Chapter 545 - Chapter 10

"ANAK, ano kaya ang birthday gift sa iyo ni Hayden?" tanong ng mommy ni Rei sa kanya. "Sasagutin ka na kaya niya?"

"Sana nga, Mommy. Magandang birthday gift iyon."

Pinaghandaan niyang mabuti ang birthday niya. Ipinagmamalaki pa  mandin niya sa mga pinsan niya na malapit na siyang magka-boyfriend.

Wala silang pormal na usapan ni Hayden kung ano ang relasyon nila. Pero palagi silang magkasama kung may pagkakataon. Ni hindi na nga ito nagme-make up kapag magkasama sila. Normal na lalaki din ang boses nito. Ibig sabihin ay gusto na rin siya nito dahil pinipilit nitong magbago.

"I-entertain mo na ang mga bisita mo sa labas. At kapag sinagot ka na ni Hayden, ako na ang bahala sa daddy mo."

Niyakap niya ito. "Thank you, Mommy!"

"It feels so young to be in love. Alam ko naman ang feeling. Saka matanda na kami ng daddy mo. Ayaw naman namin na matulad ka sa akin na nasa forties na ng ipanganak ka. Basta tapusin mo muna ang pag-aaral mo."

"Siyempre may pangarap naman kami ni Hayden, Mommy."

Gusto ni Hayden na maging successful furniture designer at siya naman ay maging sikat na interior designer. Gusto niya ng magandang future para sa kanila.

Pagbaba niya sa sala ay sinalubong agad siya ng mga kaibigan at kamag-anak. "Nasaan na iyong magiging boyfriend mo?" tanong ng pinsan niya.

"Totoo ba ang sinabi ni Tita na guwapo siya?" tanong ng dati niyang kaklase.

"Tingnan na lang ninyo kapag dumating siya."

Tiyak na magugulat ang mga ito oras na makita si Hayden. Maiinggit ang mga ito sa kanya. Di niya tiyak kung magiging boyfriend na nga niya si Hayden. Ang importante lang sa kanya ay makilala ng mga malapit sa kanya ang irog niya.

Subalit lumakad na ang oras. Dumating at umalis ang mga bisita niya ngunit wala pa ring Hayden na dumadating. "Edmarie, ano na kaya ang nangyari kay Hayden?" tanong niya sa kaibigan. "Baka may nangyaring masama sa kanya."

"HIndi na siya dadating, Rei. Huwag ka nang umasa," seryosong sabi nito.

"Huwag ka ngang kontrabida diyan. Alalang-alala na nga ako dito. Dadating si Hayden. Kahit na huli siya, dadating siya."

"Rei, kailan ka ba matatauhan? HIndi magiging kayo ni Hayden. Hindi siya ang normal na lalaki na pwede mong magustuhan."

"I know but he will keep his word. There must be some explanation about this." Baka may emergency kaya di ito nakarating. Maiintindihan niya ito.

"Ngayon ang initiation night ng Purple Sky."

Kumunot ang noo niya. "Purple Sky?"

"Oo. Parang fraternity iyon sa school natin ng mga full-pledged gay. Kung di dumating si Hayden sa birthday mo, ibig sabihin nandoon siya. Iyon ang pinili niya at hindi ikaw. Alam mo ba na  kasama sa isusumpa nila na di sila mai-in love sa babae kahit na kailan? Kaya imposible rin na maging boyfriend mo pa siya. It's futile to expect anything from him."

Pakiramdam niya ay buhangin si Hayden na unti-unting humuhulas sa palad niya. Kahit anong gawin niyang paghawak ay kumakawala pa rin.

Manhid ang pakiramdam niya. Parang napalitan ng isang bangungot ang magandang panaginip niya. Wala na sa kanya si Hayden.

