Umugong ang bulung-bulungan ng mga babaeng nakapaligid kay Hayden nang marinig ang pangalan niya. "Rei? Is that Rei?"
"The one whom Hayden named one of his fainting couches after," anang isa at matalim siyang binistahan ng tingin. "Siya na iyon?"
"She's too tall for Hayden's taste," one of the petite girls uttered.
"Nakikipagbalikan ba siya kay Hayden? Hindi ba hindi naman na binabalikan ni Hayden ang mga naging girlfriend niya?" tanong ng isa pa.
Kumawala si Hayden sa mga babae at lumapit sa kanya. "I am sorry, girls. I have to go now. May importante lang kaming pag-uusapan."
"Huwag mo na siyang balikan, Hayden. Hindi kayo bagay," nakangusong sabi ng isa na gusto na niyang sabitan ng bag niya sa haba.
"Magpapaalam muna ako kay Mark Ashley," wika ni Hayden.
"I will wait for you at the reception then."
At least napalayas niya ang mga higad sa paligid nito. Nang mga oras na iyon ay siya naman ang dapat na kasama ni Hayden at hindi ang mga bruhang iyon. Mabuti na lang at walang kumontra kundi ay mabubuhos ang init ng ulo niya sa mga ito. Kasalanan ng mga ito kung bakit na-late si Hayden.
"Malapit lang dito ang villa ko," wika nito nang puntahan siya sa reception. "Pwede na nating lakarin."
"No. Dala ko ang company car." Wala pa siyang sariling kotse. "Doon ka na lang sumakay at dadalhin kita sa villa mo."
Di na ito kumibo pa at sumunod na lang sa kanya. "I will just take a shower then we will talk," anito nang makarating sa Spanish era style villa nito.
The floor was made of baldoza or Spanish tiles. Maging ang bintana ay gawa sa capiz. Presko din doon at di na kailangan pang lagyan ng aircon. Umupo siya sa rocking chair at inaliw ang sarili habang hinihintay na bumalik si Hayden.
Muntik na siyang bumaligtad sa kinauupuan niya nang lumabas si Hayden na basa pa ang buhok sa shower at suot ang royal blue robe nito.
Ilang sandali niyang nakalimutan na pinaghintay siya nito kanina pa at patuloy pa rin siyang pinaghihintay. Pero nakatanga na lang siya dito habang pinatutuyo sa tuwalyita ang buhok. At parang nanunukso na nasisilip niya ang katawan nito mula sa nakabukas nitong robe. Nananadya ba ulit itong mang-akit?
"Gusto mo bang magpa-deliver na lang tayo ng lunch natin? Anong gusto mo? Madalas sa lakeside ako nagla-lunch. Pero masarap din namang mag-lunch dito dahil maganda rin ang view. Matatanaw mo sa verandah ang lake."
Parang napaka-romantic. Silang dalawa ni Hayden sa old Spanish era style na bahay nito at nakatanaw sa lake. Parang lovers sila noong unang panahon.
Pinigilan niya ang sarili sa tinatakbo ng isip niya. Galit nga pala siya dito dahil na-late ito at inuna pa ang mga babae nito. "Hindi ka man lang ba magso-sorry?"
"Magso-sorry para saan?" tanong nito at natigilan sa pagpapatuyo ng buhok.
"May meeting tayo. Kanina pa ako naghihintay. Tapos malalaman ko lang na kung kani-kanino kang babae nakikipag-flirt?"
He bended his body then loomed her. Pinigilan din nito sa pag-ugoy ang rocking chair kaya magkalapit lang ang mukha nila. Di rin siya makagalaw. Paralisado na lang siya habang nakatitig dito.
"Nagseselos ka ba, Rei?"
Umiling siya. "Bakit naman ako magseselos? Sino ka ba sa palagay mo? Akala mo naman patay na patay ako sa iyo?"
"Wala akong sinasabi na ganyan."
Naniningkit ang mata niya itong dinuro. "Hoy! Nandito ako para sa meeting natin. Sa meeting natin na kinalimutan mo dahil sa mga babae mo! Wala naman akong pakialam kung gusto mong makipag-flirt sa kung sinu-sinong babae basta dumating ka lang sa oras na pinag-usapan natin!"
Tumingala ito na parang nag-iisip. "Late ba ako sa meeting natin."
"Oo. Eleven o'clock ang meeting natin. Mag-aalas dose na!"
"Eleven? Hindi ba mamaya pang ala una ang meeting natin?"
"At ako pa ngayon ang mali. Ako na nga ang pinaghintay mo! Akala mo mababaligtad mo ako, ha?" Inilabas niya ang cellphone mula sa maliit na bag at tiningnan ang mensahe nito sa inbox message. "Heto may text ka pa sa akin."
