang mga hitad na nakapaligid kay Hayden. Matapos ang mga higad ay mga hitad naman. Pero pareho pa rin ang nararamdaman niya tulad ng dati. Gusto niyang paghahawiin ang mga ito palayo kay Hayden. Siya lang ang may karapatang dumikit kay Hayden.
"Excuse me! Pwede bang mamaya na lang kayo mag-propose kay Hayden? Late na kasi siya sa meeting namin," nakataas ang kilay niyang sabi habang ang mga mata niya ay nasa kay Hayden lang.
Nanlaki ang mata nito at muntik nang ibagsak ang hawak na punch glass. Parang nakakita ito ng multo. "Rei!"