NAKAKUNOT ang noo ni Rei habang sinasagutan ang Algebra workbook niya. Paborito niya ang subject na iyon pero di niya makuha nang maayos ang sagot. Hindi maganda ang mood niya. Bigla ay kinainisan niya kahit ang paborito niyang subject.

"Mukhang nahihirapan ka sa assignment mo. Need help?"

Matalim ang mata niya nang iangat ang tingin kay Hayden. He looked so fresh. Ngayon lang niya ito nakitang naka-uniform nang walang make up.

"Anong kailangan mo sa akin?" walang kangiti-ngiti niyang tanong.

Dati ay nawawala na ang galit niya makita lang ang ngiti nito. Siguro ay ikatutuwa rin niya na makikita ng buong campus na magkasama sila nang wala itong make up at lalaking-lalaki ito. Na maipagmamalaki niya iyon bilang accomplishment. Subalit nang sandaling iyon ay di niya nakikita ang Hayden na nasa harap niya. Nakikita pa rin niya ang Hayden na miyembro na ng Indigo Sky.

Inilapag nito ang kahon na naka-gift wrap at umupo sa tapat niya. "Sorry kung hindi ako nakarating sa birthday mo."

Humalukipkip siya. "Ano? May importante kang pinuntahan? Mas importante pa kaysa sa birthday ko?"

Marahan itong tumango. "Yes. Importante nga."

"Tulad ng ano? Ng pagiging member mo ng Indigo Sky?"

Nagulat ito. "Paano mo nalaman?"

"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Nandoon ka ba?"

"Oo. Pero magpapaliwanag ako."

Isinara niya ang libro at tumayo. "Hindi mo na kailangang magpaliwanag. Alam ko naman na iyon ang gusto mo. Ang makasama ang mga taong nakakaintindi sa iyo. Hindi naman kita pipigilan. I'll stay away from you from now on."

"Rei, wait! We don't have to end up this way."

"Ano ang gusto mo? Mukha pa rin akong tanga na susunod-sunod sa iyo? Wala rin namang patutunguhan ang nararamdaman ko sa iyo. Umaasa ako sa wala. I just find it weird. Bakit mo ako pinipigilan ngayon? May nararamdaman ka ba sa akin kahit na kaunti?" tanong niya.

Iniwas nito ang tingin sa kanya. "Hindi ito ang oras para sagutin ko iyan."

"Kailangan ko ang sagot mo ngayon! Mahal mo ba ako kahit kaunti lang?"

"Hayden, ano pa bang ginagawa mo diyan? Kailangan na tayo sa auditorium!" tawag ni Franzine dito na matalim ang tingin sa kanya.

"Sige na. Tinatawag ka na ng mga kaibigan mo."

"Mag-usap tayo mamaya. Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat." There was a plea in his voice. Na parang napakahalaga ng sasabihin nito.

"Huwag na lang, Hayden. Ano pa ba ang ipapaliwanag mo na hindi ko alam?"

He was not a normal guy. HIndi siya nito kayang mahalin. Ano pa ba ang kailangan niyang malaman na makakadagdag sa sakit na nararamdaman niya?

"I don't really want to hurt you, Rei."

Malungkot siyang ngumiti. "Alam ko. Ako lang naman ang nagpilit ng sarili ko sa iyo. Alam ko nangako ako sa iyo na di kita iiwan. Pero sa palagay ko naman di ka na mag-iisa ngayon dahil kasama mo ang mga taong makakaunawa sa totoong nararamdaman mo. Iyong matatanggap ka kung ano ka talaga."

"Ang sabi mo sa akin tanggap mo kung ano ang pagkatao ko."

"Mahal kita, Hayden. Pero mamahalin na lang siguro kita sa malayo. I am sorry kung hindi na kita kayang hintayin."

Nang talikuran niya ito at tumulo ang luha sa mata niya, alam niyang di madali na pakawalan ang lalaking mahal niya. Di rin ito madaling kalimutan. She wondered if she could love someone completely like the way she loved him.

Related Books

Popular novel hashtag