Meet me at Lakeside café @ 1! C u!
"Ayan o! one ang number na nakalagay," wika ni Hayden.
Hinaplos ng daliri niya ang screen ng cellphone. "Paano naging one iyan? Eleven talaga ang nabasa ko."
"Baka naman masyado kang excited na makita ako," tukso nito.
"Ayokong makita ka kung pwede lang. Sige na! Bumalik ka na sa mga babae mo! Magkita na lang tayo mamayang one o'clock," di maipinta ang mukha niyang sabi. Napahiya siya doon. Mukha tuloy siyang tanga sa paningin nito.
Subalit nananatili pa rin nitong pinipigilan ang rocking chair kaya di siya makatayo. "Aminin mo muna na nagseselos ka sa akin."
Nanlaki ang mata niya at idiniin ang palad sa dibdib nito. "Hindi ako nagseselos. Ayoko na nga sa iyo! Akala mo maaakit pa rin ako sa iyo. OO nga guwapo ka pero di na ako magkakagusto sa iyo kahit pa maghubad ka sa harap ko! Ayoko na sa iyo."
"Kung ayaw mo sa akin, bakit hindi mo ako itinutulak?"
"Huh?" Nang tingnan niya ang mga kamay ay kusa iyong humahaplos sa balikat nito. Bigla niyang binawi ang kamay na parang napaso. "Sayang ang effort. Bakit pa kita itutulak? Eh, di ikaw na lang ang lumayo sa akin."
"Ayoko ngang lumayo sa iyo. If you don't like me, push me away."
Nakagat niya ang labi. "Hindi ko kaya, eh!"
"Bakit hindi mo kaya?" tanong nito at inilapit pa lalo ang mukha sa kanya.
"Oh, please!" Mariin siyang pumikit. "Nanlalambot na nga ang tuhod ko." Unti-unti na nitong hinihigop ang lakas niya. "Kumain na lang tayo, Hayden. Saka natin ituloy ang meeting. Parang awa mo na."
"Matatagalan pa kung magla-lunch tayo. May alam kong paraan para mabawi mo ang lakas mo."
Dumilat siya. "Ano iyon?"
As an answer, he claimed her lips in an earth-shattering kiss. Naestatwa siya noong una dahil di niya alam ang gagawin. But Hayden knew what to do. He could evoke different kinds of sensation with just a simple touch of his hand and do magic with just a simple kiss.
She couldn't say no to him. Every part of her was saying that it was perfect. Hindi iyon magiging tama kung ibang lalaki ang hahalik sa kanya. Only Hayden could make everything feel right.
"Rei, if you'll only know how I really feel for you."
Ano nga ba ang nararamdaman nito sa kanya? Kaya ba nitong maging ang lalaking inaasahan niyang magmamahal sa kanya? O magagawa rin ba siya sa mga babaeng umasang mabibihag ang puso nito pero sa huli ay naging talunan din?
Sino ba talaga ang totoong Hayden?
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin, Hayden?"
"Hindi pa rin ba malinaw sa iyo?" tanong nito at kinintalan siya ng halik sa noo. Nanlamig ang pakiramdam niya.
"Ginagamit mo lang ba ang mga babaeng nagkakagusto sa iyo para pagtakpan ang totoong pagkatao mo?" biglang nanulas sa labi niya.
"What? Ano ba ang sinasabi mo, Rei? I just want to show the real you."
Itinulak niya ito nang ubod lakas. "This is the real you, Hayden. At nakita ko na kung ano ka talaga. Itinatago mo ang tunay na ikaw sa lahat. At gusto mo akong maging accomplice para pagtakpan ka. Alam mong hanggang ngayon gusto pa rin kita kaya sinasamantala mo naman ang pagkakataon."
Nagitla ito. "Wala akong alam sa sinabi mo, Rei. Nagkakamali ka."
Tumayo siya. "No! Ikaw ang nagkakamali. Hindi ako magpapagamit sa iyo. Is this the real you? Ang nagtatago sa dilim? Nagkukunwari sa lahat? Then I feel sorry for you. Dahil hindi ikaw ang Hayden na minahal ko!"
Saka siya patakbong lumabas ng bahay nito at nagtatakbo palayo. Nang makasakay sa kotse ay pinatakbo niya iyon palayo. Palayo kay Hayden.
Nag-iba na nga si Hayden. She didn't know him at all. Ang Hayden na minahal niya, hindi nanggagamit ng nararamdaman ng ibang tao para pagtakpan ang kahinaan nito. Iyon ang lalaking nagpapakatotoo.
This time, hayden shattered her heart. Ininsulto nito ang pagmamahal niya at di niya alam kung mabubuo pa niya.